Chapter 52: Pappy

510 25 0
                                    

Cheska's P.O.V

Nakaramdam ako ng paglundo ng kama at alam ko kung sino ang nasa likod noon.

"Why are you still awake?" tanong nito at niyakap ako mula sa likod na ikinasinghap ko.

Baka nakakalimutan niyang tampo ako sa kanya?

Hindi ko ito sinagot kaya mas lalo niyang hinigpitan ang yakap sakin. May naramdaman naman akong kakaiba sa kanya dahil hindi siya ganito. Ang lalim narin ng paghinga na akala mo ay kagagaling sa iyak.

Hinayaan ko nalang siya dahil ayoko ng magtanong pa. Alam ko naman na hindi niya rin ako sasagutin kaya mas mabuting kung siya ang mag-open.

"Aalis ako tomorrow... kasama si d-dad," mabibigat nitong sabi sakin kaya hindi na ko nakatiis.

"Saan kayo pupunta?" casual kong tanong.

"Can you come with me? With us?" Nabigla ako sa tanong niya.

Why all of a sudden? At bakit kasama pa ko? Tsaka baka bonding pa nila yung mag-ama.

"Kasama rin ba sila ate Kris?" curious kong tanong at mas lalo niya lang akong niyakap.

Papatayin niya ba ko?

"No, just you... and me with d-dad," sagot nito at may pag-aalinlangan nanamn yung dad word niya.

Alam kong may problema siya pero nakakainis dahil wala ko sa lugar para magtanong.

Inalis ko nalang ang yakap niya dahil hindi na ko makahinga ng maayos at humarap nalang sa kanya ngunit siya namang talikod niya.

Bigla naman akong nasaktan. Ayaw niya ba ko makita? O may tinatago siya na ayaw kong makita?

Napabuntong hininga nalang ako.

"Bully, harap ka sakin," utos ko rito pero hindi naman sumunod.

Abat!

"Leah Kate." Napangiti naman ako ng palihim dahil unti-unti itong humaharap sakin ngunit nakatungo lang siya.

Bigla akong kinabahan at nag-alala dahil nong tumunghay siya sakin. Kita kong pugto ang mga mata nito kaya kusa na ang katawan ko ang yumakap sa kanya.

Naramdaman ko naman ang pagtulo ng luha nito sa damit ko at paghikbi niya. Nakaramdam din ako ng sakit sa tuwing napapakinig ko siya sa ganong lagay.

Akala ko immune na kong hindi masaktan?

Lumipas ang ilang minuto at tumigil na siya.

"S-sorry. Will y-you come with u-us?" Gusto ko mang tumanggi pero hindi. Hindi sa ganitong lagay niya kaya tumango ako.

"Thank you. I thought galit ka," nakalabing sabi nito.

Nagpapacute ba siya?

Pinitik ko nalang ang noo nito dahil hindi ko naman kayang magalit sa kanya. Siguro kapag sobra na? Dahil lahat naman ng sobra ay masama.

"Kahit na gaano pa kasama ang ugali mo, hindi ko kayang magtanim ng galit sayo. Tsaka hindi naman galit yun, kundi tampo," pabirong sagot ko pero pabulong lang yung last sentence but sure akong napakinig niya kasi napanguso ito.

"You are so bad to me. Hindi kaya masama ang ugali ko. But... s-sorry for always h-hurting you," nakalabi nitong sabi sakin na mukhang inapi.

Siya pa talaga? Para siyang bata ngayon. Anong nakain niya?

This time pinisil ko na ang chubby nitong pisngi.

"Taba," nanggigigil kong sabi rito at buhat doon pagalit niyang inalis ang kamay ko.

Down Side Up (GxG Story: Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon