Chapter 15: Offend

1.2K 46 2
                                    

Leah's P.O.V

"Anong trabaho ng mga magulang mo?" tanong ni mom kay president.

Andito kasi kaming lahat sa living room nanonood. Nakabihis narin kami ng pambahay at pinahiram ko again si president ng damit pero syempre hindi ko pa gamit.

Si mom at president nag-iingay lang dito. Oo ingay talaga. Bakit kasi interesado si mom sa kanya. Kanina pa tanong ng tanong na walang kakwenta-kwenta.

Tiningnan ko si president dahil katabi ko lang naman ito. Ayaw kong katabi siya pero no choice dahil dito ako pinaupo mom. Nasa gitna siya at si mama, sa kabilang dulo sa Ben. Si ate at ate Rhea naman ay sa solong sofa. Si ate ay dito sa katabi ko. Si ate Rhea ay kay Ben.

"Si mama po ay naglalabada. Si papa naman po ay nasa ibang bansa nagtatrabaho," simpleng sagot ni president. Inalis ko narin ang tingin sa kanya at tinutok ang tingin sa palabas pero hindi ko naman maintindihan.

"Ahh mabuti maman at nakakapag-aral ka sa Briz Academy."

I feel offended kahit na hindi ako ang sinabihan. Napatingin din tuloy sila ate maliban kay Ben. Nakikinig din pala sila.

Walang lumabas sa bibig ni president at naiinis ako don.

"She's smart that's why. She's our president too," sabat ko.

"Oh really?" Nahihiya naman tumango si president.

"If you need some help. Andito lang kami," dagdag pa ni mom.

Psh. As if naman na hihingi siya ng tulong.

"Ma'am may tao po sa labas, kaibigan daw ho ni Ma'am Leah. Papapasukin po ba?" tanong ni Manang Pipay.

"Bawal magpapasok diba?" tanong ni mom.

"Napag-usapan na po namin ito ni ate."

"Papasukin siya."

"Sige po."

Hindi nagtagal ay pumasok narin yung bisita namin. Walang iba kundi si kumag. Akala ko pa naman sila Karla na. May dala itong doughnuts?

Mukhang alam ko na kung para kanina yun.

"Yow ate Irish! Wow para sakin ba to?!"

"Yeah but give them too." Kinuha naman ni Ben agad ito.

"Thanks." Umalis na ito at dumiretso sa kusina upang buksan na. Takaw talaga!

"Goodevening po," bati niya sa lahat.

"Who are you?" mataray na tanong ni mom.

Eh?

"I'm Elisa Irish Hernandez, I'm their classmates."

"Sit here." Umupo naman ito sa katabi ni mom na pinag-alisan ni Ben.

"So, you're not their friends?"

Hindi naman agad nakasagot si kumag.

"Oh by the way she's my daughter," dagdag ni mom dahil mukhang napipi itong isang to.

"I like your daughter."

Fuck! What did she say?!

Mukhang naubo si mom dahil sa sinabi ni kumag at lahat sila nakatingin rin sa kanya maliban kay president.

Napapikit ako dahil nahihiya ako! Yeah I feel embarrassed. Fuck her!

"W-what do you mean?"

"She's not yet my friend. I like her to be my friend."

Down Side Up (GxG Story: Completed)On viuen les histories. Descobreix ara