Chapter 39: Stop

1.2K 55 4
                                    

Cheskas P.O.V

"Im sorry," nag-aalinlangang sabi ni bully habang hindi makatingin sakin ng diretso.

Nagtataka ako dahil after siyang ipatawag ni ate Kris, bigla nalang siyang naging cold at ngayon andito kami sa tapat ng bahay namin dahil hindi na nga raw ako pwedeng magstay sa kanila. Hindi naman na ko nagtanong pa dahil wala naman akong karapatan diba? Siguro, this is the right time na bumalik na ko samin dahil wala rin naman akong maipagmamalaki pa sa ngayon.

"Ayos lang, salamat," seryosong sabi ko.

"Sige na pasok kana. Ill just make sure na papasok ka sa loob," may pagbibiro pang sabi nito pero ramdam ko ang bigat ng dinadala niya. Napabuntong hininga nalang tuloy ako. Kahit ayaw ko pang pumasok ay napilitan na ako.

"Sige, ingat ka." Tumango naman siya sa sinabi ko kaya nagsimula na kong maglakad papunta sa bahay at ng nasa pinto na ako, bumuntong hininga muna ako bago ito pihitin. Buti nalang at hindi sarado. Hindi na ako lumingon pa kay bully at dumiretso ng pumasok sa loob.

Bigla akong kinabahan dahil ansama ng tingin sa akin ni mama at mukhang nakainom siya.

"Oh bakit umuwi ka pa?" Hindi ko akalain na masasaktan ako sa sinabi niya kaya napabuntong hininga nalang ako. Dederetso na sana ako sa kwarto ko ng bigla nitong hablutin ang buhok ko.

"A-aray ma!" hindi ko mapigilang hindi mapasigaw dahil ramdam kong parang magtatanggalan ang anit ko sa ulo.

"Kinakausap kita! Wala ka talagang modo!" bulyaw niya sakin sabay sampal sa kanang pisngi ko pero hindi parin niya binibitawan ang buhok ko.

"Wala ka naman pong pakielam sakin kung umuwi man ako o hindi."

Totoo yun...

"Abat sumasagot ka pa! Saan ka galing ha?!" Hindi pa siya nakuntento at sinampal pa ako saka sinalampak sa sofa. Hindi ko na tuloy mapigilang hindi umiyak.

"Ano? Ngayon iiyak ka? Sumagot ka!"

"A-ayaw niyo naman po sakin kaya ako lumayas." Napatawa si mama sa sinagot ko.

"Oo at bakit may pagbalik ka pa? Hindi ako natutuwang makita ka. Layas!" Parang sinasaksak ang puso ko sa sinabi ni mama.

"G-ganyan po ba t-talaga kayo sakin? A-alam ko, kaya po kayo galit sakin kasi p-pinatay ko si L-Lyka p-pero, hindi ko naman po g-ginusto yun. H-hindi, hinding-hindi. Ginagawa ko naman po l-lahat ah ng makakaya ko maging p-proud lang po kayo pero bakit hindi niyo po m-makita? M-ma, n-nahihirapan din po a-ako, k-kelan mo po ba ko m-mapapatawad?" Biglang natahimik si mama.

Tang-ina, yung matagal ko ng gustong sabihin. Nasabi ko na pero ang bigat parin sa loob.

"Layas," mahinahon na niyang sabi kaya napabuntong hininga nalang ako at kinuha ang gamit ko. Nakatungong lumabas ako ng bahay.

Siguro, this is the last time na makakaapak ako dito. Parang nanghihina tuloy akong lumakad.

Tang-ina, bakit kasi bumalik pa ko dito?

"President, naiwan mo." Bigla akong kinabahan sa nagsalita. Pinagkatitigan ko itong mabuti at inaabot niya sakin ang cellphone ko. Mukhang nagulat siya ng bigla akong tumunghay. Kita ko ang pagpaaalala sa mga mata niya at galit.

Bakit?

"What happened to you?" pagalit na tanong niya sakin habang sinusuri ang buong pagkatao ko. Hindi ko alam pero bigla nalang akong napaiyak sa harapan niya at mas lumala pa ito ng bigla niya akong yakapin.

Bakit ganon? Yung mga yakap niya parang nakakapagpagaan ng loob ko?

" Shh, tahan na," amo siya habang hinahagod ang likod ko at hinihimas ang buhok ko pero dahil sa sinabi niya, mas lalo lang akong napaiyak.

Down Side Up (GxG Story: Completed)Where stories live. Discover now