Chapter 4: Open Up

2.4K 65 0
                                    

Six forty-five p.m na kami nakarating ng Briz hospital kaya madilim na. Kanina pa kami dito sa labas ng hospital nakaupo. Kanina ko pa tinatanong si ate pero hindi naman nasagot. Napakamean talaga niya sakin ngayon.

Hindi rin nagtagal ay may babaeng nakangiti sakin at sa tingin ko kaedadan ni ate na papalapit samin at tiningnan ko si ate, nagse-cellphone nanaman. Binalik ko sa babae ang tingin at ang singkit ito parang si president parang hawig sila.

Fuck! Bat ko siya naisip?

"Hey, Kris!" tawag pansin nito kay ate at tiningan ko ulit si ate na nakangiti na.

"Hey you're here na pala. By the way this is my sister Leah and Leah my friend, Rhea Gonzales," nanlaki ang mata ko dahil pinakilala ako ni ate bilang kapatid niya kaya hindi ako makapaniwalang tiningnan si ate pero sinamaan lang ako ng tingin.

"Don't worry she's my friend. Kaya umayos ka," bulong naman ni ate sakin. Ayos na sana eh pero may pagbabanta pa kaya tiningan ko yung bestfriend ni ate at nginitian ito.

"Hi, nice to meet you Leah," nakangiting sabi ni sakin kaya naiilang na nginitian ko ito. Ang cute kasi niya.

"Let's go," sabi ni ate. Naunang lumakad sila pareho at ako ay nasa likuran nila, sumusunod kumbaga. Feeling ko tuloy maa-out of place ako. Mali atang sumama ko kay ate eh pero sabagay kung magkakaayos naman kami after this edi worth it naman.

"Sorry ah naabala pa kita pati narin kapatid mo," sabi ni ate Rhea kay ate.

"Wala yun," sagot naman ni ate at nginitian ito ng matamis.

Sumakay kami ng elevator at pinindot ni ate Rhea ang third floor hanggang 5th floor kasi tong building. Lumakad na ulit kami at huminto sa room 112 nang mag-ring ang cellphone ko.

"Ahh mga ate. I need to take this call, sunod nalang ako." Tumango naman sila at binuksan ang pinto atsaka sila pumasok. Hinugot ko mula sa bulsa ang cellphone ko at alarm lang pala. Bwisit.

---

Cheska's P.O.V

Kasalukuyang naglalaro ako ng township sa cellphone ko ng bumukas ang pinto. Laking gulat ko ng iniluwa nito ang babaeng matagal ko ng hinihintay. Noong una ay hindi ko pa ito namukhaan dahil eleven years ko na siyang hindi nakikita pero dahil may facebook ay namukhaan ko ito dahil nagpapadala siya sakin ng litrato. Limang taon ako at siya naman ay walo noong huli ko siyang nakita dahil pinadala siya ni mama sa lola ko at sila na daw ang magpapaaral dito.

Napako ako sa kinauupuan ko dahil sa gulat. May kasama din itong babae na hindi ko kilala.

"Ches?" tawag ni ate sakin pero wala akong mahugot na salita mula sa bibig ko. Nahihiya ako. Sa chat pa naman ang daldal ko.

Lumapit ito sakin at yumakap parang ewan tuloy ako. Hindi ko alam kung yayakap ba akong pabalik o hindi kaya hindi nalang ako yumakap. Naiilang ako eh.

"Ches ako to, ate mo." Napabuntong hininga naman ako sa sinabi niya. Sinuklian ko nalang siya ng tipid na ngiti. Kinakabahan kasi ako.

"Siya nga pala Ches si Kris Gail Briz kaibigan ko," pakilala nito sa kasama niya. Ngumiti naman ako dito dahil mukha naman siyang mabait. Wait parang familiar siya, siya yung nag-iisang anak ni Mr. Ronald Briz na owner ng school namin at nitong hospital. Wow, may mayaman palang kaibigan si ate.

Hindi nagtagal ay biglang bumukas ang pinto at niluwa nito si tito at mas nagulat ako dahil ang kasunod nitong pumasok ay si bully. Nakita kong tiningan muna nito si mama at ginawi sa amin ang tingin at ng magtama ang tingin namin ay mukhang nagulat din ito pero ngumisi naman din agad.

Down Side Up (GxG Story: Completed)Where stories live. Discover now