Chapter 20: Coward

1K 37 1
                                    


Cheska's P.O.V

"Ms. President I'm disappointed of what happened earlier but I trust you. I know you can't do such things," seryosong pahiwatig ng Mrs. Decal, principal namin.

"Sorry po. Hindi na po mauulit," paumanhin ko.

"Okay, you may go back to your classroom now."

"Thank you po." Aalis na sana ako ng office of the principal nang bigla ako nitong tawagin.

"You can get the toy gun now. I bet your cousin will be happy to see it. Don't ever bring it again," nakangiti ng sabi sakin ng principal kaya nginitian ko rin ito at nagpasalamat ulit saka nagpuntang classroom. Inilagay ko sa bag ko yung toy gun.

Buti nalang kaclose ko si ma'am.

I know that I will be the spot light but I didn't put my head down. I'm confident of what I'm doing. I'm the president and no one should mess me up again. Tama na yung sa bully na yun. Akala niya siguro maiisahan niya ako. Huwag niya rin sabihing hindi siya ang may gawa non sa oras na kausapin ko siya pero wala akong pakielam sa kanya kaya hindi ko siya kakausapin. Matutuwa lang yun kapag nainis ako.

Dapat saktan mo siya. - sabi ng left brain ko.

Hindi. Huwag mo nalang pansinin. Attention seeker lang yun. - sabi naman ng right brain ko.

"Ma'am can I come in?" tanong ko kay Ma'am Corry at sinenyasan lang ako nitong pumasok. Hindi nga ako nagkamali, lahat sila nakatingin sa akin dahil akala nila totoong baril yung hawak ko kanina. Si bully naman nakasmirk lang at parang nangungutya ang tingin pero wala akong pakielam sa nararamdaman niya. After that, nagbulong-bulungan silang lahat pero dahil wala akong pakielam dumiretso na ako sa upuan ko.

"Class quiet and listen to me," nai-stress ng sabi ni ma'am kaya tumigil na sila sa kaingayan. Hays. Mabuti naman.

Kinuha ko nalang yung notebook ko at nagtake down notes.

"What is convergent plate boundary?" biglang tanong ni ma'am.

"Nico? What is convergent plate boundary?" tanong nito dito dahil natutulog siya. Siniko ito ni Bianca pero hindi manlang siya magising kaya nagtawanan ang buong klase maliban siguro sakin dahil wala namang nakakatawa. Mas nakakatawa siguro kung hindi nalang bumalik yung bully na yun. Tiningnan ko si ma'am na mukhang galit na galit na.

"Pakisabi sa kanya pagkagising na bukas na bukas ay irereport niya yung about sa convergent plate boundary." Nag-okay ma'am naman kami bilang tugon sa kanya.

"Pero meron ba sa inyong nakakaalam kung ano ang convergent plate boundary?"

Ako, alam ko pero saka lang ako nasagot kapag walang sumasagot. I gave chance to others.

Hindi naman nagtagal at may tumaas ng kamay. Yun ay si transferee, Elisa nga ba? Yung gustong maging kaibigan yung bully na yun? Wow lang ah. Wow. Anong nakain niya?

"Convergent plate boundary is a tectonic boundary where two plates are moving toward each other," confident na sagot nito habang nakatayo.

"Thank you, Miss?"

"Elisa Hernandez Ma'am," nakangiting sagot nito.

"I'll give additional 2 points for you in our next quiz." Dahil sa sinabi ni ma'am nag-ingay na naman ang klase na ang daya raw, kakainggit, sana all at kung ano ano pa. Hay nako.

"Tyamba," sabi ng nasa likod ko.

Ang yabang. Siya nga walang alam. Nakakainis talaga siya kaya kapag kinakausap niya ako hindi ko nalang siya pinapansin ng husto. Binibigyan ko na nga lang siya ng silent treatment pero siya naman itong lapit ng lapit at ang kulit. Tapos wala naman siyang magandang sasabihin. Buti nalang sanay na ako sa masasakit na salita pero nakakapuno parin minsan eh. Kainis talaga siya.

Down Side Up (GxG Story: Completed)Where stories live. Discover now