Chapter 44: Hospital

1K 54 13
                                    

Leah's P.O.V

"Why are you here?" Bigla akong napaigtad sa gulat dahil napakinig ko ang boses ni president at isama pa ang lamig ng boses nito na nanunuot sa buong sistema ko.

Fuck! Nangyari na ito kanina lang tanghali sa rooftop. Actually, kakarating ko lang dito sa hospital at yung kumag kong pinsan bigla nalang nawala. Ayaw niya talaga kasing pumunta ng hindi ako kasama. Atsaka alangan namang umatras pa ako eh andito na rin lang naman diba? Pero kanina pa ko nagdadalawang isip kung papasok ba ko sa loob o hindi. Binigyan ko na lamang si president ng matamis na ngiti pero hindi nakisabay ang mukha ko kaya naging mapait ito. Spell awkward.

Napatingin naman ako sa hawak niya and I think it's medicine. Natauhan naman ako ng bigla itong tumalikod at nagsimulang maglakad kaya palihim ko nalang siyang sinundan.

Cheska's P.O.V

Ito ba yung meaning nong text ni Elisa? Bago kasi ako bumili ng gamot ay nakatanggap ako ng text galing sa kanya, nakalagay lang don ay, 'Talk to her.' Ang weird.

Kahit nagtataka man at kahit papaano parang naglaho ang sama ng loob ko sa kanya dahil nandito siya pero may part parin sakin na nasasaktan. Hindi ko rin alam kung bakit pero ang alam ko iyon ay dahil napalapit na ko sa kanya at alam kong andyan siya palagi para sakin. Kahit ako, naguguluhan na sa nangyayari at sa ikinikilos niya. Akala ko ba hindi niya ko kailangan? Ako rin naman sinabi yun sa kanya pero bakit nandito parin siya? Pero isa lang naman din ang kutob ko, hindi niya gusto kung ano man ang ginagawa niya.

Leah's P.O.V

"Bakit andito tayo?" takang tanong ko dahil nasa rooftop nanaman kami pero ang pinagkaiba lang ay hospital ito.

"Bakit ka sumunod?" Bigla kong naitikom ang bibig ko dahil sa sinagot niya na tanong din.

Tumingin nalang ako sa langit at ang init pero hindi ko masyadong ramdam dahil sa hangin. Bigla naman akong napaaray dahil may biglang sumuot sa kaliwang mata ko. Kinusot ko ito pero hindi parin nawawala ang sakit. Agad ko namang naramdaman ang presensya ni president. Kinuha niya ang kamay ko upang patigilin sa pagkusot pero binawi ko rin agad ito at lumayo sa kanya. Bigla kasing bumilis ang tibok ng puso ko at isabay pa ang pagkairita sa mata ko. Hindi ko alam kung anong naging reaksyon niya pero agad ulit itong lumapit sakin at kinuha ang kamay ko. Fuck this feeling!

"What?" inis kong tanong sa kanya habang pinipigilan ang pagngiti pero nakapikit parin ako.

"Hihipan ko, relax." Hindi na ako tumanggi dahil gusto ko rin naman. I don't know but I like her being so close to me.

Naramdaman kong dahan dahan niyang binitawan ang kamay ko at dumapo ito sa kaliwang mata ko upang hipan. Naghintay ako ng ilang segundo pero bakit hindi parin niya hinihipan?

"Antagal," reklamo ko kasi ansakit na tapos nangangati pa. Pacheck up nalang kaya ako tutal hospital naman ito?

"S-sorry." Pagkasabi niya non napalunok ako dahil naramdaman kong mas lumapit pa siya sa akin. Hindi pa nakatulong yung ramdam ko ang paghinga niya.

Akala ko hihipan na niya ang mata ko pero biglang dumapi yung labi niya sa noo ko. Hindi agad nagproseso yung ginawa niya at sinundan pa nitong halikan ang kaliwang mata ko kasunod ang kabila. Dahil lalo sa ginawa niya mas hindi ako nakagalaw. Nakakapagtaka man pero nawala narin yung pagkairita ng mata ko.

W-what the fuck?!

"Okay na," natatawang sabi nito kaya pagalit akong nagmulat at tiningnan siya pero seryoso na ito.

"W-what did you do? Are you f-fucking crazy?!" umaarteng pagalit na tanong ko pero sa loob loob ko para na kong hihimatayin. Nanginginig narin kasi ang tuhod ko.

"Relax, see? Magaling na yung mata mo," nakangisi ng tugon nito na ikinainis ko, may sinabi pa ito pero hindi ko napakinig dahil para lang itong bulong.

What's wrong with her? Si president ba to? Kanina lang parang hindi niya ko nakikita tapos! Fuck!

"Bakit ka nandito?" biglang tanong niya agad pero hindi siya makatingin sakin. Kumalma naman ako dahil sa tanong niya.

"I want to check you," walang kasinungalingang sagot ko habang nakatingin sa likuran niya.

"Bakit?"

"I want to know if you're o-okay," pigil hiningang sagot ko because it's true.

"Alam mo ba." Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan sa kung ano mang susunod niyang sasabihin. Bakit kasi ang bagal ng pagkakabigkas niya?

"A-ano?" nag-aalinlangang tanong ko at kasabay noon ang pagharap niya sabay titig sa mga mata ko at ganoon din ang ginawa ko.

"Namiss kita." Bigla akong napatungo dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam kung kikiligin ako o ano.

She really hits me because I miss her too pero hindi pwede. Gustuhin ko mang sabihin na namiss din kita pero hindi ko kaya.

"S-sorry," nakatungong sabi ko na ikinatawa niya ng mapakla kaya napatingin na ko this time sa kanya. She's cold again. Fuck!

"Hindi naman porket sinabi ko yun sayo ay kailangan mong sumagot. Bakit ka nga ba nandito? Diba sabi mo hindi mo naman ako kailangan at hindi rin naman kita kailangan?" this time ramdam ko ang hinanakit sa mga salita niya at tumutusok ito sa puso ko but I don't know what to do.

"S-sorry," tanging paumanhin nalang ang magagawa ko. Akmang aalis na sana ako pero bigla nalang ulit siya nagsalita.

"Bakit ba ang hilig mo mag-walk out? Pwede mo naman sabihin sakin ah. Akala ko ba magkaibigan na tayo?" Fuck! Yes we're friends pero ayaw ko siyang madamay.

"S-sorry."

"Tang-inang sorry yan!" Nagulat ako dahil bigla nalang siyang nagtaas ng boses at may kasama pang mura. I never seen her being like this. What the fuck did I do?! Stupid!

Napalunok nalang ako at sinimulang ihakbang ang mga paa ko. Sorry, I'm such a coward. Dapat kasi hindi nalang ako nagpunta dito, mas lalo ko lang pinapahirapan ang mga sarili namin.

Hindi pa man ako nakakalayo pero naramdaman ko ang init ng yakap niya mula sa likuran ko. Nakaramdam naman agad ako ng panghihina dahil sa ginawa niya. Fuck!

---

Thank you for reading❤️

Down Side Up (GxG Story: Completed)Where stories live. Discover now