Chapter 31: Evil Mother

1.3K 59 2
                                    

Cheska's P.O.V

Hays, bakit ba ang hilig ng bully na itong magwalk out. Pasalamat siya...

Tumayo na ako at hinabol siya. Kainis!

Nang maabutan ko ito hinawakan ko ito sa kamay at hinarap siya sa akin. Heto nanaman yung feeling na ayaw kong maramdaman. Nakakatakot pero binalewala ko ito.

Kita kong nanlaki ang mga mata niya dahil sa ginawa ko at ramdam kong kinakabahan siya.

"Bakit ba ang hilig mong magwalk out?" walang emosyong tanong ko. Ayoko kasing ipakita sa kanya kung anong nararamdaman ko o kahit kanino pero nakakainis dahil kusa itong lumalabas sa kanya. Katulad nalang nong! Basta!

Kesa sumagot tinulak ako nito.

"Ano bang problema mo?!" naiinis ng tanong ko.

"W-wag ka kasing lu-lumapit masyado," nauutal na sagot nito. Automatic naman akong napangisi sa sinabi niya. Hays, sabi ng cool lang eh bahala na nga.

"Bakit?" dahang-dahang tanong ko habang papalapit sa kanya at siya namang pag-atras nito.

"F-fuck you! Nakakadiri ka!" naiinis ng nakapikit na tanong nito kaya napatawa tuloy ako.

Bakit ganon? Kapag kasama ko siya, lahat ng emosyon nararamdaman ko. Mali, maling mali na sa kanya ko to maramdaman. She's my enemy and I know that she hate me, so I am. Bigla tuloy akong naging seryoso, naalala ko nanaman kasi yung nangyari. I have no rights to be happy.

Leah's P.O.V

She's so beautiful everytime she laughs pero nagtaka ako dahil bigla nalang siyang naging seryoso nanaman. I saw pain in her eyes. Nagdadalawang isip yung kamay ko na hagudin yung likod niya kaya urong-sulong ito. Napabuntong-hininga nalang ako at ikinuyom ang palad ko. I hate myself!

"Umuwi kana gabi na," biglang imik nito na lalong ipinagtaka ko.

Ayaw ko pang umuwi.

"Hmm okay, how about you?" Napatawa siya sa tanong ko.

"You really cares about me huh?" parang nang-aasar na tanong niya pero ramdam ko ang lungkot sa boses niya kaya hindi ko nalang siya pinatulan.

"Taxi nalang tayo, hatid muna kita sa inyo."

"Wag na, umuwi kana."

"No, hatid muna kita."

"Kaya kong umuwi mag-isa."

"No!"

"Ang kulit mo."

"Let's go."

"Ayoko umuwi," nakatungo ng sagot nito.

Kanina pa siya, bakit ba ayaw niyang umuwi?

"Is there something wrong?" tumunghay siya dahil sa tanong ko pero cold niya lang akong tiningnan.

Wait. Bakit parang namumutla siya?

"Umuwi kana."

"Are you okay?" natawa nanaman siya sa tanong ko.

"Wala kang pakielam." Nainis ako sa sinagot niya. Fuck this girl!

"Edi wala!" bulyaw ko rito. Aalis na sana ako pero nakita ko na parang nahihilo siya dahil humawak ito sa ulo niya at parang mabubuwal?

Nilapitan ko ito at inalalayan.

"Uwi na kita sa inyo," sabi ko pero mahigpit niya kong hinawakan sa kamay at umiling. Ramdam ko rin na ang init ng katawan niya.

"You're sick!" Tumawa lang ito sa inasta ko.

Baliw...

Dinukot ko nalang ang cellphone ko at tinawagan si Manong Elmer na sunduin kami. Bumalik kami sa duyan at inihilig ko ang ulo niya sa balikat ko. Lumipas ang ilang minuto at dumating narin si Manong at mukhang nakatulog si president.

"Manong paalalay naman, " sabi ko rito pero ng akmang hahawakan na niya si president biglang nagbago ang isip ko.

"Ako na pala." Napakamot nalang si Manong ng ulo kahit na wala siyang kakamutin dahil kalbo. Kakapagupit niya lang kasi nong isang araw ata.

Dahil alam kong malakas ako, naisipan kong ako nalang ang bubuhat sa kanya dahil ayoko siyang gisingin. Masama kasi ang pakiramdam niya at mukhang may lagnat talaga. Noong ililift ko na siya, hindi ko siya mabuhat. Fuck!

"Ma'am kaya po ba ninyo?" Sinamaan ko si Manong ng tingin dahil sa inis ko niyugyog ko nalang si president at thank God nagising rin siya. Bakit ba kasi ang bigat niya? Kunsabagay mas matangkad siya kesa sakin ng mga 2 inches? Ewan. Hmp!

"Let's go, uuwi na tayo."

"Ha?"

Ha mo mukha mo!

Nauna nalang akong maglakad papuntang sasakyan dahil nakakahiya kay Manong. Bwisit na yan! Dapat pala noong una ginising ko na siya.

"Saan po tayo ma'am?" tanong ni Manong matapos niyang dumating. Ang bagal!

"Malamang sa bahay!" napakamot nalang ulit si Manong sa ulo niya. Pinaandar na niya ang sasakyan pero bakit wala parin si president?

"Nasaan si president?" tanong ko kay Manong.

"President?"

"Fuck!"

Lumabas ako ng sasakyan at bumalik sa duyan. Hays!

"Bakit nandyan ka pa?!" naiinis ng tanong ko.

"Ha?"

"Uuwi na tayo!"

"Edi umuwi ka."

"Sasama ka sakin!"

"Bakit naman ako sasama sayo?"

"Edi ihahatid kita sa inyo." Natigilan siya sa sinabi ko.

"Ayoko. Umalis kana."

"Fuck! Bakit ba kasi ayaw mong umuwi?! Delikado dito!" Natawa nanaman siya sa sinabi ko. Nakakapikon na siya, kanina pa siya natatawa eh wala namang nakakatawa. Nababaliw na ba siya?

"Delikado?" nakangisi ng tanong niya. Natakot tuloy ako.

"O-oo kaya umuwi kana. Hahatid kita sa inyo."

"Tss. Wala kang alam." Napairap ako sa sinabi niya.

"Edi wala! Tara ihahatid na kita." Hinablot ko ang kamay nito pero winaksi niya ang kamay ko.

Hindi pwedeng iwan ko siya dito. Konsensya ko na kapag may nangyaring masama sa kanya.

"Ayoko sabing umuwi." Tigas ng ulo!

"Fuck! Bakit nga? Bakit ba ayaw mong sabihin?!" nauubusan ng pasensyang bulyaw ko rito.

"Wala kang pakielam." Fuck that words!

This time umiyak na siya. Fuck! At ngayon iiyak siya? Hays. Kesa magalit napabuntong hininga nalang ako at niyakap siya para tuloy nagmemelt yung pakiramdam ko na kanina ay naiinis na. What did you do to me? Nakakainis! Pero nangingibabaw ang awa ko! Fuck! May awa na pala ako?

"A-ayoko u-umuwi," humihikbing sabi nito sakin na may kasamang takot. Napalunok tuloy ako at nagshhh nalang.

"A-ayoko."

Ano bang meron at ayaw niyang umuwi?

"Ayokong u-umuwi sa ba-bahay."

Bakit pakiramdam ko parang napapraning siya?

"Papatayin...a-ako ni ma-mama." Parang nalaglag ang puso ko sa sinabi niya at mas lalong hinigpitan ang yakap sa kanya.

Ang bilis ng tibok ng puso ko at ramdam ko ang panginginig ng katawan ni president, gusto ko mang mag-usisa pero wala kong karapatang magtanong sa kanya, hahayaan ko nalang siya ang mag-open kung anong nangyari. Tama siya, wala akong pakielam at wala akong alam pero one thing for sure, I am always here for her. I feel that I want to protect her. Nakaramdam tuloy ako ng puot sa mama niya. How dare she! Walang matinong ina ang papatay sa anak niya.

"A-ayokong umuwi," nagmamakawa habang umiiyak na sabi nito sakin. Hinaplos ko nalang ang buhok niya at tumango-tango.

Kaya siguro siya absent. Hindi kaya... ang mama niya ang dahilan kung bakit may sugat siya sa pisngi nong lunes? Fuck! She's an evil!

---

Thank you for reading♥️♥️♥️

Down Side Up (GxG Story: Completed)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα