Chapter 10: Blackmail

1.6K 40 0
                                    

Leah's P.O.V

"Uy Bes why are you absent yesterday?" tanong ni Van sakin.

"Kaya nga," sang-ayon ni Karla sa tanong ni Van.

"Sinundo namin si mom," tipid na sagot ko.

"Nasaan ang pasalubong?" nagniningning na mga matang tanong ni Karla at tumango-tango naman si Van.

Takaw talaga!

"Wala!" masungit na sagot ko.

"Damot!" sabay nilang sabi kaya napangiti ako.

Bahala sila!

Luminga-linga ako dahil wala pa si president dito sa room.

Lagi naman siyang wala agad at laging late kapag umaga.

"What did I missed yesterday?"

"Wala naman nagdesign lang kami ng title page sa portfolio at pinasa yung reaction paper. Don't worry nagpasa yung partner mo," natatawang sabi ni Karla.

"Eh bakit natatawa ka?"

"Pinaliwanag kasi yung pinanood at kung anong lesson ganon. Unexpected yung sa inyo."

Yeah right! Nakaramdam tuloy ako ng hiya. Bakit kasi yun pa ang pinanood namin.

Tiningnan ko si kumag nasa unahan kasi siya sa left side malapit sa bintana at nakaub-ob lang. Tss.

Hindi pa kasi nag-i-start ang first class but it's already 7:26 a.m late siguro si Ma'am Corry Pino teacher namin in Science.

Hindi nagtagal ay dumating narin si president at umupo sa unahan ko. I thought that she will look at me but I'm wrong. She walked straight to her seat ng walang lingon-lingon.

Why she always looked serious?

"Hey," tawag ko kay president.

"Bakit?" sagot naman ni Karla pero nakaub-ob. Tss.

"I'm not talking to you," sarcastic na sagot ko kay Karla.

"Uy Vanessa tawag ka," sabi naman nito sa katabi.

"Why?" parang tangang sagot ni Van habang nakaub-ob din sa mesa pero nakatingin sakin.

Argh umagang-umaga pinapasakit nila ang ulo ko. Humugot ako ng malalim na hininga to calm myself.

"Nevermind," sabi ko and I rolled my eyes at them. Tumawa naman ng palihim si Van kaya pinandilatan ko ito ng mata.

Bakit nga kasi hey ang tinawag ko? My bad.

Napaisip tuloy ako, I'm being a bitch again. Today is our fourth day hindi ko nga talaga kayang maging mabait except to my family of course. Napatawa tuloy ako sa naisip ko.

"I think she's crazy," pabulong na sabi ni Van kay Karla pero pakinig ko. This time nakatunghay na sila. Bitches!

Bubulong sana pabalik si Karla pero dumating na ang aming teacher.

"Goodmorning class," sabi ni Ma'am Pino.

"Goodmorning Ma'am Pino," sabi ng lahat except sakin? Ewan. I don't care. Wala ko sa mood to greet anyone of them.

"Sorry class for being late," paumanhin ni ma'am pero sabi ng iba "okay lang", "wala po yun" at kung ano ano pa. For me, okay lang na late si ma'am tutal school is fake.

"Attendance?" tanong ni ma'am at lumapit si Karla sa unahan at pinapirma si ma'am.

"So Ms. Perez why are you absent yesterday?" The hell she care!

Down Side Up (GxG Story: Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon