Chapter 24

35.9K 1.2K 180
                                    


Fire's POV

Magaling ako pagdating sa pagkontrol ng galit ko. Hindi ko pinapansin ang mga bagay na alam kong ikaiinis ko lang. Pero ibang usapan na ngayon.

Bwisit! Kanina pa ako naiinis sa lalaking kaharap namin ni Aria na ngiti nang ngiti ng nakakaloko.

"Grabe ka naman magsalita, Fire. Papatayin mo ba ako kapag niligawan ko si Prinsesa Aria?" he asked while grinning. E kung sipain ko kaya 'to pabalik sa pinagmulan niya?!

"Aria, tara na." Hinila ko ulit si Aria papunta sa Elemental Head's Office.

"Sandali lang, Fire! 'Wag mo naman akong kaladkarin," she said. Oo nga pala. Nakasuot nga pala siya ng mga karaniwan na isinusuot ng mga elemental people. Ang totoo niyan ay lalong gumanda si Aria sa paningin ko noong lumabas siya sa kwarto niya at ganito ang suot. Ano ba 'yang sinasabi mo, Fire?! Anong lalong gumanda sa paningin mo? Hibang ka na ba?

"Bilisan mo kasi'ng maglakad!" I said. Medyo nainis na naman siya sa akin kaya tumigil siya sa paglalakad and she crosses her arms in front of her chest.

"Ano ba'ng sapak mo ngayon, Fire? Kung mang-iinis ka lang din naman ay babalik na lang ako sa dorm!" she turned her back to me at nag-umpisa na siyang maglakad palayo sa akin. Kahit kailan talaga, ang sakit niya sa ulo!

"Aria, sandali!" Hinabol ko siya at agad na hinawakan ko ang kamay niya at iniharap ko siya sa akin. Kaya lang ay may isang hindi inaasahan na nangyari.

Paghila ko sakaniya ay na-out of balance siya at tuluyan siyang bumagsak sa akin.

"Aray ko! Putspa naman, Fire! Ano ba'ng nasinghot mong leche ka?!" she angrily muttered before she stand.

"Ikaw naman kasi ang may kasalanan. Sinabi ko na sa iyo na pupunta tayo kay Heiro." Dahil sa naiirita na rin ako, hinawakan ko ang kamay niya at nagteleport ako papunta sa Elemental Head's Office.

"Baliw ka ba, Fire?! Alam mo naman na bawal gamitin ang kapangyarihan nang walang sapat na dahilan tapos feel na feel mo pa ang magteleport at talagang idadamay mo pa ako?! Kung hindi ka ba naman----" Hindi na niya naituloy ang sasabihin niya dahil tinakpan ko ang bibig niya gamit ang kamay ko.

"Ang daldal mo. Nakakarindi na," I said before I knocked on the door.

"Oh, Fire! Ano'ng ginagawa ninyo dito?" Heiro said as soon as he opened the door. Siya lang ang tao sa loob. Siya kasi ang huling umaalis dito.

"May sasabihin lang sana ako," I said pero bigla akong nainis nang dumating si Zep.

"Pa!" he happily shouted. Bwisit! Pigilan ninyo ako dahil baka bigla na lang magliyab ang isang 'to.

"O, Zep. Ano'ng ginagawa mo dito? 'Di ba sabi mo ay pupuntahan mo si Aria?" Heiro muttered. Talaga palang sinabi niya sa anak niya na puntahan si Aria? Aba, ayos kayong mag-ama ah!

"Kaya nga po ako nandito, Pa kasi nandito si Prinsesa Aria," Zep said that makes my blood to boil. Talagang iniinis ako ng isang 'to.

"Gano'n ba? E ikaw naman Fire? Bakit ka nandito? At bakit kasama mo rin si Aria?" Heiro asked. Noong lumingon ako kay Aria ay parang wala lang siyang pakielam sa nangyayari. Ano ka ba, Aria! Wala ka man lang bang reaksyon diyan?

"Sigurado ba kayo na si Zephyrus ang magiging trainer ni Aria? Wala na bang iba?" I asked. Dito sa mundo namin ay may mga elemental people na sikat sa ibat-ibang larangan. At si Zephyrus ay kilala sa Kaze Kingdom bilang babaero.

"Fire, may problema ka ba kay Zephyrus?" tanong ni Heiro. Alam naman niya ang ugali ng anak niya kaya bakit pa siya nagtatanong?

"Fire, bakit ba ayaw mo na ako ang magtuturo kay Aria? May problema ka ba sa akin?" asked by Zep. Talagang nagtanong pa ang hayop na 'to!

Elemental Kingdoms: The Rule Breakers (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon