Thanks Giving

27.1K 777 153
                                    

(Note: Kung babasahin mo pa rin ito, ikaw na talaga! I love you! *hug you so tight* Hahaha)

Miss Ai is feeling ultra mega super kaduper happy! Hahahaha!

Okay. Wait lang. Hindi ko alam kung paano ako magpapasalamat. Dapat ba ay tumambling ako para mafeel niyo na talagang thankful ako? Hahaha!

Seryoso na nga. Una sa lahat, THANK YOU. Hindi ko talaga alam kung paano ko ieexpress ang deepest gratitude ko kasi hanggang dito sa dulo ay sinuportahan ninyo ang kwento nina Fire, Aria, Kai at Thea.

Itong kwentong ito ang unang fantasy story na ginawa ko. Hindi ko nga naisip na ganito ang magiging takbo nito. Hindi ko rin inakala na maraming susuporta, magkakagusto, aabang at talagang magagandahan sa kwentong 'to. As in hindi. Hindi sumagi sa neurons ko.

So here, I just want you to know that I am really thankful to have a reader like you (if you are still reading this part). You just don't know how happy I am that you have been a part of my writing journey. You just don't know how blessed I am to have you who recognized and appreciated this story.

Aaminin ko na noong una, wala lang 'to. Hindi ko siniseryoso. Hindi naman kasi talaga ako writer. Wala akong experience sa pagsusulat pero sinubukan ko. Sinubukan ko lang hanggang sa bawat chapter na sinusulat ko, parang apektado na rin ako. Minahal ko ang kwento at pati na rin ang characters ko. Feeling ko ako 'yong klase ng tao na sa una ay hindi seryoso pero kalaunan, nadevelop ako parang sa love lang. Hahaha!

Sabi ko nga: Everything that has been started will surely have its end. Ito na 'yon. Akala ko rin, aabutin ako ng dekada para isulat 'to but thankfully, it just took me five months. Hahaha! Thankful ako sa inyo na nakasama ko hanggang dito sa pinaka-last na part na 'to. Sabi ko nga rin sa sarili ko, writing a story is like riding in a bus. Sa umpisa, marami kang kasama hanggang sa unti-unti ay nawawala na sila. Hindi mo sila pwedeng pigilan na bumaba kung gusto nila. Pero ang mahalaga,may kasama ka pa rin hanggang sa dulo. Hanggang sa makarating ka sa gusto mong puntahan. Kahit kayo na lang ng driver ang matira, keri na 'yon at least, may kasama ka pa rin.

Hindi ako nalulungkot kung may iba na sa umpisa lang nagka-interes na basahin ang kwentong ito. Thankful ako kasi kahit paano, naglaan sila ng oras na subukang basahin 'to. Thankful pa rin ako sa kanila kasi part pa rin sila ng journey nitong Elemental Kingdoms.

Pero... MAS THANKFUL AKO SA INYO NA UMABOT HANGGANG DITO SA DULO. Hahaha! Seriously, thank you. Hindi ko nga alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman. I should be happy, right? Kasi napatunayan ko sa sarili ko na kaya kong gumawa ng isang kwentong mula sa baliw kong neurons pero worth it naman basahin. (I hope so)

Salamat sa pagdating mo sa Elemental Kingdoms. You'll always be a part of this story no matter what happens. :)

So this is it. The end of this story has come but I do hope na hindi rito nagtatapos 'yong impact ng kwento sa inyo. Hopefully ay may natutunan kayo. Hopefully, minahal ninyo sina Aria. Kahit pa baliw-baliw lang ang takbo ng kwento, sana napasaya nila kayo. Sana naramdaman ninyo sila.

Sa mga kinilig, sa mga napamura, sa mga nainis, sa mga naloka at kung ano-ano pang naramdaman ninyo thru out the whole reading experience of Elemental Kingdoms, ikinagagalak ng kaluluwa ko 'yan. Lahat ng nagiging reaksyon ninyo, lahat ng naramdaman ninyo. Sa mga nasaktan sa mga pinagdaanan nina Fire at Aria. Sa mga gustong pumatay kay Hera at Valgemon. Super thank you! Haha :)

So ayun. Paano ba 'to? Mamimiss ko kayong lahat. Mamimiss ko ang pagwawala ninyo sa comment box sa bawat update na pinopost ko. Mamimiss ko talaga 'to. Wala e. Ito kasi ang unang story ko na talagang maraming tumangkilik. Na kahit isa lang akong baguhan ay na-appreciate agad itong sinusulat ko na 'to.

Sa mga silent readers na biglang napapa-comment, sa mga nagvote, sa mga active readers na talagang nagcocomment kada chapter, sa mga nagpopost sa MB ko, sa mga nagmemessage sa akin, sa mga nag-add sa akin sa Facebook, sa member ng Yoso Academy group, maraming salamat sa inyo. Sana, kahit tapos na 'to ay mapanatili natin 'yong friendship na nabuo natin dito. Sana kausapin niyo pa rin ako. Hahaha! :)

This might be the end of Elemental Kingdoms but bear in mind that in every ending, there's a new beginning.

About the book 2, hindi ko pa alam. Pinag-iisipan ko pa. Kung sakaling meron, I'll announce it here so sa mga naghahangad ng Book 2, 'wag niyo munang alisin 'to sa library ninyo para ma-update ko kayo. :)

But for now, let's close this book of Elemental Kingdoms. (Chos lang! Feeling libro e 'no? HAHAHAHA)

Cheers for the success of this story. Cheers for OUR success, EK readers.

From the bottom of my thankful heart, THANK YOU.

Miss Ai

Elemental Kingdoms: The Rule Breakers (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon