Chapter 50

23.9K 823 32
                                    

Aria's POV

Hindi pa rin ako maka-move on sa nangyari kanina. Hindi ko na alam kung ano ba ang unang iisipin ko. 'Yong katotohanan ba na hindi pala ang itim na aura ni Shebah kundi ang makulay na presensya pala ni Hera ang isang linggong kasama namin o 'yong masakit sa dibdib at puso na balitang patay na si Heiro?

"Aria, are you okay?" Itinayo ako ni Fire mula sa pagkakasalampak ko sa sahig. Hindi ko pa rin magawa ang magsalita. Feeling ko ay nalunok ko na yata ang dila ko. Bigla kaming napalingon sa pinto noong pumasok doon si Mama.

"Aria! Ano'ng nangyari? Omygahd! Ano'ng nangyari dito?! Bakit nasira ang bahay natin?!" sigaw ni Mama pero katulad ng ginawa ko kina Fire, wala rin siyang nakuhang sagot mula sa akin.

"Aria, ayos ka lang ba? Ano'ng nangyayari sa'yo, Anak?" Alam ko kung kailan nagbibiro at sinasapian ng pagiging echoserang palaka si Mama at kung kailan siya totoong nag-aalala. Sa ngayon ay halatang nag-aalala siya sa kadramahan ko. Bigla na lamang akong napayakap kay Mama dahil pakiramdan ko ay gagaan ang loob ko kapag niyakap niya ako. Parang mas lamang pa rin ang pagluluksa ko sa pagkamatay ni Heiro.

"Ma, wala na si Heiro," I said before I cried so hard. Ang hirap tanggapin na wala na 'yong taong itinuring kong ama sa loob ng Yoso Academy. Na kung hindi lang dahil sa kaniya ay baka wala na kami ni Fire.

"Bakit? Saan siya pumunta?" tanong ni Mama. Hindi ko alam kung maiinis ba ako o matatawa sa sinabi niya. Nakakaloka naman ang nanay ko na 'to. Nasira tuloy ang napaka-dramatic na eksena dahil sa isang nakakaloka niyang tanong.

"Ma naman e! Patay na raw po si Heiro," I said. Umiyak na naman ako at sana lang ay 'wag nang bumanat ng kakaibang joke ang nanay ko dahil hindi na kakayanin ng appendix ko.

"Aria, hindi pa patay si Heiro." Napakalas ako sa pagkakayakap ko kay Mama at napatitig ako kay Thea. Anodaw? Hindi pa patay si Heiro?!

Bigla kong pinunasan ang luha ko at saka ako lumapit kay Thea. Sa tingin ko nga ay naghugis star ang mata ko na kumikinang at talagang halata ang kagalakan sa balunbalunan ko dahil sa sinabi ni Thea.

"Sigurado ka ba diyan, Thea? Paano mo naman nalaman?" tanong ko sa kaniya. Kung totoo man na hindi pa patay si Heiro ay talagang tatalon ako sa tuwa. Ni minsan ay hindi ko hinangad na may mamatay na tao nang dahil lang sa pagliligtas sa akin. Parang habang-buhay na dadalhin ng apdo ko ang pagiging guilty kapag nangyari 'yon.

"Nagsisinungaling si Hera kanina. Sa ngayon ay kailangan na nating pagplanuhan kung kailan tayo babalik sa Yoso. Mukhang hindi na maganda ang nangyayari ro'n," she said. Lumapit sa akin si Fire at lumapit naman si Kai kay Thea.

"Ay teka, sandali. Babalik na kayo sa Yoso?!" gulat na tanong ni Mama. Napalingon ako sa kaniya at halata ang lungkot sa mga mata niya. Nako, ito na nga ba ang sinasabi ko. Parang bumalik lang kami sa unang beses na nagkahiwalay kami ni Mama. Jusko!

"Opo, Ginang Arianne. Kailangan na po naming bumalik," sagot naman ni Thea.

"Pero nasaan na ba kasi ang guro na kasama ninyo? Ano 'yan, babalik kayo do'n nang hindi siya kasama?" nagtatakang tanong ni Mama. Nagkatinginan pa kami nina Fire dahil hanggang ngayon ay hindi rin namin lubos maisip na si Hera ang traydor sa Yoso Academy. Hindi pa rin matanggap ng neurons ko na hindi pala si Shebah ang kasama namin.

"Ginang Arianne, ang kasama po namin dito ay hindi pala talaga si Miss Shebah. Siya po si Miss Hera, ang traydor sa Elemental Kingdoms na gustong pumatay sa aming apat," sagot naman ni Fire. Halos mapanganga si Mama sa narinig niya.

"Traydor?! Hindi ko papayagan si Aria na umalis!" sabi ni Mama bago niya ako hinila papunta sa pwesto niya.

"Hindi ko kailanman papayagan na pumunta ang anak ko sa lugar kung saan siya maaaring mamatay!" sigaw ni Mama. Ay hala! Anong pinaglalaban ng nanay ko na 'to? Ano'ng klaseng dishwashing liquid na naman ba ang nalaklak ng nanay ko na 'to para makapag-emote nang ganito? Nakakaloka!

Elemental Kingdoms: The Rule Breakers (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon