Chapter 2: Bully?

3.8K 91 4
                                    

"Hello classmates, my name is--" Naputol ang pagpapakilala ko dahil biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito si president.

Wtf! She interrupted me!

Lahat kami ngayon ay sa kanya nakatingin pati narin ang adviser namin na si Mrs. Lorna Panopio teacher din namin sa Filipino. Napakinig ko naman tong dalawa kong katabi na natatawa-tawa. Nasa gitna kasi ako, si Karla sa kanan at si Vanessa sa kaliwa.

"Good morning maam," bati nito at nginitian naman sya ni ma'am.

Ano yun hindi pinagalitan porket president? Unfair!
Where's the equality here?

Luminga-linga ito at nang may nakitang bakanteng upuan ay umupo. Walang iba kundi sa unahan ni Karla. Katabi nito yung babaeng puro pimples ang mukha at bakante ang gitnang upuan. Tatluhan kasi.

Classmate ko pala to! Exciting! Hindi ko tuloy mapigilang hindi mapangiti. Siya pala yung may mga binago at may ipinatupad na rules mula noong umalis ako. Nabanggit kasi niya yun sa gathering kanina sa gym tsaka sabi rin nila Karla kanina. Hindi naman ako interesado. Tss.

Tumingin naman ako sa unahan at sinenyasan ako ni ma'am na magpakilala na.

"Hello again classmates, my name is Leah Kate Perez, fifteen years old. I know that some of you knows me?" nakangising pagpapakilala at tanong ko. May ilan namang parang natakot na ewan. Yung mga lalaki naman ay mukhang natuwa. Mga babae kasi ang binu-bully ko noon at tuwang tuwa sila. Perez nga pala ang pinakikilala ko sa kanilang surname dahil ayaw ni dad na makilala kami bilang Briz na anak niya. Pathetic.

Umupo na ako at ang last na nagpakilala ay si Karla dahil nasa hulihan kami pero nagkamali pala ako. Si president pa pala.

"Cheska Laurel Gonzales at your service," nakangiting pagpapakilala nito pero may dating. May nagpalakpakan pang iba.

What's the big deal?

"If I were you, hindi na ko gagawa ng kalokohan," bulong sakin ni Karla na parang nang-aasar.

"Kalokohan? Hindi ako gagawa non kung walang sapat na dahilan." Ayoko ng gumawa ng kalokohan. Papagalitan nanaman ako ni dad atsaka babagong buhay na kaya ako. Gusto ko sanang idagdag pero baka pagtawanan lang nila ako. Mga abnormal pa naman ang mga to.

"Siguraduhin mo lang girl ah," natatawang dagdag nito. Si Van naman ay nagtatanong kung anong pinag-uusapan namin. May pagka-slow din kasi ang isang to at napakachismosa.

Natapos ang dalawang oras ng walang kabuluhan dahil first day, recess nanamin at twenty minutes lang yun. Pinauna ko na yung dalawa muna at hintayin nalang ako sa canteen dahil naiihi ako.

I quickly open the door dahil feeling ko tutulo na. Nang matapos na akong umihi ay binuksan ko yung pinto at sumalpok yung pinto sa isang tao na sapo-sapo ngayon ang noo habang nakatungo at kita sa kinikilos niya nanasaktan siya kaya napangiwi ako. Lapitin talaga ako ng gulo.

"Hey, sorry. Are you okay?" nakokonsensyang tanong ko dito. Hinawakan ko ang likod nito at inalo.

"Do you think I'm okay?" mataray na tanong nito sa akin at hinarap ako pero nakahawak parin sa noo.

Holy cow! Si president!

I didn't notice her!!!

"Oh it's you, Ms. Perez?" dagdag na tanong nito sa akin at halatang gulat din. Habang binabanggit nya yung surname ko ay may halong galit.

What did I do?!

Bumuntong hininga ako at hinarap siya. Hinawakan ko ang kamay nito at inalis sa noo niya. Nakita kong namumula ang noo nito at tumingin ako sa kanya pero hindi sa akin ito nakatingin kundi sa sahig.

Down Side Up (GxG Story: Completed)Where stories live. Discover now