Chapter 13: Bahay

1.3K 36 3
                                    

Leah's P.O.V

"What did you do to her?" Nagulat ako dahil may biglang nagsalita eh kakapasok ko palang ng kwarto. Kakauwi ko lang kasi dahil hinatid ko si president.

"Ate wag ka nga manggulat," sabi ko habang nakahawak sa dibdib. Napakinig ko naman siyang nagtss. Nakaupo siya ngayon sa higaan ko.

"Bakit ganon ang mukha ni Cheska?" naiirita niyang tanong.

"Bukas nalang tayo ate mag-usap. Antok na ako," palusot ko.

Sana lumusot.

"Ikaw ang may gawa sa kanya non ano?"

"Bukas na nga lang po tayo mag-usap," kinakabahan ng sagot ko dahil seryoso na si ate this time.

"Leah Kate!"

"O-opo ako nga," nauutal na sagot ko pag kay ate talaga hay nako. Fuck this life. Im dead!

Napabuntong hininga naman siya upang pakalmahin ang sarili. Napakamot tuloy ako sa kanang tenga ko.

"Why did you do that?" kalmadong tanong nito sa akin.

"Kasi she's blackmailing me!" pasigaw na sagot ko.

Wrong move.

"Don't shout at me!" pagalit na sigaw nito sa akin.

"So-sorry a-ate," nakangiwing paumanhin ko habang nakatungo.

Stupid!

Makalipas ata ang isang minuto bago siya nagsalita.

"What do you mean? She's blackmailing you?" curious na tanong nito sa akin kaya tumunghay na ako at nakataas na ang kaliwang kilay nito sa akin.

"Opo," sabi ko at kinuha ang cellphone ko at pinakita yung message niya pagkabasa niya non ay humugot ulit siya ng malalim na hininga.

"Explain it all to me."

"Ganito po kasi yun noong gabi bago natin sunduin si mom nakatanggap ako ng message mula sa kanya pero kinabukasan absent naman po ako kaya kahapon ko lang siya nakausap. Tinatanggi niya na hindi siya yun," simpleng paliwanag ko pero mukhang hindi siya nakumbinsi.

"Paano mo nasabing siya nga talaga ang may gawa non?"

"Her sister and her are the only one who knows that I'm a bastard. Kung hindi mo lang kasi sinabi sa kanila yun." May mali nanaman ata sa nasabi ko kasi nakakunot nanaman ang noo ni ate.

"So, it's my fault."

"Hindi, hindi, hindi sa ganon ate," aligagang tanggi ko.

"Eh bakit pasa ang kaliwang pisngi niya at putok ang labi?"

"Sinabi niya kasing bastard ako," nakatungong sagot ko. Alam ko mali ang ginawa ko hindi lang talaga ako nakapagtimpi!

"Okay. I'm sorry pero hindi siya umamin na siya nga yun. Hindi ka dapat nagpadalos-dalos. Kinausap mo sana siya ng maayos."

Yeah right pero nangyari na.

"Opo, sorry din," paumanhin ko.

"Apologize to her," walang ganang sabi ni ate.

"What?! No! Katulad nga ng sinabi mo ate hindi rin natin sure kung siya nga talaga yun. There's a 50% chance. Hanggat hindi natin nakukumpirma na hindi siya saka lang ako magsosorry! " gulat na sagot ko at hiningal matapos sabihin yun. Napabuntong hininga naman si ate.

"Okay as you say so," sabi ni ate at akmang aalis na ng kwarto ko. Nakahinga tuloy ako ng maluwag pero bigla siyang huminto at hinarap ulit ako.

"Eh bakit nandito siya kanina?" nakataas nanamang kilay na tanong ni ate.

Down Side Up (GxG Story: Completed)Where stories live. Discover now