Chapter 54: Monthsary

667 25 1
                                    

Leah's P.O.V

Halos one month na ang lumipas at bukas, December 12 first monthsary na namin ni president. Sa one month na lumipas, hindi pa kami nagdate dahil busy sa school. Marami rin kasing event na naganap at dahil holiday na next week ay nagkacramming na. Si president naman ay pa-easy easy lang dahil hindi siya nagtatambak ng gawain katulad ko.

Si pappy naman ay tumira narin sa bahay but hindi siya pinapalabas ni dad dahil delikado. Mabuti narin yun dahil nakakabonding ko naman siya kapag free time ako. Ang mama naman ni president at siya ay sa bahay parin dahil saka nalang daw umuwi kapag dumating ang papa ni president.

Fuck! Ano kayang itsura ng papa ni president? Pabor kaya siya samin? Si tita kasi mukhang hindi na ewan. Hays.

Mabuti nalang din at sabado bukas dahil balak kong yayain si president lumabas. Mukha ring nakalimutan niya na monthsary namin dahil hindi niya ito nababanggit.

Ano pa nga bang maasahan sa kanya?

"Where is Elisa kaya? Hindi na siya pumasok after her birthday," nagtatakang tanong ni Van hanggang ngayon. Halos araw-araw pala.

Muntikan ko ng makalimutan, nakakapagtaka nga ngunit sabi ni dad nong makwento ko sa kanya. Hayaan na lang namin basta mag-ingat kami palagi. May mga bodyguard din kasi na nakabantay samin ngunit nakamasid lang at hindi makikita basta basta. Nakasuot lang kasi sila ng common at hindi mapaghihinalaang may binabantayan. Pumayag narin kasi ako upang hindi si dad mag-alala lalo na si pappy.

Nakakailang nga dahil hindi ko makiss si president in public.

"Kaya nga nakakamiss din yung babaeng yun. Wala ka bang balita sa kanya bes?" tanong naman ni Karla.

"Wala, tsaka duh I'm here. Bakit niyo ba hinahanap yung kumag na yun?"

"May president ka na kasi, laging siya ang bukambibig mo," irap na sagot ni Karla.

Speaking of president, nasaan na kaya siya?

"Kaya nga," sang-ayon naman ni Van.

"Tumigil nga kayo. Tsaka Karla are you jealous?" asar kong tanong.

"Hindi noh! Bat naman tsaka ilibre mo na kami!" Napailing nalang ako at inabot ang wallet ko sa kanya.

"Yown," sabay sabi nilang dalawa at dali-daling umalis.

Hindi naman nagtagal ay dumating na si president na mukhang pagod at umupo kaharap ko. Inabot ko naman sa kanya ang bottled water ko na kaagad naman niyang ininom.

"Saan ka galing?" tanong ko kahit alam ko naman kung saan.

"S-sa student council room," iwas nitong sagot na ikinakirot ng puso ko.

She's lying.

"Sawa ka na ba sakin?" seryosong tanong ko rito.

Fuck! I'm being sensitive and I hate it!

"Ano?! Hindi tsaka tara." Hinawakan nito ang kamay ko at nagpadala naman ako. Nawala narin ang sama ng loob ko dahil sa ginawa niya pero... bakit kailangan niyang magsinungaling?

"Dito nalang tayo kumain," nakangiting sabi nito sakin pagkadating namin ng rooftop kaya palihim akong napangiti.

"Kaya ka ba pagod kasi hinanda mo to? Sinungaling!" pagalit kong sabi at pinipigilang huwag ngumiti.

"Sinungaling? Totoo naman na galing ako ng student council room tsaka d-dito." Niyakap ko nalang ito dahil gusto kong maramdaman niya na na-appreciate ko ang ginawa niya.

Down Side Up (GxG Story: Completed)Where stories live. Discover now