Chapter 40: Rumor

1.3K 55 5
                                    

Leah’s P.O.V

“Where are you going?” inaantok na tanong ko kay president dahil madaling-araw ngayon at nagpapaalam na siyang umalis.

“Sa apartment ni ate Rhea, tinext ko na siya kagabi.” Napakamot nalang ako ng ulo sa sinabi niya.

“Papasok ka mamaya?”

“Bahala na, maghahanap muna siguro ako ng part time job.”

Naalala ko tuloy yung coffee shop ni lolo, siguro kakausapin ko nalang yung kumag kong pinsan para ipasok si president.

“Sabay na tayong pumasok, ako ng bahala. Let’s sleep, it’s too early pa.” Napakinig ko naman siyang bumuntong hininga dahil sa sinabi ko.

“Subukan mong umalis, lagot ka sakin.”

Pumikit na ako at sinimulang matulog pero gising naman ang diwa ko dahil bigla niya akong niyakap mula sa likod dahil nakatagilid ako ng higa. Hindi nalang ako nagpahalata kahit na ang lakas ng tibok ng puso ko.

“Alam kong gising ka, salamat ah? Hanggang ngayon, hindi ko inakalang ikaw ang tutulong sakin. Nagbabago pala talaga ang tao noh?” Napangiti naman ako sa sinabi niya.

“Mabait naman talaga kasi ako.”

“Ang kapal mo talaga.” Bigla akong humarap sa kanya at kita ko sa mga mata niya ang pagkabigla.

Fuck! Wrong move. Ang lapit kasi namin sa isa’t isa.

“Salamat,” sincere niyang sabi habang nakatingin sa mga mata ko. Nawala narin yung gulat sa mga mata niya at napalitan ng hindi ko maipaliwanag.

Sana ganito nalang kami kalapit lagi sa isa’t isa dahil ang sarap niyang pagmasdan.

“You’re so beautiful.” Ilang beses ko na ba nasabi to sa kanya at utak ko? Pero hindi ko namalayan na bigla kong napukpok ang sarili ko sa ulo dahil sa sinabi ko at napakinig ko naman siyang napatawa.

“Mukha kang tanga.”

I think so. Fuck!

“Hey, saan mo natutunan yan ha?” pagalit kong tanong dahil gusto ko ring mawala yung tension sa aming dalawa.

“Wag kang magpout hindi bagay sayo.”

“Gusto mo lang akong halikan.” Fuck! Why did I said that?

This time, gustuhin ko mang pukpokin ulit ang sarili ko ay hindi ko na magawa dahil parang namagnet na ang mga mata ko sa mga mata niya. Napalunok nalang ako at nakakainis dahil walang laway na sumama. Ilang sandali ay napako na ang mga mata ko sa mga labi niya at noong oras na bumalik ang mga tingin ko sa mga mata niya, sinunggaban na niya ko ng mabilis na damping halik.

Fuck, it feels so good.

Napakagat tuloy ako ng labi ko. Kahit mga isang segundo lang yun ay parehas kaming naghahabol ng hininga. Sa konting segundo na yun ay alam kong maadik ako sa lambot ng labi niya at dahil sa nabitin ako, dahan-dahan kong hinawakan ang pisngi niya at ako naman ang humalik sa kanya. Noong una, walang gumagalaw saming dalawa pero dahil sa bugso ng damdamin, unti-unti kong ginalaw ang mga labi ko habang inaangkin ang labi niya at parehas kaming napasinghap dahil dito. Lalo pa akong nadala noong gumaganti na siya sa mga halik ko. Ngunit hindi rin nagtal dahil bigla niyang inilayo ang sarili niya. Nahiya tuloy akong tumingin sa kanya at sakto dahil parehas kaming nag-iiwas ng tingin. Ang pula ng mukha niya at ganon rin siguro ako. Fuck!

“S-sorry,” sabi nito at tumalikod na sakin. Nagkalakas tuloy ako ng loob magtanong dahil bakit siya nagsosorry? Ayaw niya ba?

“Hindi mo ba nagustuhan?” seryosong tanong ko sabay talikod narin pero siya namang harap niya ulit.

Down Side Up (GxG Story: Completed)Where stories live. Discover now