Chapter 19: Gun

1K 33 15
                                    

Leah's P.O.V

"Thank you Manong, make sure na sa ating dalawa lang to," madidiin at seryosong sabi ko kay Mang Elmer na driver ko pagkaabot na pagkaabot niya sa akin ng box na naglalaman ng baril.

Yeah, baril ang napili ko kaysa knife or whatsoever para sure na mapapatalsik talaga siya.

Ang problema ko nalang kung paano ko ito mailalagay but I have money so madali lang ang lahat. I searched some scholars in our school na working student na pwede kong utusan and I confronted him yesterday. About sa cctv camera nabayaran ko narin kahapon siya to delete about what's going on today. Atsaka nagbayad rin ako ng limang scholar na magbabantay kay president at makawitness ng mangyayari. I know kasi na ioopen niya yun at dapat nakafilm lahat. Everything is planned dahil sa pagkabored ko kahapon. Humiwalay narin ako kila Van at Karla after pumasok ng idea na yun sa akin. I'm desperate na mapatalsik siya.

Lumabas na ako ng kotse at nagpunta sa tagong lugar dito sa school, sa junk shop. Sabi ko kasi dito kami magkita and 5:26 a.m palang ngayon. I know sobrang aga pa pero I don't care. I want this plan to be a successful one so I can enjoy my life here.

Habang malapit na ako ay natatanawan ko na siya. Good dahil ayaw ko ng mas nauuna ako. Nang makalapit ako walang patumpik-tumpik na inabot ko sa kanya yung box at nginisian ito. Mukhang natakot pa siya dahil napaatras siya noong inabot niya ito.

Bakla, kalalaking tao. Tss.

Tumalikod na ako at balak kong lumabas muna ng school. Babayaran ko nalang siguro yung guard tutal mga mukha silang pera. Tsaka wala pa namang madaming tao ngayon.

Success!

Magko-coffee nalang muna ako at magpapalipas doon ng oras. Buti nalang 24/7 itong shop na to. Namiss ko tumambay dito.

Nag-order muna ako ng americano coffee bago umupo sa dulo.

Hindi nagtagal dumating na yung order ko. Kinuha ko nalang yung cellphone ko at earphone sa bag ko at
nagpatugtog.

I sip my cofee and closed my eyes. Nakakainis at mukha ni president ang bumungad sa akin kaya nagmulat nalang ako. Nagulat ako dahil may kaharap na akong matandang lalaki na hindi ko kilala. Naka-black shirt lang siya.

"Patawad iha ang ganda mo kasi," puri ng matanda kaya napangiti ako ng pilit. Gustuhin ko mang umirap pero napakawalang modo ko naman nun? Tsaka matanda na siya.

"Salamat po."

"Hahaha patawad kung wirdo ako sa paningin mo. Nagtataka lang kasi ako at napakaaga mo atang pumasok. Ngayon nalang kita ulit nakita dito," paliwanag sa akin ng matanda. Kinilabutan ako sa sinabi niya.

"Kilala niyo po ako?" nagtatakang tanong ko at tumango lamang ang matanda. Fuck!

"Paano niyo po ako nakilala?" kinakabahang tanong ko.

"Malalaman mo rin." Tumalikod na ang matanda pagkasabi niya non.

Weird and what? Malalaman ko rin?

Inubos ko na ang coffee ko dahil malapit na mag-6 a.m. Siguro nailagay na niya yun sa locker at nabura na rin yun don sa cctv. Pumasok na ako ng campus at nginitian ako nong binayaran kong guard kaya nginitian ko rin siya. Sana today or tomorrow wala ng rules. I hope bumalik ulit sa dati na magulo tong school. Hindi naman totally magulo pero yung freedom feel. Nilanghap ko ang sariwang hangin. Nararamdaman ko na ang pagbabago.

I'm proud of myself.

Naalala ko tuloy yung bilin ni dad na wag ng mambully. I think, hindi naman bully yun right? Tsaka hindi naman malalaman nila lalo na si ate. Bakit kasi napakamess ni president sa buhay ko. Dapat kasi hindi nalang siya dito pumasok. Tsk tsk tsk. Napakaweak pa. I can't wait to see her crying and look so miserable.

Lumipas ang kalahating oras at nagsisidatingan narin yung mga students. Dadating yung time na magsasaya tayo. No rules because there's no ruler. Fuck her!

"Oh Bes you're so early!" bati sakin ni Karla.

"Goodmorning!" bati naman ni Van.

"Goodmorning mga Bes!" bati kong pabalik.

"Oh ang saya mo ata?" tanong ni Karla kaya sinamaan ko ito ng tingin. Panira ng mood.

"Hindi mo manlang ba ako babatiin ng goodmorning?" sarcastic kong tanong kaya bigla siyang naggoodmorning. Bitch!

"Pero bakit nga?"

"Why? Is it bad to be happy?"

"Kaya nga. Ang important ay importante. Kung ano ngayong araw ay today. Magiging masaya ay happy--"

"Ouch! Bakit ka ba nambabatok?!" bulyaw ni Van sakin.

"Stupid ka kasi!"

"Oo nga. Let's go and leave her alone," sabat ni Karla na sinangayunan ko. Patakbo tuloy namin siyang iniwan parang nong last week nangyari to samin. Hahaha.

Kaya ayun nong makarating kami sa field for flag ceremony hinahabol namin ang hininiga at natanawan namin si Van na relax lang na papalapit samin. Kami tuloy ang parang tanga. Bakit ba kasi kami tumakbo. Bwisit.

"Leah umamin ka nga sa akin. May ginawa kang hindi maganda ano?" nakanunot noong tanong sakin ni Karla.

"What do you mean?" nagmamaang-maangang tanong ko.

"I know you from the start. Let's talk later," seryosong sabi nito sakin dahil nakarating na si Van dito samin.

"Ang sama niyo talaga sa akin. Ikaw Karla, ako ang pinsan mo!" nagmamaktol na sabi ni Van.

"Why? May sinabi ba akong hindi?"

"Wala!" napatawa tuloy ako dahil mukha siyang bata pero tiningnan lang ako ni Karla at ang sama sama ng tingin niya sa akin.

Sa kanilang dalawa talaga ni Van siya ang malakas ang kutob. And I hate it! Siya kasi lagi ang pumipigil sakin kapag may binubully ako noon. Kapag ganon, si Van lagi ang kasama ko. Ayaw niya daw madamay at hindi niya kayang mambully. Kahit ganon, wala siyang magawa. I can do whatever I want! Walang makakapigil sakin.

Nagulat silang dalawa dahil maraming nagtatakbuhan papuntang locker room. Siguro nakita na niya. Napangisi tuloy ako. This is it.

"What's happening?" nagtatakang tanong ni Van at sinamaan nanaman ako ng tingin ni Karla na as if I'm scared.

"Let's go, tingnan natin," aya ni Karla at nanguna saming dalawa. Lakad-takbo ang ginawa namin para makarating kami agad.

"Shit! Why she's holding a gun?" gulat na tanong ni Van at sinamaan narin ako ng tingin at si Karla ganon din.

Parehas na nila akong hinila para makalayo sa madaming taong nagkukumpulan.

"Are you out of your mind?" galit na tanong ni Karla sakin.

"Kawawa naman si president," sabi naman ni Van.

Nginisian ko lang sila.

"Tama lang yun sa kanya. Ayaw nyo yun we're free again?"

"Oo masaya pero mali, maling-mali," seryosong sabi ni Karla. Si Van naman ay tahimik lang. Alam niya kasi na kapag ako ang gumawa, wala na silang magagawa.

"I know pero hindi lang naman yun ang dahilan ko. I hate her."

"So if you hate? You're not a kid anymore!" bulyaw niya sa akin na ikinainit ng ulo ko.

"Fuck you! Kung ayaw nyo iwan nyo ko. I don't need you bitch!" Dahil sa sinabi ko tinalikuran ako ni Karla at pagalit na umalis. Naiwan si Van na nakatungo at hindi na tumunghay. Sumunod siya sa pinsan niya at iniwan na rin ako. Fuck this life! Edi magsama-sama kayo!

"To all students, go back to your classroom now. I repeat, to all students, go back to your classroom now," sabi ng speaker na wala akong pakielam kung sino mang nagsasalita. Bumalik nalang ako sa room at nadatnan doon si Van at Karla. Hindi nila ako pinansin na o tinapunan man lang ng tingin. Great! Just great.

Kahit isumbong nila ako, I don't care. They have no evidences na ako nga yun.

---
Thank you for reading❤️❤️❤️

Down Side Up (GxG Story: Completed)Where stories live. Discover now