Chapter 47: Group Hug

498 21 0
                                    

Leah's P.O.V

"Ate peppa, are you really watching cartoon?" takang tanong ni Ben.

"Yeah, why?" nakangiting sagot ko habang nakatingin sa t.v  kahit na wala kong maintindihan.

I think Ben 10 itong pinapanood namin. Hindi nanaman siya sumagot sa tanong ko but he shrugged.

Honestly, hindi naman talaga ako nanonood. I am waiting for them, especially president. Kasalukuyan kasing nasa office sila ni dad. Kami lang ni Ben ang hindi kasali. Maybe because I know what's happening? And Ben? He doesn't need to know and he didn't care about our issues.

Bata nga naman.

Actually, I am really happy because dad insist at mukhang hindi siya galit lalo na at sinabi kong I love president. Hindi ko narin inalala yung sinabi niya about sa kamukha ko siya? Really? Tsaka missed him? Namimiss niya siguro sarili niya? Siya lang naman ang father ko right? Unless na ampon ako? But no way! Its not his thing na mag-ampon.

Hindi naman nagtagal at bumaba narin sila except kay dad and mom ni president. Si ate naman ay nagtungo sa kitchen kasunod si ate Rhea. I think they'll get water? Ganon na ba ang epekto ni dad at nauhaw sila?

Si president naman ay tumabi sakin at napasinghap ako dahil dito.

"Hey, anong pinag-usapan niyo? Are you okay?" usisa kong tanong dito dahil its been a minute at wala siyang kibo. Mukhang seryoso rin siya at kahit na nakatuon ang tingin sa t.v hindi naman nanonood. She's preoccupied.

I touch her left hand with my right hand and I didn't regret that.

"B-bakit?" tanong nito sabay bawi ng kamay niya mula sa pagkakapatong ko. I don't know but I feel hurt of what she did. Really?

"N-nothing," sagot ko nalang dahil mas inuna ko ang nararamdaman ko.

I thought...she loves me?

Am I the only one who loves her...romantically?

Napangiti nalang ako ng mapait.

I think, yes.

But why did she kiss me?

Is she serious about me?

Pinaglalaruan niya lang ba ang feelings ko for her? But I think, not. She's not that kind of person.

Damn! Why I feel so emotional? Dapat nagdidiwang ako katulad kanina dahil dito sila titira!

---

Cheska's P.O.V

Mula kanina hindi parin nagsink in ang sinabi ni Mr. Briz samin kaya hanggang kanina lutang parin ako ngunit natigil noong nag-usap kami sa living room ni bully.

Nandito na ko ngayon sa guest room na pinagtulugan ko mula pa noon. Nakabihis narin ako ng pantulog and ready to sleep na ngunit bumabagabag parin sa isipan ko si bully.

I saw that she's in pain? Bakit? Hindi naman siguro ako ang may gawa dahil tinanong niya lang ako kanina?

Napabalikwas naman ako ng bangon dahil may kumatok. Agad ko rin naman itong binuksan at nadismaya ako nang bumungad sakin si mama.

"Bakit ma?" magalang kong tanong dito dahil mahirap na, baka magalit nalang ng basta basta.

"Ayos lang ba rito muna tayo titira?" nakangiting tanong nito at umupo sa kama habang nandito lang ako nakatayo sa harap ng pintuan.

Napatawa naman ako sa tanong niya. Kelan pa siya nagkapakielam kung tututol ba kami o hindi? Nagdesisyon na nga agad sila eh so anong magagawa namin?

Down Side Up (GxG Story: Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon