Chapter 18: Plan

1.2K 33 1
                                    

Chapter 18

"Today, wala kayong gagawin kundi pumili ng club. Walang minimum at maximum, kayo ang bahala. Goodbye."

"Thank you and Goodbye ma'am Lorna."

"Saan nyo balak sumali?" tanong ni Karla samin ni Van.

Edi as usual.

"Hmm. Do you know na may bagong club?" tanong naman ni Van.

"Oo, malamang. Ini-announce yun," sabi ni Karla sabay irap.

Bahala sila diyan.

"Absent kasi non si Bes."

"Oo nga ano. Alam mo na ba yun? Sa boxing club?"

"Dapat ako ang magsasabi non eh!"

"Nauna na ako. Anong magagawa mo?"

"Pwede ba tumigil kayo. Umagang-umaga nanaman. As if naman na sasali ako don. Don parin ako sa dati," sabat ko.

"President kasi ng club don yung crush mo dati. Ayyyiiieee," asar ni Van at naki-ayyyieee na rin si Karla kaya bakit feeling ko nag-iinit ang mukha ko? Pero hindi ako nagbablush. Never!

"Ala! Namumula siya!"

"Oo nga!"

"Hahaha."

Mga baliw.

"Siya lang naman kasi ang nakakapagpamula kay Bes eh!"

Fuck them! Wala na akong pake don!

"Yyyiieeee sasali na yan!"

Iniwan ko nalang sila dahil nakakainis sila. Mga bwisit!

Nagpunta nalang ako ng c.r dahil naiihi narin naman ako. Sana pagbalik ko, maayos na ang utak nong dalawang iyon.

"Girl saan mo gustong sumali?" - girl number 1.

"Sa music club and dance club but I also want to join in boxing club," parang kinikilig na sagot ni girl number 2.

"Eh! Crush mo lang yung president don eh. Wala ka namang hilig sa sports!" - girl number 1.

"So!" girl number 2.

Buti nalang tapos na akong umihi dahil pati ba naman dito sa c.r kasama parin siya sa mapapakinig ko. Yung bwisit na lalaking yon! Tss. Crush? Baka siya ang may crush sakin.

Lumabas na ako ng c.r at hanggang makalabas ako titingin-tingin sila sakin.

What the heck?!

"I knew it. Andito ka lang." Nagulat ako dahil biglang nagsalita si Van.

"Tumae nanaman siguro," sabat naman nong isa.

"Pwede ba tumahimik muna kayo. Magregister nalang tayo sa sasalihan nating clubs."

"Great idea. Ito kasi," sisi ni Van kay Karla at binundol pa ito.

"Ouch!"

Arrgg mukhang maghapon sasakit ang ulo ko sa kanilang dalawa. Inhale exhale.

"Saan nyo ba balak sumali?" tanong ko.

"Ako balak ko sumali sa swimming club at dance club," sagot ni Karla.

"Ako naman theater club and swimming club din," sagot naman ni Van.

"Ikaw ba/How about you?" sabay na tanong nilang dalawa.

"Just like berore theater club and art club."

"Eh really? Edi may isa tayong same na club," natutuwang pahiwatig ni Van.

"Hindi kana nasanay," natatawang sagot ko.

"O.A yan eh!" sabat naman ni Karla at natatawa narin.

"Pero magboxing club kana rin yyyiieee," dagdag pa ni Karla.

"Wag nyo na ngang ungkatin yun. Please lang. Nakakarindi," sabi ko sabay irap.

"Affected Hahaha," sabay nilang sabi. Napatampal nalang ako sa noo ko.

"Okay, okay, hindi na. Alam ko namang move on kana don hahaha. But you know what? Balita namin sasali don si president," balita ni Karla.

"Eh? Yung babaeng yun? She looks weak. Really weak," natatawang kutya ko kasi totoo naman.

"Siguro sila ni Gerome I think kasi nililigawan siya non last year?" patanong na sagot ni Karla na ikinalaki ng mata ko.

"What?!" hindi makapaniwalang tanong ko.

Ang baba naman ng taste nong lalaking yun. Tsaka si president pa talaga ah. Siguro ginayuma niya si Gerome. Okay, aaminin ko, bagay sila but eww. Basta!

"Selos siya oh hahaha."

"Hell no!"

"Okay as you say so, tara na nga."

Naglibot-libot na kami at yung mga clubs para siyang food stall tapos hihingi ka ng registration form. Hindi nagtagal nakapagregister na kaming lahat.

"What's the plan now?" bored kong tanong. Nakaupo na kami dito sa may mango tree at nagpapahangin. Actually napakaaga pa. Mga 1 hour pa before maglunch.

"Umuwi nalang kaya tayo," suggest ni Van na ikinangiti ko.

"Great idea!" sang-ayon ko.

"Hindi pwede! May rules right?" epal ni Karla pero mas epal si president.

Tss. Buti nalang hindi ko pa yun nakikita mula kanina.

"Eh anong gagawin natin maghapon?"

"Wala."

"Mambully nalang kaya tayo? Dating gawi," nakangiting suggestion ko.

Napabuntong-hininga naman ng malakas yung dalawa.

"Subukan mo at lagot ka kay president," panirang sabi ni Karla.

"As if naman na takot ako. Baka nga siya pa ang takot sakin," pagmamayabang ko. Kasi totoo naman. Weak yung isang yun pero tinawanan lang ako ng walang humpay nong dalawa kong kaibigan. Mga bwisit sa buhay. Kung alam ko lang na ganito na kabored dito sa school na to, hindi na ko dito papasok. I swear!

"Sige nga puntahan mo si president at takutin mo," hamon sakin ni Karla.

"She can't do that hahaha."

"I can," parang nauutal na sabi ko kaya tinawanan nanaman ako nong dalawa. Wtf!

Kung pwede lang mapatalsik siya sa pagiging president. Fuck! Great idea!

"Bes listen, paano matanggal si president sa pagiging president?"

"Are you kidding?" tanong ni Van.

"May isang paraan, yun ay ang makacommit siya ng class C or D. Baka nga ma-expell pa siya eh kapag ginawa niya yun," sabat naman ni Karla.

Nacurious tuloy ako.

"Really ano ba yung class C or D?"

"Nalimutan ko na hehe."

Fuck! Kala ko ba matalino siya!

"Joke lang may isa akong natatandaan yun ay magdala ng dangerous thingy like knife or gun as self protection."

"But huy Bes! Don't do that! Kawawa naman si president."

I don't care. Dapat masaya ang school year na to pero dahil sa mga mahihigpit niyang rules hiindi na sumaya tsaka may atraso pa siya sakin. Dapat lang talaga na hindi siya maging president. I will make sure na bukas na bukas maalis siya sa pwesto.

"You look so creepy."

"I'm serious, kung ano mang binabalak mo, wag mo ng gawin."

---

Thank you for reading❤️❤️❤️

Down Side Up (GxG Story: Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon