Chapter 5: Sick

2.1K 65 1
                                    

Leah's P.O.V

"Mamayang hapon after class, magwawalis kayo sa may likuran. Hindi na kayo nahiya, officer kayo ng room pero anong ginawa niyo? Nag-ingay at sa flag ceremony pa talaga ah," mahinahon pero may diing sabi ni president saming tatlo at tumango-tango naman ang dalawa.

Tsk. Ano ba naman to, second day palang. This is because of the bitches!

Kami lang apat ang nandito sa room ng mga student council. Si Karla at Van nakatungo lang at halatang kinakabahan. Pathetic talaga. Ako naman ay nakatingin lang sa labas. Ayokong tingnan ang mukha ni president naiinis ako.

Bakit kasi ang big deal?!

"Okay, pwede na kayong pumunta sa class natin. Mauna na kayo."

"Thank you Ms. Pres!" masayang sabi ng dalawa. Pathetic!

Umalis na kami at pagkasarado ni Van ng pinto ng student council ay may naisip ako.

"Mga Bes mauna na kayo. Natatae ako," paawang sabi ko. Mahirap na baka hindi maniwala.

"Yuck/Eww," sabay na sabi nila at natatawang umalis. Tinaboy-taboy pa ako. Wag na daw ako pumasok. Siguraduhin daw na maghugas ng kamay. Tss. Hindi naman ako katulad nila na dugyot.

Nang makasiguro akong nakaalis na sila ay pumasok na ulit sa loob pero wala don si president.

Where is she? I know na hindi pa siya nakakaalis. Besides iisa lang ang pinto palabas. Siguro nasa c.r siya kasi may c.r sa loob nitong room ng student council. Hintayin ko nalang siguro siya. I think natae siya? Or nagwiwiwi?

---

Cheska's P.O.V

Anong ginagawa niya dito?

Napatingin ako sa relo ko at 7:38 na ng umaga. For sure start na ng first class pero bakit nandito itong bully na ito? Hindi lang basta nandito kundi natutulog sa sofa. Kapal din naman ng mukha, hindi porket sila ang may-ari ng school gaganyan-ganyan siya.

Nilapitan ko nalang ito at akmang gigisingin pero hindi ko naituloy. Hindi ko rin alam kung bakit. Inayos ko na lang ang ulo nito at hiniga siya ng tuluyan. Siguradong sasakit kasi ang leeg nito kung magtatagal siya sa ganong posisyon. Kumuha narin ako ng unan at kumot. Nakakaawa kasi. Kahit naman papaano may mabuti akong kalooban sa lahat ng sinapit ko sa kanya.

Sinapit talaga ah?

Napatawa tuloy ako sa naisip ko. O.A.

Napabuntong-hininga nalang ako at dali-daling umalis dahil gusto kong umattend sa first subject.

Hay kapagod! Ang hirap pala talagang maging president. Buti last year na ito, hindi na ako susubok ulit sa susunod.

Saktong pagkadating ko ay walang teacher pero may ginagawa silang front page para sa portfolio namin. As usual second day palang naman dapat pala hindi na muna ako pumasok at binantayan si bully.

Abnormal kana ba? Bakit mo babantayan yun? Ano ka nanay? - tanong ng left brain ko.

Baka naman gustong gumanti. - sabi naman ng right brain ko.

Bakit naman ako gaganti? Gusto ko lang ipamukha sa kanya na may rules at kailangan niya itong sundin.

Eh bakit hindi mo ginising kanina? - right brain.

Kaya nga abnormal talaga. - left brain.

Winaksi ko nalang ang mga naiisip ko baka mabaliw pa ako. Bakit nga ba kasi? Puntahan ko kaya tutal hindi pa ko napasok ng room.

Wag! - pigil ni right brain pero hindi ko sinunod at dali-daling bumalik sa room ng student council. Feeling ko nababaliw na ata ako. Bakit kasi bumalik pa siya?

Gusto mo ngang bumalik para makaganti diba? - left brain.

Masamang gumanti pero bahala ka - right brain.

Ang lakas ng tibok ng puso ko nang makarating ako sa room naming mga officer. Paano ba naman lakad-takbo ang ginawa ko. Tss.

