Chapter 19

43.2K 1.4K 171
                                    

Aria's POV

May mga pagkakataon sa buhay natin na nagugulat tayo. Sows! 'Di ba? Totoo naman talaga? Minsan nga may mga epal na bigla na lang susulpot sa harapan mo habang galak na galak ang kaluluwa mo sa pag-space out, 'di ba? May iba naman na bigla na lang may sasabihin na siyang magiging dahilan para magmistulang biglang tumigil ang mundo mo.

Parang si Fire lang.

Okay. It's been a week simula noong naganap ang question and answer portion namin. Guess what?! Parang wala lang epekto sa kaniya ang nangyari na 'yon. Ang sarap sanang maghagis ng granada sa kwarto niya e pero naisip ko na baka nantitrip lang talaga ang loko. Paano ay bigla na lang siyang nag-good night pagkatapos niyang sabihin 'yong mga salita na, paano kung oo? Ano'ng gagawin mo? Ay leche! Alam niyo ba na bigla na lang akong natulala no'n? Pakiramdam ko ay bigla akong naubusan ng dugo. Kung hindi pa lumabas si Kai, baka hanggang umaga ay nakatayo lang ako sa pwesto ko at nakatulala. Pero ayon na nga, gaya nga nang sinabi ko, nantrip lang ang hinayupak na 'yon kasi kinaumagahan, back to normal ang lahat. Ako lang yata ang hindi. Susmarya Aria! Move on!

"Okay ba Aria?" tanong ni Tyrone. Nako patay! Kanina pa yata nagsasalita ang isang 'to tapos wala man lang akong naintindihan. O mas tamang sabihin na hindi man lang ako nakinig.

"Ano ba 'yang ginagawa mo?" I asked. E kasi naman, may pamaypay siyang hawak. Ewan ko ba kung saan niya gagamitin 'yan e hangin na nga ang power namin!

"This is a Fan." Ay ang taray! Iniisip mo yata Ty na isang kotse ang tingin ko diyan e 'no?

"Hindi mo ba narinig 'yong sinabi ni Heiro kahapon? Gagawa tayo ng mga weapons na pwedeng gamitin ng ibang elemental people since hindi nila kayang gamitin ang power natin naturally." Ay ang bongga! May sinabi pala si Heiro? Bakit 'di ko alam? Nako! Mag-momove on na talaga ako! Hindi na makatarungan ang ginagawa mong pag-invade sa mga neurons ko, Fire! Langya ka!

"Syempre alam ko 'yon. So 'yan na ang nagawa mo?" Kunwari alam ko talaga. Ayaw ko namang magmukhang shunga sa harapan ng gwapong nilalang na 'to.

"Hindi ko pa tapos ito. Besides, iprepresent pa 'to kay Heiro. 'Yong plan palang ang tinatapos ko." Siguro may pagka-nerd itong si Tyrone. Masyadong seryoso sa pag-aaral.

"Nako! Ako nga, wala pa! Paano na kaya ito?" I complained. Nandito kami ngayon sa classroom. As much as possible, hindi ko pinapansin si Fire. Aba! Asa siya na pansinin ko siya diba?

"Battle na ng Third year!" sigaw ng isang babae na naligaw sa classroom namin. Bigla namang lumabas sina Ela, Kai, Laydon, at Thea. Ano'ng meron? Battle ng third year?

"Gusto mong manood?" Napalingon ako sa nagsalita. It's Fire. He's asking Nuraya. O ano? Akala niyo ako ang tinanong niya? Asa pa tayo!

"Sure!" Nuraya answered. Simula noong nakabalik kami dito galing sa maze, nagkaroon na ng emosyon si Nuraya. Mukhang may gusto siya kay Fire. At pagkatapos din ng nakakaleche na pag-uusap namin ni Fire that night, lagi na niyang pinapansin si Nuraya. Sabagay, bagay talaga silang dalawa. 'Yong tipong tingin palang nila sa isa't-isa ay mukha na silang may iniihaw? Dalawa na lang kami ni Tyrone na naiwan dito.

"Ty, why don't we watch? First battle ito na mapapanood natin dito," I told him. He smiled at me tapos itinago na niya sa drawer ng table niya 'yong weapon na ginagawa niya.

"Tara," he said and we went out of the room. Habang naglalakad kami, may mga air people kaming nasasalubong at aba naman, mabenta si Tyrone sa kanila. Jusme! Ang aarte! Bigwasan ko kaya kayo isa-isa?!

"Bakit ka nakasimangot diyan?" Tyrone asked. Automatic na yatang nalulukot ang mukha ko kapag may nakikita akong maarte. Pakiramdam ko ay gusto kong manapak.

Elemental Kingdoms: The Rule Breakers (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon