Chapter 8: Movie

1.6K 51 1
                                    

Leah's P.O.V

"Ayoko niyan!" protesta ko.

"Eh ano? Kanina pa tayo pili ng pili ng panonoodin pero mag-iisang oras na wala pa. 3:12 na oh," sabi ni kumag sakin.

Nandito kasi kami sa bahay niya. Mansion nila I think?

Kanina pa kaming parang aso't pusa dahil hindi kami magkasundo sa panonoorin. Naisip ko sino kayang kapartner ni president?

Wait. Pake ko don!

I hate my teacher sabi niya yung mukhang close sa isa't isa. Bwisit talaga. Baka enemy pa. Gusto ko ako lang yung nang-iinis o nangbubwisit.

"Bahala ka. Ikaw na pumili," seryosong sabi ko dito. Pagod na rin kasi ako buti nalang maraming foods. Dumukot nalang ako ng chitchirya. Mukhang mauubusan ako ng dugo dito sa babaeng to eh.

"Weird," narinig kong bulong nito. Tss. Baka siya!

Bigla ng nag-play ang palabas. Hindi ako familiar dito at mukhang hindi English or Filipino language ang panonoodin namin.

"What's the title?" mataray na tanong ko rito.

"Just watch and learn," nakangising sabi nito sakin at nakatutok na ang tingin sa screen.

Kelan kaya ako makakakuha ng matinong sagot sa kanya?!

Bakit kasi kami pa ang pinag-partner? Argh!

"Ano nga!?" pasigaw na tanong ko dito.

Nakakainis naman kasi tinatanong ko ng maayos pero. Argghh.

Kinuha niya ang remote and she paused it saka ako tiningnan.

"Yes or No," seryosong sabi nito.

"You know what? You're so weird," nauubusan ng pasensyang sagot ko rito sabay irap.

"You are the one whose weird here," seryosong sabi nito kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Let's watch, Yes or No is the title," sabi nito sa akin saka ni-resume ang palabas. Napakibit-balikat nalang ako at tinuon ang paningin ko sa t.v dahil nagsisimula na.

---

"Bye," nakangising sabi sakin ni kumag. Matapos kasi naming mapanood yung bwisit pero magandang movie na iyon ay nagpahatid na agad ako rito sa bahay. Gabi narin kasi.

Hay nakakainis kasi first time ko makapanood ng ganong klaseng movie.

"Bye keep safe," paalam ko sabay irap sa kanya. Pumasok na ako sa bahay at nadatnan ko si Ben na nanonood ng t.v as usual at siguro si ate ay nasa kwarto niya.

"Hoy bata! Matulog kana gabi na!" sermon ko kay Ben pero chinupi lang ako.

Walang modo!

Pumasok nalang ako ng kwarto ko at nagbihis dahil napagod ako ngayong araw. Napagod sa pakikipagbangayan. Tss.

Matapos kong magbihis ay humiga na ako. Ang sarap!

Naalala ko yung nangyari kanina.

-Flashback-

"Lesbian movie ba to?" hampas ko kay kumag pero deadma lang ako kaya kinurot ko.

"Ouch, do you know it hurts?" galit na sabi nito sakin.

"I know pero tinatanong kasi kita kaya sumagot ka!"

Una palang kasi may tomboy na at yun ay si Kim. Akala ko wala lang pero roomate pala sila ni Pie ba yun? Pero nakakatawa.

"It's obvious!" irap nito sakin. Bwisit na to!

"Pero bakit!?"

Ngisi lang niya ang natanggap ko kaya wala na akong nagawa kundi ang manood nalang.

Argghh I hate this girl!

-End of Flashback-

Ang totoo niyan hindi naman ako against. Hindi lang ako makapaniwala. Lesbian ba siya? Hindi halata. Naiinis ako kanina dahil don sa babae na si Jane, ang landi tsaka don sa ano ni Pie basta pero marami akong natutunan.