Binuksan ko na ang pinto at saktong landing agad ng mata ko sa kanya. Nilapitan ko ito at parang may mali sa kanya. Pawisan kasi ito, malamig naman ang room dahil air-conditioned. Sinipat ko ang noo nito.

Shit! Ang init niya! Kanina naman hindi siya mainit. Anyare?

Hindi ko alam ang gagawin dahil hindi naman ako nag-aalaga ng may-sakit maliban sa sarili ko. Wala kasing nag-aalaga sakin.

Napagpasiyahan ko nalang na magtungo sa clinic para tawagin ang nurse.

"Goodmorning po nurse Nica. Pwede niyo po bang gamutin yung kaibigan ko? Nasa student council room po nilalagnat," mahinahon at magalang na sabi ko. Nagtataka pa muna itong tumgin sa akin bago sumagot.

"Sure," tipid na sagot nito at kumuha ng iilang gamit.

Hala patay! Kaya siguro siya nagtataka kasi bakit nga nasa student council siya? Tsaka teka anong sabi ko? Kaibigan ko siya? Hindi! Never!

Kalma! - right brain.

Humugot nalang ako ng malalim na hininga.

Nang matapos magligpit at maggayak ng gamit ay nagsimula na kaming maglakad. Mabuti naman at hindi siya nagtatanong kung bakit hindi ko sa clinic agad dinala ang may lagnat na iyon. Nang makarating kami ay sinimulan na niya itong kuhanan ng temperature at kung ano-ano pa. Umupo nalang muna ako dahil nakaramdam ako ng pagod. Ikaw ba naman ang pauli-uli.

Kasalanan mo yan! - left brain.

Hay nako. Ang mahalaga makatulong sa kapwa kahit pa demonyo.

Hindi nagtagal ay natapos narin si nurse at nilapitan ako.

"Mukhang mahimbing ang tulog ng kaibigan mo kaya pagkagising nalang niya saka mo samahan sa clinic para don ituloy ang pagpapahinga. Sa ngayon, ikaw muna ang magbantay. Marami pa kasi akong aasikasuhin," nakangiting sabi sakin ni nurse.

"Salamat po," nakangiting pasasalamat ko at pagkasabi ko non, umalis na si nurse.

Nilapitan ko si bully at pinagmasdan.

Bakit ganon? Bakit parang nag-iba siya mula nong umuwi siya ngayon sa Pilipinas pero sabagay siguro hindi pa niya pinapakita ang masamang ugali niya kasi kakapasok niya palang ulit. Ngunit bakit parang bumait ata siya? Anak ba talaga siya ng owner nitong school? Hindi ba niya talaga ko naalala? Bakit parang ang dami niyang tinatago?

Napatawa ako sa mga naiisip kong tanong. Napadako naman ang tingin ko sa mga pilik mata nitong mapipilantik at ang kilay niyang makakapal.

Nakakainggit!

Sumunod na dumako ang mga mata ko sa cute niyang ilong na may nunal sa gitna.

Why so perfect?

Hindi ko alam pero sunod na dumako ang mga mata ko sa labi nitong putlang-putla ngayon. Ang cute din ng lips niya, kissable.

Bakit ganon? Sana ako nalang siya. Sana mayaman rin kami pero yun nga lang anak lang siya sa labas pero kahit na. Naiinggit ako. Sa totoo lang kaya ko sila pinatawag ng mga kaibigan niya kasi naiinggit ako sa kanila. Kita ko kasi ang saya sa mga mata nilang tatlo habang nag-uusap o kapag nagkukwentuhan. Eh ako? Hindi ko alam kung may kaibigan akong totoo. Wala naman kasi dito yung mga totoo kong kaibigan dahil nasa public sila. Feeling ko kaya lang nila ako kinakaibigan kasi ako ang president. Mga plastik pero wala kong pakielam. I need to survive. I want my parents to be proud of me pati narin si ate.

Isa pa, wala kong pinagkakatiwalaan dito sa school.

Mahirap magtiwala lalo na kung may mga tao ng sumira nito.

"Stop staring at me."

---

Thank you for reading❤️❤️❤️





Down Side Up (GxG Story: Completed)Where stories live. Discover now