Chapter 37: Numb?

1.2K 66 4
                                    

Leah's P.O.V

"Mauna na kayo. I need something to do," sabi ko sa magpinsang bitches.

"Hay nako, ayan ka nanaman sa mauna na kayo pero okay. Bahala ka. Ingat ka nalang," maarteng paalam ni Karla at may pag-irap pa.

"Oo nga, tanga talaga yan. Hindi na sumasabay satin porket may ano na," dagdag pa ni Van.

Nagmake face nalang ako sa kanilang dalawa dahil baka kung ano pa ang magawa ko.

"Sige na, bye. Ingat kayo bitches!"

Nang makaalis na ang dalawa, I prepare my things dahil dadaanan ko pa si president sa student council room. Kahit na maghapon kaming hindi nagpansinan, syempre ibaba ko na ngayon ang pride ko.  Nakakaawa naman dahil wala siyang mapupuntahan. Isa pa, kukuha ako ng timing pagkauwi namin about kung binully ko nga ba siya dati.

Nang matapos ako mag-ayos, nagpunta na ko don dahil napag-usapan rin kasi namin kahapon na don ko siya dadaanan. Kumontra siya nong una but syempre, I win.

Why I'm feeling excited? Dapat nga magalit ako sa kanya o mainis dahil don sa Gerome na yun pero naisip ko na, bakit ako magagalit o maiinis? Ang weird lang pero yun talaga yung nararamdaman ko. Fuck!

Huminga muna ako ng malalim bago seryosong pumasok sa room ng walang katok-katok. Hays, buti nalang walang tao.

Tumingin siya sakin pero binalik ulit ang tingin sa papel. Halatang marami siyang ginagawa. Absent ba naman ng halos limang araw. Tss.

"Let's go na," aya ko rito dahil mukhang walang balak umalis. Hindi naman siya nagsalita at saka inilagay ang mga gamit sa bag. Buti nalang medyo malaki yung binigay ko sa kanya. Yung dala niya kasi lagayan niya ng damit.

Nang makita kong papatapos na ito, tumalikod na ako at nauna ng maglakad papuntang parking lot. Ramdam ko naman na nakasunod siya kaya ayos lang. Nauna narin akong sumakay bago siya.

"Hello ate peppa and ate Ches!" masiglang bati ni Ben pero napairap lang ako.

"Hi Ben," bati ni president.

"Ate peppa, why you look serious?" Kaysa sagutin siya, kinuha ko nalang ang cellphone at earphone ko upang magmusic. Mukhang hyper kasi ngayon si Ben mang-asar, wala kong oras para makipagpikunan sa kanya. Pinikit ko nalang din ang mata ko dahil pakiramdam ko sobra kong napagod ngayong araw kahit na tumunganga lang ako.

----

"Ate peppa, we're here."

Hays, nakatulog pala ako. Pagmulat ko, hinanap agad ng mga mata ko si president pero ang walang hiya, nauna ng bumaba. Ang kapal ng mukha!

"Ate peppa you're so panget, wag mang bumusangot."

"Shut up," suway ko dito at mabilis ng bumaba upang habulin si president pero nong malapit na ako, nagdahan dahan ako then I faked a cough.

"Let's talk later," seryosong bulong ko sa kanya saka siya nilampasan at diretsong pumunta sa kwarto ko upang magbihis.

Lumipas ang kalhating oras, wala paring president na pumapasok sa kwarto ko.

Really? Ako pa talaga ang papupuntahin niya? Fuck!

Napairap nalang ako at pinuntahan siya sa kwarto. Nakakainis man dahil nakauniform pa siya pero nakahiga na sa kama eh nakaramdam parin ako ng awa.

She’s really exhausted huh?

Pinagmasdan ko nalamang ito at mabuti nalang dahil nawawala na yung peklat niya sa pisngi.

I think, mamaya ko nalang siya gigisingin kapag kakain na? Pero dahil wala naman akong gagawin, I’ll stay here.

---

Down Side Up (GxG Story: Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon