Chapter 50: Elisa's Birthday

531 22 4
                                    

Leah's P.O.V

"You two seems okay," nakangiting sabi samin ng pinsan ko pero may kung ano sa ngiti niya na hindi ko maipaliwanag.

Weird.

Kasalukuyan kasi kaming nasa cafeteria ngayon dahil recess na, tapos narin kami magquiz sa Math at pinagaya ako ni president dahil nasa likuran lang naman niya ako. Wala kasi akong maisagot kaya who am I para tumanggi?

Nasa mahabang table rin kami ngayon dahil anim kami. Nasa harapan ko si president habang ang katabi niya ay si Gerome tas si Elisa. Ang kaharapan naman ni Gerome ay si Van tas si Karla ay si Elisa.

"Kaya nga there's something in their eyes," sabat naman ni Van kaya kahit na mainis ako ay napangiti nalang ako. Tiningnan ko naman si president at nag-iiwas ito ng tingin habang namumula ang pisngi.

Kinikilig ba siya?

Lalo akong napabungisngis sa naisip ko. I didn't know na malakas ang tama niya sakin.

I thought ako lang? But nevermind, siya nga pala ang unang nagconfess.

Nakita ko naman na biglang bumulong si Gerome rito na lalong ikinamula niya.

Fuck! What was that?

Hinawakan ko nalang ang kamay nito at masamang tiningnan si Gerome.

"Possessive, wait, kayo na ba?" nang-aasar na tanong ni kumag na ikinatigil ko.

"No," sagot ko tapos si president naman ay seryoso ng nakatingin sakin kaya napalunok ako.

Totoo naman ah, walang kami pero masaya ako sa kung ano man kami ngayon. Besides, we're both young and I don't know if I'm ready to commit.

"B-but..." Hindi ko maituloy ang sasabihin ko dahil alam kong aasarin lang nila ako.

"But?" sabay sabay nilang tanong maliban kay president na kakikitaan na ng lungkot sa mga mata.

Fuck! What did I do?!

"But I love her," wala ng pag-aalinlangang sagot ko na ikinatili nila. Si Van ay kita kong hinahampas-hampas si Karla at siya na siya rin namang gumaganti. Si Gerome naman ay parang baklang tumitili ngunit napatigil at inayos ang sarili dahil halos lahat ay samin nakatingin. Si Elisa naman ay nakangiti lang pero may kung ano nanaman sa kanya na hindi ko maipaliwanag.

Napailing nalang ako at tiningnan si president na ngayon ay nakatungo na at pulang pula ang buong mukha.

Napangiti nalang ako at hindi na pinansin ang mabilis na tibok ng puso ko. Until now kasi hawak ko parin ang kamay nito sa ibabaw ng lamesa. Masaya naman ako dahil hindi na niya ito binabawi.

Naisip ko na minsan pala may mga bagay tayong hindi inaasahang mangyari. Katulad ng samin ni president. Akala ko hindi na talaga kami magpapansinan. Nagkausap narin kami about sa nangyari at sinabi ko naman ang totoo. She also thought na hindi ko siya mahal like what she feel towards me. Parehas lang pala kami ng iniisip but nong mga time na hindi kami nagpapansinan, lalo lang naging malalim yung feelings ko sa kanya.

Hindi pala talaga yun kayang takasan? O mas pinili kong magstay ang feelings ko for her?

I don't know. Araw-araw ko ba naman nakikita but It hurts that everytime my gaze is on her, she keeps on ignoring me. Kaya wala kong lakas ng loob para kausapin siya. Isa pa, lagi siyang na kila lolo at kumag kaya akala ko talaga ayaw niya sakin. I'm always jealous, I admit that pero who am I para magalit sa kanya? I am no one but I'm happy for her because her mom and her are okay. I think?

I also realized that we need to open our  true feelings dahil paano nalang kung mawala yung taong gusto natin? O mahal?

Minsan kailangan natin ipaglaban kung ano bang totoong nararamdaman. Wala naman kasing mawawala. If they don't accept it edi wag, siguro kaya lang tayo natatakot kasi baka maapakan ang pride natin?


