Chapter 53: Girlfriend

665 27 0
                                    

Leah's P.O.V

"Dad let him come with us para saan pa ang pera if you can't protect him? We shouldn't be afraid of that old man!"

Kanina pa kami nagtatalo ni dad dahil nalaman ko na ang totoo. Sinabi ni dad na kapatid siya ng totoong ama ni dad, si lolo Ronaldo. Halos parehas nga sila ng pangalan ni dad may o lang si lolo.

Sinabi rin niya na ang totoong lolo ko raw ay hindi hadlang sa kanilang dalawa pero si lolo Rowaldo ay oo. Nagtangka itong barilin si pappy but ang sumalo ay si lolo kaya mula noon tinago na niya si pappy. Sinisisi raw kasi ni lolo Rowaldo si pappy sa pagkamatay ni lolo. Hindi naman siya maipakulong ni dad dahil bukod sa makapangyarihan ito, bago mawalan ng buhay ni lolo ay sinabing huwag itong ipakulong at patawarin. Kaya hinayaan nalang siya ni dad pero hindi pa niya raw ito napapatawad.

Isa pa, kaya ko pala siya naging pappy kasi sperm niya ang ginamit. Samantalang si ate Kris at Ben ay si dad. Kaya pala ganon nalang ang turing ni dad kay mom or sa mom ni Ben parang wala lang. Akala ko babaero siya pero hindi pala.

"B-but---" yan nanamang but na yan. Tss.

"No more buts! Yang reputation mo parin ba dad ang iniisip mo?" hindi ko na matiis pang sabihin na ikina-igting ng panga ni dad. Siguro kung kami lang dalawa, nasampal na ko.

"Leah!" galit na suway narin ni pappy.

Si president naman ay hinawakan ng mahigpit ang kamay ko.

"Leah I don't care about our reputation. I care about our safety," seryosong sabi ni dad at lumapit ito sakin saka hinawakan ang magkabila kong pisngi.

"Please trust me. Please understand."

"No dad!" sagot ko na ikinakunot ng noo niya. Napabuntong hininga ito kalaunan.

"Mana talaga sayo," sabi ni dad tsaka inalis na ang palad niya at hinawakan ang kamay ni pappy.

Sweet.

But mana? Is pappy stubborn too? But I'm not... sadyang I want to be with him. Ang layo kaya nitong Laguna kung araw-araw akong pupunta.

"Anak intindihin mo ang dad mo." Bigla namang natunaw ang emosyon ko dahil sa pagbanggit niya ng anak. Napatungo nalang ako.

Fuck!

"Hmmm okay. I think Leah is right." Bigla naman akong natuwa dahil sa sinabi ni dad.

"Really?" hindi makapaniwalang tanong ko dahil bakit ang bilis mapapayag ngayon ni dad? Dahil ba kay pappy?

---

"Masaya ka na?" tanong ni president dahil nandito kami sa loob ng kwarto nakahiga dahil gabi na. Buong araw kasi kaming nagkwentuhan nila pappy. Si president naman ay madalang umimik at hinahayaan lang kami magkwentuhan.

"Hindi ba halata?" sarcastic kong tanong pero nakangiti.

"Tinatarayan mo na ko?" walang emosyon nitong tanong.

"Hindi! Hindi! Ikaw naman hindi mabiro!" Hindi naman ito sumagot pero seryoso lang na nakatingin sakin.

"Sorry na," nakapout kong paumanhin dito na ikinatawa niya kalaunan.

"Alam mo bully? Nagbago kana talaga," iiling-iling nitong sabi habang nakatingin sa bubong.

"Ikaw din naman, kinakausap mo na lagi ako," nakangiti kong sagot dito habang nakatingin sa mukha niya.

She's really beautiful. I feel that my life now is perfect. I hope, walang sumira.

"Malamang."

"Anong malamang?"

"Malamang dahil mahal kita," sagot nito na ikinatigil ko at siya namang lingon nito sakin.

Fuck! Bakit ganyan siya?

"Kinikilig ka ba bully?" seryosong tanong nito sa mga mata ko.

Fuck! Parang lalabas ang puso ko sa kaba!

"Oo--- I m-mean, oo m-masaya ako," nauutal kong sagot.

"Hindi halata," biro naman nito at tumingin ulit sa bubong. Tss.

"President?" tawag ko rito dahil mukhang inaantok na siya. Gusto ko pa siya makausap. I don't but I feel comfortable and happy while talking to her.

"Hmm?"

"Are you happy?" Mukhang natigilan naman ito sa tanong ko.

"Sa totoo lang, h-hindi ko alam." Hindi ko rin alam pero bigla akong nasaktan sa sinabi niya.

Does it mean that our feelings is not mutual?

Niyakap ko nalang ito dahil alam kong marami siyang pinagdaanan lalo na sa mama niya. Hinaplos naman agad nito ang buhok ko.

"Pero alam mo, masaya ko tuwing k-kasama ka," dagdag nito at mas lalo ko pang hinigpitan ang yakap sa kanya.

Hindi naman nagtagal ay inalis nito ang yakap ko sa kanya at pumaibabaw sakin habang nakatukod ang dalawang kamay sa ulunan ko. Napalunok naman ako dahil sa ikinilos niya.

Huwag niyang sabihin na--- no! Hindi ganon si president!

"P-president?" kinakabahan ng tanong ko.

Anong binabalak niya?

Napakagat nalang ako sa ibabang labi ko dahil sa lalim na pinupukaw ng mga mata nito sakin. Ang nakikita ko lang, puno ito ng pagmamahal? Tsaka ang pula pula narin ng pisngi niya.

Napalunok ako ng bigla nitong ibinuka ang bibig pero itinukom ulit. Parang naguguluhan na siya ngayon kung sasabihin niya ba o hindi.

"L-Leah K-Kate Perez? Will you be my g-girlfriend?" Dahil sa gulat bigla ko itong naitulak na ikinalaglag niya sa kama.

What?! Girlfriend?! Hindi pa nga niya ko nililigawan tapos---arghh

"Aray," daing nito kaya nahihiya akong bumangon sa kama at tinulungan ito.

"S-sorry."

"A-ayos lang. Hindi mo naman ako kailangang sagutin. Sorry kung nabigla kita," nahihiya nitong sagot pagkaupo sa kama.

Fuck you Leah! Diba pangarap mo rin na maging kayo?!

"HINDI! HINDI! OO NA SIGE NA, TAYO NA!" bulyaw kong sagot dito habang nakapikit.

Ang landi mo Leah! Bakit ang bilis mong pumayag?! Pero sabagay matagal ko nanaman siyang kilala. Bakit papatagalin pa? Tsaka nagkiss na kami!

Hinampas ko tuloy ang kanang kong pisngi dahil sa naisip ko.

"Para kang tanga."

"Ano?! Tanga?! Yan ang sasabihin mo matapos kitang sagutin?!" hindi makapaniwalang tanong ko rito.

How dare she?!

"Hinampas mo kasi ang sarili mo tsaka mukhang napipilitan ka lang naman."

"Napipilitan?!" Tumango tango naman siya kaya mabilis ko siyang hinalikan sa lips ng hindi na siya magduda.

"Hindi ako napipilitan," nakangiting sagot ko rito.

"Dapat lang, pasalamat ka nga tinanong kita," mayabang nitong sagot.

"What?!"

"Joke lang." Napailing nalang ako sa kanya.

Girlfriend ko na ba talaga siya? Si president? Ahhh!

Ibig sabihin... pede ko na siya halikan lagi?

Fuck you Leah! Magpakipot ka naman!

---
Thank you for reading❤

Down Side Up (GxG Story: Completed)Where stories live. Discover now