Chapter 6

45.9K 1.4K 142
                                    

Fire's POV

Hindi ko alam kung sinasadya ba ni Aria na banggain ako o sadyang talent na niya ang pagiging lampa?

"Next time, mag ingat ka. Baka mamaya hindi na tao ang mabangga mo," I told her bago ko siya iniwan na gulat pa rin ang mukha. Pero bago pa ako makalayo, may bumato sa akin ng sapatos at paglingon ko, isang Aria na nakapameywang ang nakita ko habang nakataas ang kilay.

"And what was that for, Aria?!" I angrily hissed. I tried to control myself dahil baka dito pa kami mag-away na dalawa. Ano ba'ng problema ng babae na 'to?

"Para sa'yo yan, bwisit! Subukan mo rin kasing umiwas sa dinaraanan ko, Fire," sabi niya habang naglalakad palapit sa akin at hinablot ang sapatos niya. Kumalma ka, Fire. 'Wag mong gawing lechon ang babaeng yan. Kagrupo mo yan!

"You are really out of your mind," I said and do a teleportation papunta sa classroom namin. Naiinis kasi ako sa kinikilos ng babaeng 'yon. Don't get me wrong. Hindi ako galit or what kay Aria. Kaya lang, sino ba naman kasi ang hindi maiinis sa ugali niyang 'yon?

Sa bawat klase dito sa Yoso, dalawang grupo ang magkakasama.

"Hey, Fire, nasaan si Aria?" asked by Thea. Hindi ko siya sinagot at umupo na ako sa sarili kong upuan.

"Nag-away na naman kayo. Tama ba?" tanong ni Kai. Buti pa ang isang 'to, nakakatiis sa ugali ng Aria na 'yon. Gaya nang ginawa ko kay Thea, hindi ko rin siya sinagot.

"Fire, kailangan tayo ni Aria. Paano mo siya matutulungan kung lagi kayong nag-aaway na dalawa?" Bakit ba ako ang pinagsasabihan nito? Bakit hindi si Aria ang sabihan niya? Wala naman akong ginagawang masama sa babae na 'yon para mag-inarte siya ng gano'n.

"Nandito na pala siya e," sabi ni Thea at sabay kaming napalingon sa pinto at nando'n na nga si Aria kasama 'yong lalaking kasama niya kanina.

"Aria, Tyrone!" sigaw ni Thea. Ang arrangement ng upuan ay apat sa unahan at apat din sa likod. May sarili din kaming table. Nahahati sa dalawang side. To make it short, makakatabi ko si Aria dahil tabi sina Kai at Thea and this is not a good thing.

"Kai, palit tayo ng upuan," I said bago pa makarating si Aria sa upuan niya though hindi naman talaga kami magkatabi kasi medyo malayo din ang table niya.

"D'yan ka na. Nailagay ko na sa drawers ng table ko ang mga gamit ko e. Please lang, Fire. Be nice to Aria." Be nice?! Bakit? Hindi pa ba ako nice sa lagay na 'to?! Kung hindi ako nice, baka kanina ko pa ginawang barbeque ang babae na 'yan.

"I said, be nice to her. Kung ano-ano na naman 'yang iniisip mo. 'Wag mo ngang isipin na gagawin mo siyang barbeque. Kinikilabutan ako," sabi ni Kai. Nakakabasa nga pala ng isip ang isang 'to. Tsk! Dumating na rin ang ibang kagrupo ni Tyrone and finally, dumating na si Ciero, head ng Water Kingdom. So, it means na about water muna ang pag-aaralan namin.

"Good morning, elemental people! So kumusta ang first night ninyo dito sa Yoso? As much as possible, we want to make you feel at home kaya ang mga silid ninyo ay parang isang bahay ang laki," he said.

"Bago tayo magsimula, magpakilala muna ang isang grupo. Hindi na kailangang magpakilala nina Thea dahil naipakilala na sila kagabi ni Heiro." Tumayo 'yong apat at isa-isa silang nagpakilala.

"I am Tyrone. Isa sa Air people. Like Aria, I also came from human world." Napatingin ako kay Aria at nakatitig lang siya kay Tyrone. Pakiramdam ko ay may gusto siya sa lalaking 'yan. Paano ay hindi na niya maialis ang paningin niya kay Tyrone. Tsk! Malala ang babaeng 'to. Masyadong halata.

"Hi, guys! I am Ela. I belong to earth kingdom. Well, I also came from human world," she said. Maganda siya. Green ang mata katulad ng mata ni Kai. Kapag galing ba sa mundo ng mga tao, ganyan ang suot?

Elemental Kingdoms: The Rule Breakers (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon