Chapter 23 : Birthday Part 1

1K 39 1
                                    


Leah's P.O.V

"Happy birthday ate!" bati ko kay ate Kris. It's June 25, 2019, tuesday. Isang linggo narin ang lumipas at hanggang ngayon hindi parin ako kinakusap ng dalawa kong bitches na kaibigan. Wala kong plano ngayong pumasok dahil birthday ni ate at ganon rin si Ben. Special occasion kasi namin ito at dadating rin si dad.

"Thanks Leah, by the way, wag kang umabsent and I just want to inform you na hindi makakarating si dad," kaswal na sabi niya na ikinabigla ko. It's first time na hindi nakauwi si dad. What happened?

"Edi hindi talaga ako papasok," nakangiting tugon ko na ikinapailing niya at tinalikuran ako. Hays, until now hindi parin kami in good terms. I miss her. I really do.

"Goodmorning ate Kris. Happy birthday!" bati naman nong isa at hinalikan si ate sa pisngi. Sana all!

"Thanks Ben, pumasok ka ah wag kang gagaya sa isa dyan," parinig ni ate sakin na ikinatawa ni Ben.

"Sorry but idol ko si ate peppa! Hahaha." Napailing naman si ate sa sinagot niya. Tss, gusto niya rin naman kami makasama. Indenial pa siya. Tutal gayak na kami ni Ben, napag-usapan kasi namin ito kagabi na hanggat hindi pa dumadating si dad, gagala muna kami kasama si ate like before.

"Ate gayak kana gagala tayo!" pasigaw na sabi ni Ben kay ate dahil papaakyat ito sa kwarto niya. Ayaw ba niya magcelebrate?

Si mom naman ay wala dahil gusto niya pumunta kila lolo at lola. One week narin siyang wala kaya pala last time ang aga niya kaming ginising. Tss.

Hindi nagtagal ay bumaba na si ate at inabot nito sa akin ang susi. It means ako ang magdadrive. Yey!

"Dadaanan natin si Rhea at nasa bahay siya ngayon nila Cheska,"sabi nito na ikinalaki ng mata ko.

"Kasama si Cheska?" biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa pagbanggit ng pangalan ni president. Fuck!

"Hmm..."

Bakit ang tagal sumagot? Feeling ko tuloy pinagpapawisan ako?

"I think hindi dahil may pasok. Why?" nakakunot noong tanong ni ate.

"Nothing." Nakahinga tuloy ako ng maluwag.

Cheska's P.O.V

"Ate hindi ako pwede umabsent, nasabi ko na yan sayo kagabi," nakukulitan ng sagot ko kay ate Rhea.

"Bilis na please, ililibre kita ng ice cream o kaya chocolate please," nakapuppy eyes ng sabi nito. Mukhang naglaway tuloy ako sa pagbanggit niya ng ice cream at chocolate pero hindi!

"Ate hindi pwede. Sige na malalate na ako," paalam ko rito pero nagulat ako dahil mukhang maiiyak na si ate. Wow, actress pala siya?

Leah's P.O.V

Fuck! Bakit kasama si president? Akala ko ba!

"Leah lutang ka ba? Balak mo ba kami ibunggo?!" naiinis na tanong ni ate dahil bigla akong napapreno. Lahat tuloy sila nakatingin sa akin pero kay president lang ako nakatingin sa rear view mirror. Fuck this feeling! Ano bang nangyayari sakin? At bakit ba siya nakatingin?! Fuck her!

Hindi ko nalang sinagot si ate at humugot ng malalim na hininga. Hindi pwedeng masira ang araw na ito. Inalis ko na ang tingin kay president dahil nakakainis yung mukha niya, titingin pa, seryoso naman. Hindi manlang ngumiti kapag nandito ako. Sarap lamukusin ng mukha. Tss.

Ilang minuto ang lumipas at huminto kami sa Classic Savory na favorite ni ate. Magte-take out nalang daw kasi kami dahil gusto niya kumain sa puntod ni tita Crizelda. Nagbili narin kami kanina ng flower bago sunduin sila president at cake.

"Tara Rhea, samahan mo ko," nakangiting tawag pansin ni ate dito. Tinitingnan ko lang sila sa rear view mirror. Inilahad pa ni ate ang kamay dito. What?!

"Sama ko!" sabi ng katabi ko. Edi sila na!

Hindi ako mapalagay kasi maiiwan kami ni president dito sa loob.

"Okay, lets go." Fuck!

Hays, sabi ko na nga ba. Nagbaba nalang ako ng tingin at kinuha ang cellphone ko. I feel the awkwardness noong sinarado nila yung pinto ng kotse.

Cheska's P.O.V

Himala at hindi niya ako kinakausap. Ngayon nalang kasi ulit kami nagkasama. Yes nasa iisang room kami pero mula noong muntik na siyang madulas, never na niya ko kinausap at kakanina lang niya ako tinapunan ng tingin.

"Iniiwasan mo ba ko?" mahina kong tanong. Gusto kong pukpukin ang sarili ko dahil sa tanong ko. Ano namang pake ko kung iniiwasan niya ako?

Edi wag niya kong pansinin. Ayos nga yun eh, hindi magugulo ang buhay ko. Wala naring sasampal sa pisngi ko.

Napatawa tuloy ako sa naiisip ko.

Tiningnan ko lang siya at mukhang natigilan siya sa kakatingin sa cellphone niya. Kita ko ang panginginig ng kamay nito. Anyare sa kanya? Isa pang himala, nanahimik siya sa tanong ko. Kunsabagay, ayos narin yun. Napakibit balikat nalang ako.

"Boyfriend mo ba si Gerome?" bigla akong natawa sa tanong niya.

Ako? Boyfriend yung baklang yun? No! A big no! Yes nanligaw siya dati pero dahil malakas ang gaydar ko, nalaman ko at gusto niya kong gamitin upang pagtakpan na bakla siya. Yes, I'm bisexual , I like girls than boys but never pa ako nagkagirlfriend. Study first at hindi ako out.

Natigil ako sa pagtawa dahil para na akong tanga, ako lang kasi ang tumatawa. Napatingin ulit ako sa kanya, nakita ko sa mga mata niya na parang na-a-amuse siya? Shit! Nalimutan ko nga pala na dapat seryoso lang ako kapag kaharap siya o kaya walang emosyon.

"Why? Do you like him?" tanong ko at sumeryoso.

"No!" pasigaw na sagot nito. Ang weird niya ngayon bakit kailangan pang magtaas ng boses? Gusto niya talaga siguro si Gerome.

"Okay," nasabi ko nalang at tumingin sa labas. Masarap siguro ang pagkain dito. Balang araw, makakakain ako dito ng sarili kong pera.

"Hey, answer me, boyfriend mo ba siya?" tiningnan ko siya at pinaningkitan ng tingin.

Bakit ba niya tinatanong kung gusto ko yung baklang yun? Nagseselos ba siya dahil close kami ni Gerome?

Nagtitigan lang kami at kita kong naiilang siya. Isa pa, Namumula narin yung mukha niya. Anyare dito? Hindi siya to! Siguro double ganger niya to?

"Ikaw ba si Leah?" nawiwirduhang tanong ko. This time parang natauhan na siya at bumalik sa dati?

"What?! Are you stupid?! No! You're already stupid!" Sige, kausapin mo sarili mo. Hindi ko nalang siya pinansin kasi alam ko ang ugali niya, kapag pinatulan, lalong lumalala. Malaki ang sira sa ulo ng isang to. Tsk tsk tsk. Tumahimik naman siya at mukhang kinakalma ang sarili may paghawak pa sa dibdib. Siya ata ang natatanga ngayon. Weird.

"Nevermind my question! Stupid!" As if naman na sasagutin ko ang tanong niya. Baka jowain niya pa yung si bakla. Mahirap na, madidiri lang yun pero nakwento minsan ni bakla na gusto niya raw jowain si bully para gamitin pero dahil masama ang ugali ni bully, kinawawa lang si Gerome. Basta, ewan ko ba.

Lumipas ang ilang minuto at dumating narin sila ate. Hays, mabuti naman. Saan naman kaya kami pupunta ngayon? Wala kasing nabanggit si ate. I think mabobored lang ako maghapon o di kaya ay mabubwisit? Dapat kasi papasok ako kung hindi lang umiyak si ate. Hays.

---
Thank you for reading❤️❤️❤️

Down Side Up (GxG Story: Completed)Where stories live. Discover now