Chapter 26: Mysterious Old Man

1K 43 0
                                    

1 month later

Leah's P.O.V

"Bes, tulala ka nanaman, what's on your mind? It's been a month," tanong ni Karla. Okay na kami mula nong napansin niyang hindi ako okay and that's the day after ate Kris' birthday. Mula din nong araw na yun, walang araw na hindi nila ako tinanong kung bakit ba ako nagkakaganito. Si Ben napapansin narin niya but fuck! The hell they care!

Sinagot ko lang siya ng malalim na buntong hininga. Nakukulitan na ako sa kanila and I don't know how to explain it to them especially to her. I think they only make fun of me.

"Maybe, 1 month na regla?" tanong ni Van kaya sinamaan ko ito ng tingin. Kahit kailan talaga parang tanga. Tss.

"Bakit ka nga kasi ganyan? I don't want to see you like that. Ibalik mo ang dating Leah!" parang ewang sigaw sakin ni Karla.

Bakit nga ba?

Flashback

"Can we be friends?" out of nowhere na tanong ko at kasabay noon ang pag-alis niya ng ulo sa balikat ko at parang galit akong tiningnan? Why!?

"Are you serious?" dahang-dahang tanong niya na parang hindi makapaniwala. Nakaturo ang hintuturo nito sa kanya. What the fuck!

"Mukha ba kong nagbibiro?" nagtitimping tanong ko sa kanya.

"You're so impossible," iiling-iling na sabi nito sakin at pumasok sa loob ng rest house.

End of Flashback

Mula noong araw na yun, hindi na kami nag-usap. As in never, nahihiya narin kasi akong kausapin pa siya. Anong akala niya? Joke yung tinanong ko? Fuck her! Mula din noon, hindi na niya ko pinansin o tinapunan manlang ng tingin and so I am too. But what the fuck! What's her problem? Am I a joke to her? Akala ba niya ang dali nong tinanong ko sa kanya? Yes, it's easy to said that time kasi nadala ko ng emotions ko but fuck, did she reject me my offering? Fuck her! She's stupid! Wala siyang karapatan na tanggihan ako!

"Now, you looks like you want to punch someone. You're acting so weird. You know?" parang tangang sabi ni Van. Nainis tuloy lalo ako kasi ayaw ko siyang mag-english.

"Fuck you."

Naisipan ko nalang na umalis ng room at magpunta ng c.r upang maghilamos at umihi narin. Last subject nanaman to at uwian na plus wala ring bantay na teacher pero biglang pumasok yung adviser namin.

"Class, I have a good news, diba 2 weeks nalang at exam day na? I decided na magcome-up ng partners para magreview every lunch, recess, weekends and whatsoever kapag free kayo. Kapag parehas kayo ng partner nyo na nakakuha ng mataas na score sa exam, parehas kayong may plus 3 sa card. Nakapaskil sa likod yung partners. Goodbye," dire-diretsong sabi ni maam at walang pakundangang lumabas ng room.Bakit ba ang hilig niya magpartner? Wala naman magandang naitutulong yun kundi umasa sa kapartner just like me. Tss.

Atsaka ano yun? Taeng tae lang at nagmamadali? Tss at anong good news don. Mabuti sana kung kapartner ko si president para narin may dahilan upang mag-usap kami. Fuck! Bakit ba kasi lagi nalang siya ang naiisip ko eh siya nga, she doesn't care about me.

"Bes partner mo si president," parang nang-aasar na sabi sakin ni Karla.

"What?" parang nabibinging tanong ko. Oh I didn't careful of what I wish for. Fuck!

"Partner mo si Cheska, yung president ng school natin," natatawang ulit nito.

What the fuck! Really?

Gulat ko lang siyang pinagkatitigan at kusang hinanap ng mga mata ko si president. Nainis ako dahil hindi ko ito makita. Sa pagkakaalam ko nasa unahan ko lang yun kanina.

Where is she?

"Nakaalis na," sagot naman ni Karla kahit na hindi ko tinatanong.

Did president know that we're partners? Kaya ba siya umalis dahil ayaw niyang kapartner ako? Fine! Akala niya siguro gusto ko siyang kapartner. Hindi ko naman kawalan yung 3 points sa card. Tss.

"I'll go home na, see you tomorrow bitches," paalam ko sa dalawa at hindi sila tinapunan ng tingin.

I texted Ben na daanan nalang ako sa coffee shop na kaharap ng school dahil sabi niya kaninang umaga, baka malate siya ng uwi. Pinapauna na nga ako pero parang ayoko pa.

Naglakad na akong papuntang coffee shop at ng makapasok ako nag-order ako ng chocolate ice cream and chocolate cake. Umupo na ko sa dating pwesto ko at mabuti nalang at walang nakaupo dito dahil crowded na ito ngayon. Uwian na kasi, hindi katulad nong last na punta ko, sobrang aga pa. Hindi nagtagal ay dumating narin yung order ko at sinimulan ko na agad itong kainin. Kapag kasi may problema ako, mas prefer kong kumain ng matatamis pampalubag ng loob.

"Kamusta kana iha?" Nagulat ako dahil bigla nalang may umimik.

"You?" gulat kong tanong sa matanda na kumausap sakin last time at tinawanan lang ako nito. Ang weird niya talaga.

"Ako nga iha, kumusta kana? Hindi ka ata napapagawi dito nitong nagdaan." Napakamot ako sa ulo dahil feeling close si lolo. Sa totoo lang, ayokong kumausap ng stranger pero dahil magaan ang loob ko sa kanya, sige na nga.

"Madami po kasi akong ginagawa," pagdadahilan ko nalang. Naisip ko na, lagi ba siyang nandito? Ang creepy tuloy dahil bakit alam niyang ngayon lang ulit ako pumunta dito.

"Ah ganoon ba, kumusta ang dad mo?" kinabahan ako dahil sa tanong niya. Titig na titig kasi ito sa akin na parang interesadong-interesado sa bawat buka ng bibig ko plus kinamusta niya pa si dad.

"K-kilala nyo po si d-dad?" nauutal na tanong ko.

"Oo, hindi ba ako nakukwento ako ng dad mo sa inyo?" nakangising tanong nito sa akin. Kinilabutan tuloy ako.

"Sino po ba k-kayo?"

"Sige, iha mauuna ako at may kailangan pa akong gawin." Uminit ang ulo ko dahil sa sinabi niya kaya tumayo ako at pinigilan siya.

"Wait!" Halos lahat ng tao tuloy ngayon sa coffee shop nakatingin sa akin kaya umupo na ako dahil sa hiya tutal malayo narin ang nalakad ng matanda.

What's wrong with him?

Nacurious tuloy ako sa inasta niya. He knows me and he knows dad as well. It means, he knows our family. He knows that I'm a bastard as fuck.

Lalo tuloy akong kinabahan.

Who is he?

Kailangan tong malaman ni dad but I'm afraid to tell him dahil baka pagalitan niya ako pero siya lang ang makakasagot kung sino ba talaga yung matandang yun. I need to tell it also kay ate baka she know something.

Dali-dali kong kinuha ang cellphone ko to contact our driver na unahin na akong sunduin at sinabi ko rin na andito na ako sa coffee shop.

Hindi nagtagal ay dumating narin yung driver namin at pinuntahan pa ako sa loob ng coffee shop. Sumunod na ako rito para makauwi narin kami pero nahagip ng mga mata ko sa president kaya nilingon ko ito para makasigurong siya nga yun.

Fuck! She's with Gerome again. Bakit ba lagi nalang silang magkasama? Boyfriend niya ba talaga yun?

Napansin niya sigurong may nakatingin sa kanya kaya nilingon niya ako for the first time mula nong birthday ni ate. Hindi siya nagulat ng makita ako at walang emosyon lang siyang nakatingin sa akin. Mabilis niya lang akong tiningnan at saka humarap na ulit kay Gerome at itinuloy ang masayang pag-uusap. Inalis ko na ang tingin sa kanila dahil parang naninikip ang dibdib ko at parang may bumabara sa lalamunan ko.

Fuck! what's happening to me? Can anyone explain it to me?

---

Thank you for reading❤❤❤

Down Side Up (GxG Story: Completed)Where stories live. Discover now