Epilogue

1.4K 40 18
                                    

10 years later

"I miss you," I whispered while looking at her picture.

Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala sa nangyari. 10 years na ang nakalipas ngunit sariwa parin ang lahat sa isip ko.

Nakakatawa dahil noon, naiinggit ako kay bully. May mga taong nagmamahal sa kanya ng totoo at ako ay wala. May magulang nga ako ngunit parang patay naman. Ngayon, sa sampung taon kahit papaano namimiss ko si mama. Kahit na buong buhay ko hindi ko naramdaman na minahal niya ako ay nangungulila parin ako.

Napabuntong hininga ako ng mapagtanto ko na bukas na pala ang 10th Death Anniversary niya.

Pinatong ko na sa table ang picture ni mama ng makaramdam ako ng yabag.

"President?" Napangiti ako ng malawak ng bumungad sa pinto ay si bully.

Sa sampung taon, president parin ang tawag niya.

Bumangon na ko sa kama at sinalubong ito ng yakap.

"Bakit ngayon ka lang?" tanong ko rito habang nakapikit. Hindi naman ito sumagot sa halip ay kumalas siya ng yakap at binigyan ako ng mabilis na halik sa labi.

"Masyado mo naman ako namiss," biro nito at tumingin sa tiyan ko.

"Namiss din ba ko ng baby namin?" nakangiting dagdag na tanong nito.

"Hindi raw," biro ko at kinurot ang pisngi nito.


Leah's P.O.V

Kasalukuyang sinusubuan ko si president ng dala kong fried chicken dahil ito ang pinabili niya sakin ngayon.

I don't know but there's something bothering me dahil sa mga mata niya.

"Ayaw mo ba?" Mukha kasing wala itong gana ngunit umiling lang siya.

"Puntahan natin si mama bukas?" yaya ko rito na ikinatigil nito.

"Talaga?" masayang tanong nito na ikinangiti ko. Mula kasi nong sinabihan siya ng doctor na huwag maglalabas dahil delikado dahil sa baby ay hindi ko siya pinapalabas na ng bahay. Ayoko rin naman kasing may mangyari sa kanilang masama lalo na at nagtatrabaho ako.

"Oo naman," nakangiti kong tugon dito at siya naman ako nitong niyakap.

"Ang papa---" pinutol nito ang sasabihin ko na ikinainis ko sa sarili ko. Bakit ko ba kasi naisip yun?

"Anong oras tayo aalis?"

"Kung anong oras mo gusto," nakangiti kong sagot dito.

10 years. 10 years narin pala ang nakalipas. 10 years Death Anniversary ni lolo Rowaldo at ng mama ni president. 10 years na ring nakakulong ang papa nito na ni minsan hindi niya binisita. 10 years na pala, parang ambilis. Siguro dahil masaya ako na kasama si president?

Masaya rin kaya siya na ako ang kasama niya?

Napatingin ako sa kaliwang balikat nito at naroon ang peklat na naiwan 10 years ago. Yung napakinig kong putok noon ng baril ay si president ang tinamaan. Mabuti nalang at hindi ito malala. Ang kaso nga lang, inatake ang mama nito at namatay. Sumuko naman agad ang papa ni president at sinabing si lolo Rowaldo ang nag-utos sa kaniya dahil malaki ang binigay nito ritong pera. Halos isang buwan bago natagpuan noon si lolo dahil nagtago ito ngunit natagpuan ang bangkay nito sa isang puno at nagbigti.

"Leah?" Inalis ko ang tingin sa balikat nito at tiningnan siya sa mata.

"Hmm?"

"Mahal kita." Napangiti ako sa sinabi nito at agad siyang hinalikan sa labi.

Down Side Up (GxG Story: Completed)Where stories live. Discover now