Chapter 32: Sick

1.3K 65 88
                                    


Leah's P.O.V

"Hey president, wake up." Nang gisingin ko ito biglang tumunog ang sikmura niya kaya napangiti ako ng palihim. Fuck! May lagnat pa nga pala siya. Ang sama ko!

"Tara na," aya ko dito at inalalayan siya.

Akmang papasok na kami sa loob ng bahay nang bigla itong tumigil.

"Nakakahiya."

"Tss, ngayon ka pa nahiya? Besides, you're not feeling well and for sure gutom na gutom kana hahaha. Ayaw mo namang umuwi so dito ka nalang muna samin. Tamang-tama at Saturday naman bukas."

"Ang daldal mo." Napatawa nalang ako sa sinagot niya at tuluyan na kaming nakapasok ng bahay. Buti nalang at wala si mom dito lalo na si dad. Kami lang na magkakapatid ang nandito pati narin mga kasambahay. Inalalayan ko muna si president na maupo sa sofa bago tawagin si Manang.

"Manang Jolly!" tawag ko upang maipaghanda kami ng makakain at upang utusan na ihanda yung room na pinagtulugan before ni president. Hindi naman nagtagal ay dumating ito. Sinabi ko dito ang mga kailangan niyang gawin at bumalik kay president.

"Hey wag ka muna matulog," kulbit ko dito pero sinamaan niya lang ako ng tingin.

In fairness, nakikita ko na yung different emotions niya! Does it mean na comfortable na siya sakin? Fuck Leah! Anong pag-iisip yan?

"Mukha kang tanga." Kesa magalit, napatawa ako lalo.

"Ang weird mo na talaga." Yeah, I think so.

"So?"

"So so mo." Bigla akong namula sa sinabi niya. Marunong siya magsalita ng ganon? Kanino niya yun natutunan? Natahimik tuloy ako.

"Iha kain na kayo," tawag ni manang. Mabuti nalang dahil naaawkward na ako.

"Tara na?" Akmang aalalayan ko ito pero pinigilan niya ako.

"Kaya ko sarili ko." Edi sige, siya na ang mapride pero bakit kanina nagpaalalay siya? Tinanguan ko nalang siya at naunang pumunta sa dining room. Nauna narin akong kumain dahil kanina parin akong nagugutom. Nang tingnan ko si president.

What the fuck?! Gutom na gutom lang?

Ang bilis kasi nitong kumain o lumamon? Hindi ko nalang siya inintindi dahil baka mahiya siya pero nong tapos na kami saka ko siya tinanong.

"Kelan yung last mong kain?" natatawang tanong ko. Napatungo naman siya.

"Kahapon pa," bigla akong nalungkot at naawa dahil sa sinagot niya. Wala tuloy akong mahugot na salita kaya tinawag ko nalang si manang. Naaawkward narin kasi ulit ako.

"Bakit po?"

"Dalhan niyo sa sa room ng masusuot," sabi ko at tumango naman ito. Nang makaalis si manang bigla siyang nagsalita.

"Bakit mo to ginagawa?" Kinabahan ako sa tinanong niya dahil may idea ako kung bakit pero ayaw kong aminin ito sa sarili ko. Napakagat tuloy ako ng labi at umiwas ng tingin. Fuck! Isip Leah!

"B-bakit ma-masama?!" pabirong tanong ko pero bakit ako nautal! Fuck!

"Hindi naman." Nakahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi niya.

"Eh bakit m-mo ko hi-hi--" Padabog akong tumayo dahil I feel embarrassed sa kung ano mang itatanong niya kahit hindi niya pa natatapos. Fuck! Napalunok nanaman tuloy ako pero hindi ko magawang makatingin sa kanya like kanina.

"Matutulog na ko. Hintayin mo nalang si Manang," mabilis kong sabi sa kanya at dire-diretsong walang lingong pumunta sa kwarto ko. Pagkasara ko ng pinto, napasandal ako dito.

Down Side Up (GxG Story: Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon