Chapter 1

110K 2.4K 523
                                    

Aria's POV

"Aria!" Ay pusang gala! Muntik na akong mahulog sa makitid kong kama nang pakiramdam ko ay nasira ang eardrum ko. Sino ba 'yong sumisigaw? Ang aga-aga pa.

"Ariaaa!" Ay leche! Itinakip ko ang unan sa mukha ko.

Si Mama ba 'yon? Bakit parang nakalulon ng microphone ang Nanay ko? Ignore her, Aria. Matulog ka pa.

Hindi ko pinansin ang nagwawala kong nanay. Ang sarap pa kasi ng tulog ko. Besides, nag-di-date na kami ng Prince Charming kong si Jonathan sa panaginip ko with matching fireworks sa isang napakagandang park tapos luluhod siya at may hawak na singsing at aalukin ako ng isang bonggang kasal. Ay! Panaginip pa ba 'yan, Aria o binabangungot ka na? Ambisyosang palaka ka talaga!

"Aria, Anak. Gising na." Ang Nanay ko na yata ang pinakamakulit na nanay sa mundo. Mahirap ba'ng intindihin na napuyat ako kagabi kakalaro ng Dota tapos ngayon, ang aga-aga niya pa akong gigisingin? Ma naman! Hindi na makatarungan 'yang ginagawa mo!

"Mamaya na po, Maaaaaa," pag-iinarte ko at saka ako nagtalukbong ng kumot. Ayaw kong imulat ang mga mata ko kasi hindi na ako titigilan ni Mama kapag gano'n.

"You have to wake up, Aria." Aba! Nagsalita ng english ang nanay ko?! Pero teka, bakit nag-iba yata ang boses niya?

"Ma, kung sa tingin niyo po ay babangon ako kasi nag-english kayo, sorry po pero inaantok pa talaga ako. Mamaya na ako babangon, Ma. One hour na lang." Hindi ko na narinig na nagsalita pa si Mama. Siguro ay sumuko na rin siya sa kagustuhan niyang gisingin ang natutulog kong kaluluwa. Ang galing mo talaga, Aria!

Pero ang weird lang. Bakit parang may naririnig akong nag-uusap sa loob ng kwarto ko? Sigurado akong si Mama 'yong isa. E sino 'yong kausap niya? Wala naman akong matandaan na kasama namin sa bahay. Dalawa lang kami ng nanay ko rito kaya imposible namang may iba kaming kasama.

"Hayaan na po muna natin siyang matulog."

"Pero Gale, kailangan na nating maipaliwanag sa kaniya 'yong dapat niyang malaman. Mahabang paliwanagan ang mangyayari. Knowing her, hindi agad siya maniniwala sa sasabihin natin sa kaniya. Kilala ko ang anak ko. Baka tumambling muna siya bago siya maniwala sa mga sasabihin natin sa kaniya." Alam kong boses ni Mama 'yon at lalo kong nakumpirma na siya nga iyon dahil umaarangkada na naman ang kabaliwang namana ko sa kanya. Jusmiyo! Totoo ba ito o nasa dream land pa rin ako?

Kahit gustong-gusto ko nang tanggalin 'yong kumot sa mukha ko ay hindi ko ginawa. Paano kung nananaginip lang ako tapos nandiyan si Mama at hinihintay lang pala akong magising? Edi epic fail ang drama kong antok.

"Ayos lang po. Wala naman po siyang ibang pagpipilian kung hindi tanggapin ang totoo." Hanudaw? Bakit ba wala ako sa panaginip ko? Nakakaloka na 'to!

"Alam ko pong nalulungkot kayo kasi ngayon na ang ikalabing-walong kaarawan ni Aria." Ano? 18th birthday ko na? Wow, Aria! Ano 'yan? Sarili mong birthday, hindi mo maalala? E bakit naman daw malulungkot si Mama? Dahil ba ganap na ang pagkadalaga ko at pwede na akong mag boyfriend? Nako naman! Mama, si Matteo Doo lang po ang magiging ama ng mga anak ko. Hangga't hindi niya ako nililigawan, hindi po ako magboboyfriend! Itaga mo po 'yan sa bato! Pero syempre, joke lang. May Jonathan na ako, Mama!

"Nalulungkot ako kasi mawawala na ang anak ko sa akin." Parang bigla kong naramdaman ang lungkot sa boses ni Mama. Feeling ko may mangyayari ngayon na hindi ko alam. Pakiramdam ko may kakaiba. Ang feeler mo talaga, Aria.

"Pero 'yon po ang kinakailangan para na rin po sa kaligtasan ni Aria." Teka nga, ano ba 'to? Panaginip pa rin ba 'to o totoo na? Kaligtasan ko? Bakit? Nasa panganib ba ako? May dumating bang mga Alien para i-abduct ako?

Elemental Kingdoms: The Rule Breakers (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon