Chapter 34: Unpredictable

1.2K 58 4
                                    

Leah's P.O.V

"Para kanino ba yan? Bakit bumili ka pa ng flower?" tanong ko sabay irap kay kumag.

"For you. I have a plan and for sure you'll like it," kindat nito sakin at bumaba na kami. Andito na kami sa bahay at itong kasama ko hindi ko maintindihan at anong plano? Weird talaga tong pinsan ko, pinsan ko ba talaga siya? Hays sabagay, wala pa kong name-meet na pinsan except her sa father side?

"Umuwi ka nalang!"

"Okay, just 10 minutes inside," napailing nalang ako sa sinagot niya. Ang kulit, wala naman sa lahi naming ang makukulit. Tss.

Nauna na akong maglakad papasok at una kong nakita ay ang mga kapatid ko kasama si president na nanonood ng fucking cartoon ni Ben! What the fuck! Mas maganda pa ang romantic movie na palabas like korean drama.

Nagtinginan naman silang lahat sakin at sa kasama ko. Si ate ang sama ng tingin sakin at yung mukha niya parang nagtatanong kaya I mouthed her later. Hays, mag-e-explain nanaman ako. I really hate explaining! Buti nga at minsan lang umuwi si dad dahil lagi kami nong tinatanong about sa life namin but one thing for sure, gusto niya lang makasigurado na walang nakakaalam na anak niya kami ni Ben.

"8 minutes," bulong ko kay kumag.

"Oh hello guys."

"Hi ate El!"

Wtf! El? Ang sama! Sarap batukan ni Ben!

"Hindi narin ako magtatagal. Leah here, your flower," sabi nito at hinalikan nanaman ako sa pisngi. I really hate this girl! Kung nasa labas lang kami, nasaktan ko na to. I don't care kung magpinsan pa kami.

"Bye," paalam nito at ang mga tao parang nashock lang except kay president na seryoso ng nanonood ng t.v. Tss.

Umupo nalang ako sa sofa katabi si Ben at bigla namang tayo ni ate.

"In my room." Fuck! Kakaupo ko lang eh!

Dali-dali ko namang sinundan si ate papasok ng kwarto niya.

"What is the meaning of this?!"

"A-ate kalma lang muna?"

"Fuck! Explain!"

"Hhmm uunahin ko po muna yung kay p-president. Hays... Paano ba to pero ate secret lang natin. Wag mong sasabihin kay ate Rhea?"

Tumango naman siya. Mabuti naman. Nagbuntong hininga muna ako.

"Ayaw kasing bumalik ni president sa bahay nila. Aalis na sana siya kanina para magtrabaho at titigil na raw siya sa school kaya nagvolunteer nalang ako na dito nalang siya magtrabaho at bibigyan ko nalang siya ng sweldo plus papasok kami sa school together, "simpleng paliwanag ko pero bakit ganon parang nangiti si ate. May kulang nga sa kwento ko pero hindi na niya pinansin? Mabuti naman. Ayoko ring sabihin na pinagtangkaan ng mama niya si president na patayin. I have no rights para ipagkalat pa yun.

"I knew it," natatawang sabi niya kaya naguluhan ako.

"Huh?"

"Nevermind pero bakit nawala ka kanina at nagpapasok ka nanaman ng hindi namin kilala!"

"Kilala siya ni Ben."

"Oh! Shut up!"

Natahimik tuloy ako.

"Explain!"

"O-opo."

Fuck! Bakit kasi takot ako kay ate!

"She's Elisa Irish Hernandez our cousin--"

"What?!"

"Ate patapusin mo muna ako." Umirap naman siya sa sinabi ko. Hays.

"Yeah she's our cousin, kanina ko lang nalaman kasi dinala niya ko kay lolo? Yung lolo sa coffee shop na sinasabi ko sayo." Nanlaki ang mata niya sa sinabi ko.

"Then? Anong sinabi niya?"

"W-wala naman. Kumustahan?"

Hindi ko pwedeng sabihin kay ate dahil baka magalit siya kay lolo at sabihin kay dad. Hindi naman sa wala kong tiwala kay ate pero I want peace kahit papaano sa family namin. Saka ko nalang siguro sasabihin? I don't know pero baka nga alam na yun ni ate dahil siya ang unang nakakilala kay lolo.

"Okay." Pagkasabi non ni ate nagdiretso na ako sa kwarto ko, nagulat ako dahil nasa loob si president at nakaupo pa sa kama ko.

Hindi naman makapal ang mukha niya nan ano? Ay oo nga pala sabi ko kanina, stay here.

"Pumayag kana?" nagulat pa ulit ako sa biglaang pagsasalita nito. Isa pa, hindi ko gets.

"What do you mean?"

"Na maging girlfriend niya?" Natawa ako sa tanong niya. Yeah I'm stupid pero wala nay un dahil pinsan ko pala siya.

"Bakit mo natanong?"

"Nevermind. Ano palang pwede kong magawa dito tutal ayaw mo kong paalisin?"

Bakit parang galit siya? Pero... Ano nga kaya? May kung anong pumasok sa isip ko pero syempre joke lang naman hahaha.

"Hmmm liguan mo nalang ako," seryosong sabi ko pero bakit ganon? Parang wala lang sa kanya at tinaasan pa ako ng kilay. Feeling ko tuloy ako ang nahiya sa sinabi ko dahil nag-iinit na ang mukha ko at ang lakas narin ng tibok ng puso ko.

Hindi naman siya sumagot at dahan-dahang lumapit sa akin at akmang huhubarin na niya ang damit ko pero buti nalang natauhan ako dahil kung hindi mai-estatwa ako sa ginagawa niya.

"W-what the fuck!"

"Akala ko ba papaliguan kita? Diba bago maligo huhubaran muna?"

"S-stupid! It's just a j-joke! Malay ko bang s-seseryosohin mo?!"

"Alam ko, malay ko bang kakagat ka?" Wtf! Kakagat?

"Fuck you! Igawa mo nalang ako ng assignment natin! Syanga pala malapit na ang exam, we're partner right? Let's just study."

"Wow, kelan ka pa nag-aral?"

Kelan nga ba? I don't remember.

"At ikaw ang gagawa ng assignment mo, iga-guide lang kita pero kung gusto mo sa girlfriend mo nalang ikaw magpaggawa." Bakit ang sarcastic pakinggan nong sinasabi niya?

"Bakit ba ng tapang mo ngayon? Baka nakakalimutan mo, nasa kamay kita."

"No, kaya ako nandito dahil ayaw mo kong umalis. You care for me." Nahiya ako sa sinabi niya at napatungo nalang. Somehow, she's right. She really is. Fuck!

"Oo na! Oo na! Don ka nalang muna kay Ben, liligo ako!"

"Akala ko ba magpapaligo ka sakin?" nang-aasar na tanong nito.

"Fuck you! Ikaw paliguan ko dyan."

Stupid Leah! What did I say? Bago pa siya makaimik, dali-dali na akong pumasok ng c.r.

Hays, bakit pabago-bago ata ang attitude niya?

Napangiti ako sa naiisip ko. Ayos narin yun, ang mahalaga nasa ayos na siyang lagay. I know na mahirap yung situation niya ngayon. All I need is to understand her. Fuck! Ako ata ang nabago ang attitude, bakit ang bait ko na nga ngayon sa kanya? Dapat nga galit ako sa kanya pero siguro dahil hindi naman siya talaga ang namblackmail? Oo tama. Tsaka nagkapalit ata kami? Pero sa bagay, hindi rin naman siya non mabait sakin, more on wala siyang emotion na pinakikita pero sa iba madami. Ito ba talaga ang tunay na siya? O may tinatago pa siya? She's really unpredictable.

----

Thank you for reading❤❤❤

Down Side Up (GxG Story: Completed)Where stories live. Discover now