Kung mahal mo talaga ang isang tao, ipaglalaban mo siya kahit na anong mangyari.

Sa una, maguguluhan talaga tayo pero sabi nga nila malalaman mo lang na mahal mo siya kung wala na yung taong mahal mo.

For me, love is making your love ones happy. Even you're not the one whose making him/her happy, you will let him/her go. You will make him/her grow. Love is not selfish.

Bigla namang nagring ang cellphone ko, it's dad.

"Good evening po, bakit po?"

"Hindi ko kasi macontact ang ate mo, tell her that I will call her again later. Thanks and Goodnight," sabi nito at saka binaba ang tawag.

Hays.

Bumangon na ako at iniwan ang cellphone ko sa kama saka dumiretso sa kwarto ni ate na katapat lang naman ng kwarto ko. Bago ako kumatok ay nagtaka ako. Bakit naman kaya hindi macontact ni dad si ate?

Napakibit-balikat nalang ako saka kumatok pero nakailang katok ako bago niya ito buksan.

"What?" inaantok na tanong nito sakin.

Ang aga naman niya matulog.

"Ahh dad called me a while ago. Gusto ka raw niya makausap?" sabi ko na patanong.

"Okay. Tss. Matulog kanang bata ka gabi na!" pasigaw na sabi nito at padabog na sinarado ang pinto.

Wait. Line ko yun ah.

Napailing nalang ako at natatawang bumalik ng kwarto ko. Nadatnan ko naman ang cellphone ko na may tumatawag, unknown number.

Sasagutin ko o hindi?

Sinagot ko nalang dahil baka emergency pero wala namang umiimik sa linya kaya ako na ang naunang magsalita.

"Hello?" tanong ko sa kabilang linya pero wala parin na nasagot. Prank ba to?

"Fuck you!" sigaw ko sa linya.

"Leah Kate Perez Briz!" familiar na boses teka...

"M-mom?" nag-aalinlangang tanong ko.

"Akala ko ba nagbago kana? Bukas nalang tayo mag-usap. Matulog kana," sabi ni mom na mukhang may hinanakit at sya na ang nagbaba ng linya.

Bakit ba kasi ang stupid ko? Hays.

T-teka. Ibig sabihin uuwi na si mom tomorrow? Yes! Pero patay ako. Huhuhu. Nasapok ko tuloy ang ulo ko. Bwisit! Fuck this life!

Bahala na!

Humiga nalang ako sa kama at akmang ipipikit ko na ang aking magagandang mata ng biglang tumunog ang cellphone ko na nagpapahiwatig na may nag-text. Baka si mama.

Pagbuklat ko, unknown number.

09132225478- 9:49p.m
Student council room.

Sino naman to? Wait. Is this president? Hindi ko nalang nireplyan. Bahala siya. Sinave ko nalang ang number niya bago ko ipinikit ang mata ko pero tumunog nanaman.

President- 9:55p.m
Bastard.

Nagulat ako dahil sa message niya. Is she blackmailing me? Ate is wrong, hindi dapat siya nagtitiwala basta basta. Bigla nalang ako nakaramdam ng galit kaya nireplyan ko ito.

To: President
How much? 9:57p.m

Pare-pareho lang sila. Mga mukhang pera. Tss. Ini-off  ko nalang ang cellphone ko at kinalma ang sarili. Bahala na bukas. I really need to talk to her. Nagkamali ako ng akala sa kanya.

President- 10:00p.m
Hindi ko kailangan ng pera mo.

Hindi ko nalang siya nireplyan dahil nakaramdam narin ako ng antok. I don't give a fuck remember? Ini-off ko narin yung cellphone ko. I don't want to be disturb. Kapag kasi 10:00p.m na kailangan ko ng matulog. Nagdasal muna ako bago ipinikit ng tuluyan ang mga mata ko.

---
Thank you for reading❤️❤️❤️

Down Side Up (GxG Story: Completed)Onde histórias criam vida. Descubra agora