Chapter 9: Mom

1.4K 45 10
                                    

Leah's P.O.V

"What's with your face ate Peppa? Bakit parang mukha kang ewan," tanong sakin ni Ben pero hindi ko nalang pinansin.

Actually absent kami ngayon ni Ben dahil susunduin namin si mom at nasa passenger seat siya. Kasama rin namin si ate and she's in the back seat natutulog. Si dad wala as usual nasa business trip at kami ang inatasang sumundo.

Bakit kaya mukhang puyat si ate? As long as I remember ay maaga siya natutulog. Napakibit balikat nalang ako at ganoon rin si Ben. Inirapan ko nalang ito.

"What time is it?" tanong ko.

"Hmm, 10:36," sabi ni Ben.

"Okay."

Malapit na kasi kami sa airport at 11 a.m daw ang landing ng airplane na sinasakyan ni mom. I need to get ready dahil namura ko si mom kagabi. Patay talaga ako mamaya. Fuck!

Hindi nagtagal ay nakarating na kami. I parked ate kris car in available spot at gising narin si ate. Bumaba na kami at pumasok sa loob. Terminal 3 daw kasi si mom number 7.

"Ates bakit ang tahimik nyo?" tanong ni Ben samin kaya nagkatinginan kami ni ate.

Ewan ko, wala ata ako sa mood ngayong araw dahil sa nangyari kagabi. Masaya naman kahapon pero basta nong pahuli hindi naging maganda. Hays.

Naghintay kami ng ilang minuto at dumating narin si mom. I suddenly felt nervous but I don't care. Tumakbo ako papalapit sa kanya upang yakapin. I miss her so much. Yumakap rin naman si mom pabalik sa akin at bigla akong pinaharap sa kanya upang pisilin ang dalawa kong pisngi.

"Ouch, arayyy," angil ko. Ganito kasi si mom kapag may nagawa akong mali pipisilin ng sobra ang pisngi ko.

"Kasalanan mo," natatawang sabi ni mom atsaka hinalikan ang dalawa kong pisngi na sure akong pulang pula na ngayon. Napangiti naman ako sa ginawa niya.

"Welcome back po tita," nakangiting sabi ni ate at ni Ben.

Wait. Did they practice that? Hahaha.

Hindi kasi sila close kay mom dahil halos nasa ibang bansa ito. Sabi rin ni mom sa Canada sila nagkakilala ni dad at doon din ako pinanganak pero iniuwi nila ako rito sa Philippines when I turned 2 years old. Last year lang ulit bumalik because she is sick.

"Salamat mga anak," sabi ni mom at niyakap ang mga ito. Matapos nilang humiwalay sa yakap ay tinanong ko sila kung saan nila gustong kumain. Kahit saan daw pero si Ben sa Jollibee ang gusto kaya doon kami pumunta at kumain.

Umuwi narin kami agad dahil bawal kay mom ang mapagod kakagaling lang niya.

"Sorry Ben at hindi ka nakapasok ngayon pati narin ikaw Kate," sabi ni mom pagkauwi namin ng bahay.

"It's okay tita," sabi ni Ben at binigayan ni mom ito ng matamis na ngiti.

"Salamat din Kris sa pagsundo," sabi naman niya rin kay ate.

"Wala po yun," nakangiting sabi ni ate.

"Sige na hatid mo na siya sa room nang makapagpahinga na siya," sabi ni ate sakin at tumango ako. Si Ben naman ay pumunta narin sa room niya at ganon rin si ate.

Sa guest room sa first floor ang kwarto ni mom dahil baka hapuin siya kapag aakyat pa siya ng hagdan. Apat na guest room kasi ang mayroon sa baba at sa second floor ay may five room pang vaccant. Bali nine room ang mayroon sa second floor. Sa third floor naman ay may mini movie room, mini library, mini gym, at dalawang guest room.

Nang maihatid ko si mom sa room ay niyakap ulit ako nito at gumanti naman ako.

"I'm happy that I'm with you again anak. Namiss kita," sabi ni mom sakin na mukhang naiiyak pa.

"Ehhh wala pa nga pong isang buwan ng hindi tayo magkita si mom talaga O.A," natatawang sabi ko rito baka kasi magkaiyakan pa kami. I don't want to see her crying but I'm happy kasi magaling na si mom at may part sakin na natatakot kasi ayaw ko na siyang magkasakit ulit. I am with her when she's weak but for me she is strongest woman that I know. She's also my strength.

"Panira ka talaga ng drama anak," natatawang sabi ni mom kaya napahalakhak ako.

"I know mom. I love you," sabi ko rito at kiniss siya sa pisngi.

"I love you too."

I am lucky to have her. Buti nalang at hindi na siya inopen yung about kagabi. Nakaligtas ako. Hahaha.

"Sige na mom pahinga kana po. Tawagin nalang po kita kapag dinner na." Tumango naman si mom at kinutingting na ang kanyang gamit. Lumabas na ako ng kwarto. Tiningnan ko ang oras at 3:28 p.m na siguro matutulog nalang muna ako.

---

"Ate Peppa! Ate Peppa! Wake up!"

Fuck ang ingay!

"Ate Peppa!"

"What? I'm still sleepy. Wag ngayon Ben," inis na sabi ko habang nakapikit.

"No! You have visitor," sabi pa nito.

"I don't care," mataray na sabi ko pero nakapikit parin at nagtalukbong ng kumot.

"Bahala ka. I will let her in."

---

*Alarm*

Inaantok na kinuha ko ang cellphone ko upang patayin ang alarm. It's already 6:00 p.m

Nag-ayos pa muna ako bago bumaba. Dinner kasi namin ay 7:00 p.m.

Habang pababa ako ng hagdan ay napapakinig ko ang malakas na tawa ni Ben.

Hindi na nahiya. Baka magising si mom pero ayos lang gigisingin ko narin naman siya mamaya.

"Oh she's already awake," narinig kong sabi ni Ben kaya tiningnan ko ito ng masama. Hindi ko makita kung sino ang kausap nito dahil nakatalikod ito mula sa akin.

"Oh," sabi nito sabay harap sa gawi ko kasi sakin nakatingin si Ben.

"What are you doing here?!" pagulat na tanong ko dito.

"She miss you," parang kinikilig na sabi ni Ben pero si kumag nakangisi lang. Fuck!

"Oh shut up Ben!"

"Easy ate Peppa," natatawang sabi ni Ben at pagkasabi niya non ay biglang tawa naman ni kumag.

"What's funny?" mataray na tanong ko pero nagkibit balikat lamang ito at mukhang natatawa.

"I think I should go now it's already 6," sabi nito kaya napairap ako.

"Okay come over here again if you are free. Take care," paalam ni Ben.

"Sure. Thanks," bawi naman ng isa. Naglakad ito patungo sakin at hinila ako palabas ng bahay. Ang kapal talaga ng mukha!

"Why are you here?" tanong ko ng makalabas kami ng gate.

"I just want to," parang walang ganang sabi nito kaya nainis ako.

"Okay," sabi ko nalang at pumasok na ulit ng bahay. Bahala siya! Nice talking lagi. Wala kong sa mood makipagbangayan sa kanya.

"Hoy Ben bakit mo yun pinapasok? Ikaw wag kang papasok ng papasok ng hindi mo naman kilala," pagalit na sermon ko dito at pinatay ang t.v.

"She knows you and you know her. May picture pa nga kayo kaya I let her in," natatawang sabi nito sakin.

Anong picture?! Argh Bwisit!

"Eh bakit hindi mo ako ginising?" nakakunot noong tanong ko rito pero tinawanan lang ako. Pumasok naman sa alaala ko na ginigising nga pala niya ako kanina pero pinagpatuloy ko lang matulog. Hays.

But.

Why did she came here?

Anong ginawa niya dito? Bakit tawa sila ng tawa? Siguro pinagtatawanan nila ako.

Fuck!

Lagot siya sakin bukas!

---
Thank you for reading❤️❤️❤️.



Down Side Up (GxG Story: Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora