Chapter 7: Secret

2K 51 0
                                    

Leah's P.O.V

"Hey ano na? Ano ng gagawin natin? Anong sasabihin?" tanong ko kay president.

Kakatapos lang kasi naming mag-lunch nila Van at Karla. Naisip ko kasing after naming kumain mag-meet kami ni president. Syempre sharing yun kahit papaano ayaw kong mapahiya. Tss.

"Pwede ba huminahon ka madami pa tayong time," kalmadong sabi nito sa akin. Kami na kasi ang last na magpe-present. Si kumag hindi kasi ngangayon lang pumasok.

"Ano na nga? Anong tanong? Time is gold," sabi ko sabay irap dito kaya napairap din siya sakin. Bitch.

"Hindi ko alam?" patanong na sagot nito sa akin at mukhang nagtitimpi narin.

Ako pa? Tss.

Hindi nalang muna ako sumagot at umupo. Nasa canteen parin kasi kami pero kakaonti nalang ang tao dahil 30 minutes nalang next class na.

Ano kayang magandang i-share?

Wala akong maisip!

"Our weakness," out of nowhere na sabi ni president.

"What?" nagtataka kong tanong dito kasi hindi ko magets.

Bumulong ito sa akin na ikinalaki ng mata ko.

---

"Tara tayo na," sabi sakin ni president. Matapos kasi kaming mag-usap ay nagdesisyon kaming tabi nalang sa bleacher tutal kami ang last para matapos na agad. Hahaha.

Hindi naman ako kinakabahan kasi sanay na akong humarap sa madaming tao pero biglang hinawakan ni president ang kamay kanang kamay ko na ikinagbigla ko at inakay ako pababa.

Fuck this feeling!

Hindi ko alam pero may naramdaman akong kakaiba. Ang weird talaga kapag kasama siya. Lahat na ata ng tao dito weird. Tss.

Pagkababa namin nakatingin sila saming lahat at hinihintay kaming mag-salita. Binitawan na rin ako ni president.

Thank God!

Tumingin ako kila Van at para silang timang na tinatawanan ako pero sinisiko ni Karla si Van. Bitch!

"Good afternoon everyone. Ang napili naming tanong ay ang aming weakness," panimula ni president.

"Oh ako muna," sabat ko at nagtawanan sila. What's funny? Hindi ko nalang sila pinansin at napairap nalang ako.

"President told me about her weakness. At first I don't believe it because we have the same answer," pagpapatuloy ko at tumingin kay president. Nagulat ako dahil nakatingin siya sakin ng seryoso.

Is she killing me in her head?

"Our weakness is our secret," sabi naman ni president habang nakatingin parin sakin ng seryoso kaya napalunok ako. Hindi nagtagal ay humarap na siya sa kanila kaya nakahinga na ko kahit papano ng maayos.

"Because our secret is so confidential and we don't trust anyone easily. Only few people," sabay naming sabi ni president kaya napangiti ako. Napa-oh naman yung iba kong mga kaklase at nagbulungan. Yung sakin pakinig ko okay lang pero kay president na bakit daw walang tiwala eh dapat nagtitiwala daw kasi president siya sa school at maraming tumatangkilik sa kanya.

For me, tama lang na secretive si president kasi bukod sa hindi ko alam ang buhay niya eh baka kapag madami siyang pagkatiwalaan baka abusuhin ang kanyang pagiging president. Mahirap na, napaka-user ngayon ng mga tao. Tss.

I didn't expect that too. May pagkamysterious din pala siya.

For me, ang pagiging bastard lang naman ang sekreto ko. I love my father yun lang naman ang hinihingi niya. Darating din daw kasi ang right time para maipakilala niya kami bilang anak niya. Pathetic!

Down Side Up (GxG Story: Completed)Where stories live. Discover now