Yun ang mali ko but I'm glad that she initiated.
And dapat lang na siya!

I know I'm such a coward but I'm not weak. Minsan din kailangan natin umiwas muna to think and know what we trully feel.

But fuck! What am I thinking?! Nagiging corny na ako! This is not me!

"Ehem, ehem!" Napatingin kaming lahat sa nag-ubu-ubuhan at walang iba kundi ang kumag kong pinsan. Mabuti nalang din dahil ang gulo ng mga tao sa table namin, sila lang naman. Tss.

"Bakit?" tanong ni Karla habang hawak ang kaliwang braso na hinampas-hampas ni Van.

"I just want to invite all you guys later sa bahay," nag-aalinlangan pa nitong sabi na ipinagtaka namin.

"Bakit? Birthday mo?" dagdag pang tanong ni Karla na ikinatango nito.

Lahat naman kami ay awkward siyang binati at inaasahan niya raw ang pagpunta namin mamaya.

Should I tell dad about this?

Maybe no? Baka hindi niya lang kami payagan lalo na at kay lolo na siya nakatira pero bakit kaya ron na siya nagstay? May bahay naman siya dati pero baka ayaw niyang walang kasama si lolo?

And by the way its my cousin's birthday, kahit papano marami siyang natulong sakin lalo na kay president.

---

"Lolo mo?" bulong sakin ni Karla, siya kasi ngayon ang katabi ko. Sa kabisera si lolo habang sa kaliwa nito ang pinsan ko katabi si president tapos si Gerome. Ako naman sa kanan ni lolo tapos si Karla and Van.

Nakakainis dahil until now, akala ni lolo ay sila parin ni president. Kaya ngayon, todo acting. Tss.

"Yeah, father ni dad," pabulong kong sagot kay Karla na ikinalaki ng mata niya. Mabuti nalang at hindi na siya nagtanong pa pero kung si Van to, patay na.

"Leah iha, bakit nakabusangot ka? Hindi ba masarap ang pagkain?" tanong ni lolo pero kay president ako nakatingin. Pinupunasan kasi ng kumag kong pinsan ang gilid ng labi nito na mukhang wala namang dumi. Halatang nang-aasar kasi ang mukha ni kumag at si president naman parang wala lang sa kanya. Tss.

"Actually hindi," kaswal kong sagot. Masarap naman talaga but arghhh! Bakit kasi may papunas pang nalalaman?! Damn!

Napakinig ko naman silang natatawa pati narin si president.

"Talaga lang bes ah? Ubos na nga agad yang nasa plate mo," natatawang pahayag ni Van na ikinairap ko.

"So? I'm just hungry but the food taste so bad."

"Leah," suway naman ni president na ikinanguso ko.

"I-I'm just k-kidding. I'm full," natatawang pilit na sagot ko but kay lolo na nakatingin. Napaismid nalang ako at palihim na napairap.

Bigla namang tumunog ang cellphone ko at nakita kong tumatawag si dad. Bigla naman akong kinabahan dahil feeling ko alam niya na nandito kami.

"Sa garden lang po ako," paalam ko at pinakita ang cellphone. Tumango naman si lolo kaya dali-dali ko itong sinagot. Ayaw pa naman ni dad ng pinaghihintay.

"LEAH! DIBA I TOLD YOU NA LUMAYO SA MATANDANG YAN AT SA SINASABING PINSAN MO?!" bungad sakin ni dad kaya inilayo agad ang cellphone sa tenga ko.

Bakit ba kasi galit na galit si dad sa dad niya? Dahil ba sa ginawang pang-iiwan nito? Bakit ang hirap para kay dad ang magpatawad?

"D-dad its her b-birthday. Nakakahiya naman pong tu--"

"COME BACK HERE NOW!" Bigla nalang namatay ang tawag kaya napangiwi ako.

Sinasabi ko na nga ba. Tss.

Bumalik na ko sa loob at lahat sila ay nakatingin sakin.

How can I explain this?

---
Thank you for reading❤



Down Side Up (GxG Story: Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon