Chapter 38: Dad

1.2K 67 4
                                    

Leah's P.O.V

It's been a week, malapit ng mag-September, tapos na rin ang exam namin at nakakuha ako ng pasang awang grade. Si president naman, highest at ang ending naming, wala kaming nakuhang extra points. Isang linggo narin nga pala siya dito samin at nagtataka ako kung bakit hindi siya sinusundo ng mama niya o hinahanap manlang. Ganon ba talaga si president kawalang kwenta sa kanya? Buti nalang si dad hindi pa umuuwi tsaka si mom naman nakila lola parin. Wala na atang balak umuwi dito sa Manila which is good.

"Oh bakit nakakunot ang noo mo Bes at kay Gerome pa talaga?" tanong ni Van.

May nakita kasi akong asungot tapos kasama pa si president. Lunch kasi ngayon at syempre mas pinili pa ni president na don sumabay. Sabi niya rin kasi sakin, kung ano daw ang nakagawian, edi yun.

Nakakainis, gusto ko kasi siya kasama! I hate myself being like this!

"Kaya nga, hindi ka parin ba nakakamove on?" dagdag na tanong naman ni Karla.

"Yuck! Mandiri nga kayo! And, wala naman dapat akong gawin upang magmove on," depensa ko sa sarili ko.

"Eh bakit ansama ng tingin mo sa kanya?" kulit na tanong ni Van.

"I don't know. Basta! Kumukulo ang dugo ko everytime I saw him."

"You know what? Love is hate."

"Ang korni mo talaga Vanessa Mendez," sabi ko sabay irap at tinuloy nalang ang pagkain ko.

"Alam niyo ba may balitang pupunta daw dito yung dad mo," sabi sakin ni Van.

"Vanessa yang bunganga mo," suway ko rito at nag zip her mouth gesture naman siya. Tss.

"Kelan?" tanong naman ni Karla.

"I think tomorrow?"

"Tomorrow?!" gulat kong tanong at nagtinginan naman yung mga students samin but I don't care.

"Yep."

"Baka fake news yan, wala naman sinasabi si dad about don pero sabagay hindi naman niya kami iniinform sa mga ginagawa niya." Tsaka hindi na big deal sakin yun, wala naman nakakaalam masyado na anak kami ni Ben nitong may-ari ng school kaya ayos lang.

"Okay, Vanessa bili ka nga muna ng water," utos ni Karla.
"Ala, ako nanaman," angal nito kaya napatawa ako. Ang cute niya kasi, ang cute niyang hambalusin.

"Sige alam mo na mangyayari."

"Ah ah naman eh," angal parin nito at padabo na sinunod rin naman ang pinsan.

"Bes, umamin ka nga, do you like president?" Fuck! Nasamid tuloy ako sa tinanong niya buti nalang may juice ako. Fuck! Bakit kasi ang straight forward niya?

"What the fuck is that question Karla?"

"Matagal narin kitang inoobserbahan. Sadyang slow lang talaga si Vanessa dahil akala niya gusto mo parin si Gerome but nagseselos ka dahil magkasama sila ni president." Natameme lang ako sa mahabang sinabi niya. Ang bilis narin ng tibok ng puso ko.

"See, you're blushing and I think your heart is pounding," nakangisi at malatulang sabi nito. Fuck!

"You're right Karla." Para namang tumalbog ang puso ko sa nagsalita. Walang iba kundi yung kumag kong pinsan.

"What? Alam mo rin?" naaamaze na tanong ni Karla.

"Yes, indenial lang talaga tong cousin ko." Gusto ko mang kumontra pero walang salita na lumalabas sa bibig ko. Bumubuka ito pero tumitikom rin naman. Fuck!

"Ano?! Magpinsan kayo?! I thought may gusto ka sa kanya at first," napatampal nalang ako sa noo sa sinabi niya.

"Yes, its just a show ano kaba and now na tapos na ang exam, Ill help her to get Cheska," sabi nito kay Karla at lumingon sakin sabay kindat. Napairap nalang tuloy ako sa kanya.

Down Side Up (GxG Story: Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon