Chapter 46: Dangerous

962 41 47
                                    


Cheska's P.O.V

"Hindi parin ba kayo ayos?" casual na tanong ni Elisa pagkahinto sa tapat ng bahay namin.

"Nino?" maang-maangang tanong ko kaya napabuga ito ng hininga sa hangin. Naalala ko nanaman tuloy yung nangyari kanina.

"As far as I know lang naman kanina sa garden mukhang maghahalikan pa nga kayo eh kung hindi lang ako sumingit," natatawang sagot nito na ikinamula ng mukha ko.

"Shut up tsaka selos ka lang eh," bawi ko rito na ikinatigil niya. Wait.

"Bumaba ka na nga ng makauwi na ko." Nagkibit balikat nalang ako at sinunod siya. Mukha kasing seryoso siya na hindi naman dahil nakasanayan ko na siyang palabiro.

"Bye, ingat ka," paalam ko rito pero hindi manlang ako tinapunan ng tingin at umalis. Weird.

Kinabukasan

"Cheska!" napalingon ako sa tumawag at iyon ay si Gerome kaya nilapitan ko agad ito.

"Akala ko totoo yung rumor na nagdrop out kana," nakangusong sabi nito.

"Totoo nga," natatawang sabi ko na ikinalaki ng mata niya.

"Eh bakit naka-uniform ka? At bakit nandito ka?"

"Bakit? Ayaw mo ba?"

"Ano nga girl? Nakakainis ka naman eh. Tapos hindi mo manlang sinabi sakin!" pagtatampong bulyaw nito kaya may napapatingin samin lalo. Kanina pa kasi pagkapasok ko siguro nga dahil doon.

"Nagdropped out nga ako kaso may hindi pumayag," dahan-dahang sabi ko at naalala nanaman yung pag-uusap namin ni bully kahapon. Siya raw ang bahala at dahil wala naman akong laban sa pakikipagtalo, pumayag narin ako. Isa pa, ayoko rin naman na tumigil. May nagbabantay naman kay mama, si tito pero magpapart time job parin ako after class.

"Eh sino ba kasing papayag? Napakabobong desisyon kaya non!"

"Pwede ba babaan mo boses mo, napaghahalataan kana eh," suway ko rito kaya umayos siya ng tindig. Napailing nalang ako.

Dumaan ang maghapon, walang bully na pumasok na ipinagtaka ko. Si Elisa naman mukhang iniiwasan ako kaya hindi nalang ako nagtanong pa. Tatawagan ko nalang siguro siya mamaya?

Leah's P.O.V

"Ilang beses ko bang sasabihin sayo na layuan mo yang Cheska na yan ha para matigil ka?! Kailangan pa bang ikulong kita?!" Hindi nalang ako sumagot pa kay Dad dahil alam kong ikagagalit lang lalo niya yun.

"You know what? Ikaw lang ang magpapahamak sa kanya," may pagbabantang sabi nito sakin habang nakatitig sa mata.

"Why? May gagawin ba kayong masama sa kanya?" galit na tanong ko rito. Subukan niya lang, hindi ako magdadalawang isip na ipakulong siya.

Sampal ang inabot ko kay dad pero kahit ganon pinipigilan kong huwag umiyak pero hindi ko namalayan na pinupunasan na niya ang luha ko.

"Ilang beses pa ba kitang dapat saktan? Hindi mo alam na nahihirapan din ako. I am your father."

"Then act like one!" Dahil doon nanlaki ang mata ni dad at tumalikod sakin.

"Siguro nga hindi ako naging mabuting ama sa inyo pero wala kong pakielam, maprotektahan lang kayo." Napatawa ko sa sinabi ni dad.

"Protektahan kami? Baka yung status mo."

"You don't know what you're saying."

"Then let me know!" hindi ko na talaga kaya pang pakalmahin ang sarili ko.

"Hindi mo maiintindihan,"

"That's bullshit!" Akala ko sasampalin ulit ako ni dad dahil sa sinabi ko pero ikinatawa niya lang ito. Kinalibutan naman ako dahil hindi ko alam kung totoong tawa ba yun o ano pero noong humarap siya sakin, kita ko sa mga mata niya ang saya. Nababaliw na ba siya? Fuck!

Down Side Up (GxG Story: Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon