Chapter 29: Blackmailer

1.4K 51 0
                                    

Leah's P.O.V

"Fuck! Why did I do that?" tanong ko sa sarili ko habang patakbong papunta ng gate upang umabsent.

Hindi ko siya kayang harapin o makita manlang! I'm so stupid! Ang landi ko! At ako pa talaga ang humalik sa kanya! I know, she's not my first kiss but fuck! I initiate and to a girl! Really?!

Napasabunot ako ng wala sa oras sa sarili ko at dahan-dahang napahawak sa labi ko. Napapangiti akong ewan na naiinis sa sarili ko. Fuck! I'm out of my mind!

"Ma'am bawal pong lumabas ng school," pigil ng guard sa akin.

Fuck! Nasa gate na pala ko! Inayos ko ang sarili ko at matapang na humarap sa guard.

"Anong bawal? It's emergency!" bulyaw ko rito pero hindi siya nagpatinag.

"Naku ma'am bawal po. Kailangan nyo po munang kumuha ng permiso kay president."

Napapikit ako ng wala sa oras matapos kong mapakinig yung word na president. I feel the embarrassment kahit wala siya dito. Padabog na umalis nalang ako sa gate at kasabay non ang pagbell. Mabuti nalang at lunch na. Sana hindi ko makita si president dahil kung hindi, fuck! Nakakahiya talaga! Matapos kasing maglapat ang labi namin mga 3 seconds siguro, natauhan ako. Bigla nalang akong umalis ng student council room at bakit nga naman ako magi-stay pa don? I have no face to face her! Napahiya ako!

Nagpunta nalang ako ng canteen at naupo sa pwesto namin at hindi nagtagal ay dumating narin ang mga bitches.

"Hoy! Hoy! Saan ka galing?! Bakit hindi ka umattend ng class?" bungad sakin ni Karla. Ngumiti nalang ako ng pilit sa kanila bilang tugon.

"Tsk tsk tsk kaya nga, lagot ka kila ma'am. They are all looking for you tsaka si president wala rin. Nakakapagtaka," dagdag naman ni Van.

"Shut up," mahinang tugon ko dahil naalala ko nanaman yung nangyari kanina. Hays! Bakit ba lagi nalang ako nakakarining ng president? Fuck that word!

"Vanessa look namumula si bes! Anyare? Hahaha."

"Hala oo nga hahaha."

Feeling ko mas lalo akong namumula dahil sa pinaggagagawa nila.

"Bes, umamin ka nga. Anong nangyari sayo? Wag mong sabihing--"

"Shut up Karla. Yang utak mo. Tss."

Nakakainis kesa suyuin nila ako, aasarin pa. Napasimangot tuloy ako sa kanila.

"So, bakit ka nga absent?"

"I'm not absent... May... ginawa lang..." Shit! Dapat kasi hindi nalang ako nagcutting. Napasama pa tuloy ako. Bakit ko ba kasi yun ginawa? Fuck!

"Weh? Edi cutting! Hahaha" Napasabunot nalang ako sa kanila.

"Umorder na nga lang kayo!" bulyaw ko sa dalawa at nagtinginan naman yung mga ibang tao sa canteen but I don't care! Wala kong panahon sa kanila.

"Easy hahaha tara na nga Vanessa. Baka may kababalaghang nangyari diyan kaya ganyan." Automatic na napatungo ako dahil sa sinabi niya.

What the fuck? Kababalaghan? Argghh.

"Fuck you," pabulong pero surang sabi ko dito at tinawanan lang ako. Si Van naman nakikitawa lang pero alam kong hindi naiintindihan dahil slow. Tss.

Napaubob nalang tuloy ako.

"Hey!"

Fuck that voice!

"Hey." This time kinulbit na niya ko.

"What?!" surang sagot ko at hinarap siya. Walang iba kundi si kumag. Naalala ko nanaman tuloy yung ginawa niyang paghalik. She's like a mushroom. No, she's really is. Tss.

Tinitigan lang niya ko pero hindi nagtagal napabungisngis ito. Napairap tuloy ako sa kanya. Ano nanamang trip niya? Wala kong planong makipagbiruan sa kanya.

"Umalis ka nga sa harapan ko," mataray na taboy ko dito. Ewan ko ba pero mainit talaga ang dugo ko sa kanya mula pa nong una pero ang kumag nginisian lang ako.

"Hindi mo ba ko namiss?" napairap ako sa tanong niya. Ang kapal niya talaga pero sa iba napakatahimik!

"At bakit naman kita mamimiss?" Dahil sa tanong ko naningkit ang mga mata niya.

"Because I kiss you," nakangising sagot naman nito at tinaas pa ang kilay.

"Yuck! Umalis ka nga. Kadiri ka!" bulyaw ko rito kaya tinginan nanaman sakin ang mga tao. Mga chismosa!

Napatawa nalang siya sa inasta ko. Tumayo na rin siya at lumapit sakin.

"I know who you are, " seryosong bulong nito na nakapagpakaba sa akin.

Fuck! Hindi kaya siya yun!? Yung nambablackmail sakin?

Dahil sa sinabi niya may litratong pumasok sa isipan ko at yun ay si president. Fuck! Pinagbintangan ko siya pero paano nangyari yun? Siya yung nagtext sakin? Ang gulo.

"What do you mean?" kinakabahang tanong ko dahil ang creepy narin ng mukha niya parang may masama siyang binabalak.

"Be my girlfriend and your secrets are safe." Napa-o shape mouth ako sa sinabi niya bago tuluyang magsink-in talaga sakin kung ano ang tinutukoy niya.

"Fuck you and why would I do that?!" Ano ko tanga? I'm not a lesbian! Hindi ako pumapatol sa kapwa ko babae. Ayokong mapag-usapan ng madaming tao at paano nalang kapag nalaman nilang anak ako ng school na to? Edi lalo ng issue!

Pero hindi nagtagal, biglang pumasok nanaman sa isip ko yung ginawa kong panghahalik kay president. Fuck!

"Because I know na ayaw mong malaman ito ng iba," nakangising sagot niya. Nag-iinit na tuloy ang ulo ko sa kanya, matagal na pala bwisit.

"You're out of your mind. Baliw ka na!"

"Oh bes bakit inaaway mo nanaman si Elisa?" biglang sabat ni Van kasama si Karla na may dalang tray ng foods. Hindi ako nakasagot sa kanya dahil anong sasabihin ko? Na binablackmail niya ko? I'm not a kid anymore.

"Let's talk later," sabi ni kumag sakin ng nakangisi at saka umalis.

Wala talagang modo, sakin lang siya may ganang gumanyan. Kaya siguro ang kapal ng mukha niyang halikan ako sa pisngi dahil alam niya ang secrets ko. Hindi talaga ako nag-iingat kaya nakakawalang ganang magpapasok ng kung sino-sino sa buhay, mga traydor and what? She wants me to be her girlfriend? In her face! Fuck her!

Napapikit tuloy ako sa inis at makalipas ang ilang segundo minulat ko na ulit ito. Napalitan ng kaba ang inis na nararamdaman ko dahil nakita ko si president. I'm sure na siya yun kahit nasa malayo. Nagtaka ako dahil bakit may dala siyang bag at patungo siya sa gate.

---
Thank you for reading♥️♥️♥️




Down Side Up (GxG Story: Completed)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt