Chapter 12: Mama

1.3K 40 0
                                    

Cheska's P.O.V

Napabalikwas ako ng upo sa kama dahil hindi ito ang kwarto ko. Napahawak ako sa ulo ko dahil ang sakit. Sumunod naman na sumakit ay ang tiyan ko, kumakalam ito dahil mula pa kaninang umaga ay hindi ako kumakain.

Naalala ko tuloy yung pangyayari kanina kahit na ganon masaya ako. I felt so alive again because of the pain.

"Oh iha gising kana pala. Dito ka muna tatawagin ko lang si ma'am Leah." Biglang nagpantig ang tenga ko dahil sa narinig. Pagkatingin ko isang matanda na titig na titig sa akin na mukhang nagtataka at mukha ring sinusuri ako.

"Teka po. Sandali. Si Leah po?" gulat na tanong ko dahil kahit masaya ako dahil sa natamo ko. Sa taong yun may hinanakit ako kahit noon pa.

"Oo iha andito ka sa bahay nila." Lalo atang sumakit ang ulo ko dahil sa narinig at nang akmang aalis na ito ay sinabi kong sasama ako pero ayaw pumayag.

Bakit naman kaya niya ako dinala dito?

"Naku iha dito nalang muna kayo," pigil nito.

"Ah hindi po, samahan niyo nalang po ako sa kanya," pagkasabi ko noon ay napakamot nalang siya sa ulo dahil nakukulitan na siya sa akin.

"Oh siya sige na nga."

Tumayo na ako at may napansin ako. Hindi ko ito damit!

"Teka lang po. B-bakit po iba na ang damit ko?"

"Ah, dumating kasi kayo dito ng basang-basa at kanina ka pa walang malay. Kakagising mo lang."

Walang malay?

Basang-basa?

Bakit?

"Ah ganon po ba. Kayo po ba ang nagbihis sa akin?" nahihiya kong tanong at tumango ito. Hindi na ako nagtanong pa dahil ang magbibintang na iyon ang dapat magpaliwanag sa akin ng buo. Napakashit niya!

"S-salamat po," pasalamat ko sa matanda. Siguro nasa 50 plus na siya.

"Walang anuman iha. Siya sige na samahan na kita kay ma'am." Tumango nalang ako sa sinabi niya kahit naguguluhan parin ako kung bakit ako nandito dahil ang huli kong naaalala ay mula nong nagkasagutan kami ng magbibintang na iyon ay umupo ako sa katabi ng elevator sa labas.

Nawalan narin kasi ako ng ganang pumasok at kung ano ano ang pumasok sa isip ko.

"Manang naandito na sila ser!" tawag ng isang babae mula sa ibaba kay lola.

"Siya sige iha ikaw na ang kumatok. May aasikasuhin lamang ako."

"Sige po," nag-aalangan kong sagot dahil anong gagawin ko? Susugurin siya? Paano ko siya kakausapin?

Kinalma ko muna ang utak ko. Dapat hindi ako natatakot o kung ano man dahil siya ang nagdala sakin dito pero bahay nila ito. Baka hindi na ako makauwi ng buhay.

Napatawa ako sa isip-isip ko dahil bakit nga ba ako mababahala? Walang may pakielam sakin.

Tuluyan na akong kumatok dahil wala naman talagang mawawala sa akin. Pakielam ko kung saktan niya pa ulit ako. I don't care about my life. No one cares. Sawa narin akong patunayan ang sarili ko.

"Wait," inaantok na sambit nito.

May gana pa pala siyang matulog.

"P-president?" nauutal at mukhang gulat na sabi nito. Napangisi naman ako dahil sa inakto niya pero nasisiguro kong wala siyang makikitang emosyon mula sa akin.

This is the real me, lifeless and emotionless.

I am just faking myself when I'm in front of other people. I want them to see me happy and strong that's the only thing that I can do to myself pero sa taong ito wala akong pag-aalinlangang ipakita kung sino talaga ako dahil kinamumuhian ko siya. Isa siya sa dahilan kung bakit lumayo ang damdamin ng magulang ko sakin. I hate her.

Down Side Up (GxG Story: Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon