Chapter 11: Unconscious

1.4K 38 0
                                    

Cheska's P.O.V

Thank you for hurting me. It feels great, I feel the real pain again. It's been a long time since I felt it.

Leah's P.O.V

"Oh san ka galing?" tanong ni Karla.

"Siguro nagrecess, ayaw na niya tayong kasama," sabi naman ni Van kaya napairap ako.

"Not now," tipid na sagot ko.

Hindi nagtagal ay nagbell na upang magstart ang third subject. President didn't come and I know na wala siyang mukhang maihaharap ngayon. Sigurado akong paga ang mukha niya baka magpasa pa yun. Tss. Her fault!

Dumaan ang fourth subject at lunch time na. As usual wala akong naintindihan and I don't care. I don't need to study to become successful someday. What I need is gumption or determination and courage to be successful.

"Nasaan kaya si president?" tanong ni Van.

"Ewan. Tara lunch na tayo," sabi naman ni Karla.

Hanggang ngayon wala parin akong ganang kumain. Nagchichikahan yung dalawa pero wala ako sa mood makinig at makisabay. Sumama nalang ako sa kanila at binigay ulit ang wallet ko. Hindi nagtagal ay kumain narin kami.

Nagdaan ang mga oras at uwian na.

"Hindi ka ba talaga sasabay? Kahit sa gate?" tanong ni Karla sakin.

"Yeah. I have something to do," sagot ko.

"Weh? Ayaw mo lang kami kasabay," nakangusong sabi Van kaya napairap ako. Isip bata.

Hindi ako sumagot at kinuha ang bag ko. Nauna na ako sa kanilang umalis.

Mula pa kasi kanina binabagabag parin ng isipan ko si president. I felt something wrong? I'm guilty? I don't know.

I just want to see her at sa pagkakaalam ko may meeting ngayon ang student council kaya hindi agad siya makakaalis. Isa pa, hindi na siya umattend pa ng klase after our conversation. I think na nasa student council room siya.

Naisipan kong magpalipas muna sa rooftop upang magpahangin narin. I'm sure na matatagalan yung meeting. Habang nasa elevator, I texted Ben na umuna na siya sa bahay because I have some important things to do.

Nang makalabas ako sa elevator ay may nakita akong babae na nasa gilid ng elevator, nakaub-ob sa kaniyang tuhod at yapos ang dalawang hita.

Why she's still here? Mula ba nong huli naming kita ay hindi na siya umalis dito?

"Hey," tawag ko rito pero as usual she didn't respond. Tss.

Great timing pala. Hindi ko na siya kailangang hintayin ng matagal. Bakit ko nga ba siya gustong makita? Yeah kasi hindi siya umamin na siya yun.

But what if it's not her?

Malabo!

Siya yun.

Akmang yuyugyugin ko na sana ito upang gisingin ngumit bigla siyang tumunghay. Nakatingin siya ng diretso sa mga mata ko at ganoon rin ako sa kanya pero wala akong emosyong nababasa sa kanya. Nakaramdam tuloy ako ng takot kaya napalunok. I'm right nagpasa nga ang kaliwang pisngi niya at yung labi niya ay may natuyong dugo.

Why she didn't wipe it?

I feel pity on her. I'm stupid! Bakit hindi ko nakontrol ang sarili ko? Fuck!

Nag-iwas na ako ng tingin. I can't stand seeing her like that.

Pero bakit naman ako maawa? It's her fault anyway kaya tiningan ko ulit siya. Hindi dapat ako maawa. I need to protect myself first and the reputation of my family.

Down Side Up (GxG Story: Completed)Where stories live. Discover now