Chapter 24: Birthday Part 2

1K 42 2
                                    

Cheska's P.O.V

Naisip ko na maswerte pa pala ako kasi may nanay pa ako. Swerte nga ba? Hindi naman patay si mama pero yung puso at isip niya, yun ang patay. Wala rin, parang wala narin akong nanay. Napabuntong-hininga tuloy ako. Naisip ko kasi yung kagabi, sa bahay namin natulog si ate at si mama inaasikaso siya ng walang humpay. I felt jealous that time, never niya yun ginawa sakin maliban nalang siguro noong ako pa ang bunso. Ang sama tuloy sa pakiramdam.

"Ate Cheska are you okay?" nagulat ako dahil sa tanong ni Ben.

Am I okay?

"Oo naman," nakangiting tugon ko rito.

"Ate Kris gutom na ko," baling naman nito sa kapatid na nakatitig sa puntod ng ina. Napabuntong-hininga rin ito.

Crizelda Conception Briz

"Okay, let's prepare," sabi nito at nag-ayos na kami. Buti nalang at may dala silang mahabang panlatag, nakaupo kasi kami sa damuhan parang picnic lang pero sa sementeryo nga lang.

"Opps, nalimutan ko magdala ng drinks. Leah bili ka muna," utos nito sa kapatid.

"Okay," seryosong sagot nito. Kanina pa yan seryoso at lumala ngayon. May topak nanaman ata.

Tumayo na ito at inilahad ang kamay sa akin pero tiningnan ko lang ito. Sumimangot siya at umirap pa.

"Tara, samahan mo ako," hindi nakatinging sabi nito sakin. Weird.

Nang inabot ko ang kamay nito ay may naramdaman akong kakaiba at siguro ganon rin siya dahil mukhang nagulat ito. Bumilis rin ang tibok ng puso ko na ipinagtaka ko. Bakit ba kasi bumibilis ang puso ko sa kanya?

Napalunok tuloy ako noong makatayo ako at aalisin ko na sana yung kamay ko mula sa kanya pero hinigpitan niya naman ito. Kasabay noon ang lalong pagbilis ng tibok ng puso ko at sigurado akong naririnig na niya iyon dahil ganon rin yung sa kanya. Namumula narin yung mukha niya at ganon rin siguro ako pero bakit ba kasi ayaw niyang bitawan ang kamay ko?

Siya ang nagguide sa paglalakad namin at hinayaan ko nalang siya dahil wala akong lakas upang magprotesta pa. Ngayon ko lang napagtanto na ang lambot ng kamay niya at knowing na magkahawak kamay kami ay napapailing nalang ako.

Nang makarating kami sa kotse ay binitawan na niya ang kamay ko at feeling ko nanghihinayang ako? What?! Pero ayos narin yun dahil humuhupa na ang bilis ng tibok ng puso ko. Hays.

Pumasok na siya ng kotse at ganon rin ako nagulat ako dahil titig na titig siya sakin habang namumula ang mukha pero seryoso. Anong trip ng babaeng to? Naiilang tuloy ako sa tingin niya kaya umiwas ako.

"You're not okay," hindi patanong pero true statement na sinabi niya. Tss. Balak nanaman siguro niyang mag-away kami pero nasaktan ako sa sinabi niya.

Yes, I'm not okay.

"Ano namang pake mo?" bara ko rito at nakita ko lang siyang tinitimpi ang sarili which is cute.

"I saw it in your eyes, you're in pain pero ang ipinagtaka ko, bakit hindi mo magawang umiyak?" Si bully ba talaga to? Bakit parang ang bait niya ngayon? Ito ba ang dahilan niya kung bakit niya ako sinama? Para pag-usapan nanaman yung emotions ko? Ano siya psychologist?

"May problema ba kayo ng mom mo?" dahil sa tinanong niya napalingon ako.

"Tara na baka nauuhaw na sila," iwas ko sa tanong niya.

"It's okay not to be okay. Crying makes you strong." Ngumiti ako ng mapakla sa kanya.

Ano ba kasing pakielam niya? Wala siyang karapatan na diktahan ako. Wala siyang alam sa nararamdaman ko. Wala siyang alam sa buhay ko at sa pinagdaanan ko. Wala siyang alam sa mga magulang ko na magulang ko pa nga ba sa pagtrato nila sakin? Wala siyang alam sa araw-araw na sakit na nararamdaman ko na hindi ko alam kung manhid na nga ba talaga ako. Wala siyang alam.

Nabigla ako dahil unti-unti ng pumapatak ang luha ko habang nakatitig sa kanya at hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at pinahid ang mga luha na walang humpay sa pagbugso.

Napapikit ako dahil niyakap niya ako. Somehow, nakakagaan ng pakiramdam dahil mula sa paglaki ko, wala akong napaglabasan ng sama ng loob o naiyakan. Nakakatawa dahil yung taong kinaiinisan ko ay heto, dumadamay sa akin, nagpapalakas ng loob ko. Kumain ata siya ng tae dahil sa inaakto niya ngayon dahil sa pagkakaalam ko, wala siyang puso.

This time, niyakap ko na siyang pabalik at humagulhol ng iyak sa balikat niya.

---

Leah's P.O.V

"Cheska umiyak ka ba?" tanong ng ate niya rito pero umiling lang siya.

"Napuwing siya kanina, napasukan ng flies," sabat ko naman.

Kakarating lang namin sa pagbili ng water, soda and juice. Hindi ko kasi alam kung anong gusto nilang inumin kaya binili ko na lahat. Buti nalang at hindi sila nagtanong kung bakit kami nagtagal.

" Let's eat!" masayang anunsyo ni Ben.

"Kantahan muna natin ang ate nyo," sabi naman ni ate Rhea na sinang-ayunan namin kaya kinantahan namin ito at pinagblow ng candle. Nagwish rin ito ng palihim at may pagngiti pa na ikinangiti ko rin.

"Thanks, sige na let's eat."

Tahimik kaming kumakain at buti nalang hindi ko katabi si president dahil si Ben ay sa gitna. Kaharap ko si ate Rhea at katabi nito si ate Kris.

Naalala ko naman yung nangyari kanina kaya ginanahan tuloy akong kumain.

"Ate peppa you're being peppa pig again." Dahil sa sinabi ni Ben nagtawanan sila maliban kay president seryoso lang kasi ito at parang lutang pa? Napasimangot tuloy ako.

"Shut up Ben!" masungit na sabi ko dito at pinagpatuloy ang pagkain.

Matapos naming kumain ay napagpasyahan naming sumakay ng rides.

"Ate masama po ang pakiramdam ko. Pwede po ba akong mauna?" tanong ni president sa mga ate at natahimik sila.

"Ako nalang po ang maghahatid sa kanya. Magta-taxi nalang kami," volunteer ko. Kumunot ang noo ni ate at binigyan ako ng mag-uusap tayo mamaya look.

"Okay, mas mabuti pa nga dahil baka kung mapano pa siya," sabi ni ate.

"Ingat kayo!" paalam naman ng ate niya at tumango lang si president. Siguro nga masama ang pakiramdam niya.

"Take care ate peppa and ate Cheska!" Tss.

Tinalikuran nanamin sila at ngayon ko lang napagtanto na kami nalang ulit dalawa. Bigla nanaman tuloy bumilis ang tibok ng puso ko. Fuck! I hate this feeling but somehow I like it? Fuck!

---
Thank you for reading❤️❤️❤️

Down Side Up (GxG Story: Completed)Where stories live. Discover now