Chapter 13

34.6K 1.2K 79
                                    

Aria's POV

I have lots of fear in my body. Kung iisa-isahin 'yong mga bagay na kinatatakutan ko, baka kulang ang isang pad ng yellow paper.

Pero ang pinaka-kinatatakutan ko ay ang mag-isa. Kasi kapag mag-isa na lang ako, doon na lumilitaw ang iba kong fears.

Kanina, noong nagkagibunchin technique ako dahil sa dami ng sumulpot na kamukha ko, I tried to call Fire pero lahat din ng kamukha ko ay ginagaya ang sinasabi ko. Parang alam na nila kung ano'ng isisigaw ko. Kaya hindi ko masisisi si Fire kung bakit hindi niya alam kung sino sa amin ang totoong Aria. Until I have thought about hiding nang hindi napapansin ng mga bwisit na lalaking nakaitim. Tumago ako doon sa likuran ng isang malaking puno. Tiniis ko 'yong takot ko. Despite of the creepy ambiance of the old big tree, tumago pa rin ako do'n. I was thinking na mas gusto ko pa'ng mahulugan ng ahas dito kaysa ang makuha ng mga mukhang kulugo na lalaking 'yon. Though I am afraid of snakes, too.

Hindi ko nga alam kung sadyang pati 'yong dalawang kumag na 'yon ay nalinlang ng sarili nilang strategy o sadyang nag-malfunction na ang neurons ng utak nila kasi bigla na lang silang nawala kasama 'yong inaakala nila na ako. Pagkatapos nilang mawala, bigla nalang din nawala 'yong iba kong kamukha at doon lang ako nakahinga nang maluwag.

Hinanap ko kaagad si Fire at narinig ko siyang sumigaw. Isinigaw niya ang pangalan ko. I look at him from a distance because I am still composing myself. Inaalis ko muna 'yong takot na nararamdaman ko. Then I saw him. He looks so down and defeated. Kung ibang pagkakataon lang siguro ito, kanina pa ako humagalpak sa tawa.

"Fire," I called him. When he turned to look at me, all I can see is shockness. Nako! Iniisip kaya nito na hindi ako 'yong totoong Aria?!

He didn't move in his place. Tinititigan niya lang ako. Sabi na e. He's thinking that I am not Aria.

Tumayo siya at medyo lumapit sa akin. Siguro mga isang metro ang layo niya and the way he stares at me is not changing. Jusko! Ano ba 'to? Parang tumatagos sa kaluluwa ko ang titig ng isang 'to!

"Fire, kung iniisip mo na hindi ako si Aria, utang na loob na---" I wasn't able to finish what I was about to say dahil bigla siyang lumapit sa akin at hinila ang kamay ko and then put me into his arms. Aria, 'wag kang kikiligin!

"Fire," Hinigpitan niya pa lalo ang yakap niya sa akin. Hala. Anyare dito? Sinapian na ba 'to?

"Fire, are you okay?" I asked him. Baka kasi may sa maligno 'yong dalawang lalaki na 'yon at kinulam si Fire kaya bigla-bigla na lang siyang nangyayakap. He didn't answer my question kaya hindi na lang din ako nagsalita pa ulit.

"Aria," he said. Salamat naman at nagsalita ka na! Akala ko napipi ka na e.

"Hmm?"

"Sorry," bulong niya sa akin. Sorry? Para saan?

"I won't leave you anymore. I promise." Ahh. 'Yon naman pala. Pasalamat ang isang 'to at wala pa sa ulirat ang kagandahan ko para magtaray.

"It's okay. Can you let go of me now? Hindi ako makahinga," I told him. Ang higpit ng yakap niya e. Kahit na gusto kong maramdaman na niyayakap niya ako, may gusto ko pa rin naman ang mabuhay. It feels so good to be enclosed in his arms. Feeling ko safe ako. Kahit na alam ko naman na wala siyang kapangyarihan dito, but still, when he hugged me, nawala lahat ng fears ko na baka bigla na lang may sumulpot na kamukha ni Chuckie at nakitandem pa kay Anabelle at kunin ako.

"Sorry," he said. I arched my brow at him. Wala na bang ibang sasabihin ang isang 'to kundi sorry? Hindi ba pwedeng 'I love you' naman? I thought but I shrugged off that idea. Bawal kang mainlove diyan, Aria. Maghunos dili ka!

Elemental Kingdoms: The Rule Breakers (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon