Chapter 28

38.6K 1.3K 232
                                    

Kai's POV

Hindi ko alam kung ano ba ang nangyayari kina Fire at Aria pero simula noong lumabas si Fire sa kwarto ni Aria ay nag-iba na ang aura ng mukha niya and I am really confused. What exactly happened?

"Fire, may problema ka ba?" tanong ko sa kaniya habang nagluluto siya para sa hapunan namin. Hindi ko muna pinuntahan si Aria dahil gusto ko muna siyang magpahinga. Simula noong pumasok si Fire sa kwarto niya ay hindi pa lumalabas si Aria.

"Wala namang problema. Bakit mo naitanong?" Hindi ako katulad ni Thea na kayang malaman kung nagsasabi ba nang totoo ang isang tao o hindi pero sigurado ako na may nangyayari na hindi ko alam. Ito na ba 'yong kinatatakutan ko? Did he confess to Aria?

"May itatanong ako sa'yo, Fire." Napahinto si Fire sa ginagawa niyang paghiwa sa mga gulay at napatitig sa akin.

"Ano 'yon?" he asked back. Tiningnan ko muna siya ng maigi na parang sinisigurado ko sa sarili ko na makukuha ko ang sagot na gusto kong malaman sa kaniya.

"May gusto ka ba kay Aria?" Nabitawan ni Fire ang kutsilyo na hawak niya dahil sa tanong ko at pinaningkitan niya ako ng mata.

"Anong klaseng tanong 'yan, Kai?" he asked. Halata sa mukha niya na nalilito siya. Siguro ay iniisip niya kung saan ko ba nakuha ang tanong ko na 'yon.

"Meron o wala lang Fire. Answer me." This time, I focused on his mind. Minsan kasi, iba ang iniisip natin sa mga sinasabi natin.

"Wala." And with that, I have confirmed that he's not lying.

Hindi niya gusto si Aria.

Hindi na lang niya ito gusto kasi mahal na niya ito.

"Fire, alam mo naman na bawal 'yan 'di ba? Itigil mo na 'yan habang maaga pa. Alam kong may nararamdaman ka para kay Aria. 'Yan lang ang tumatakbo sa isip mo sa mga oras na 'to kaya naman nababasa ko." Hindi na nagulat si Fire noong sinabi ko na nabasa ko ang iniisip niya pero napaupo siya sa upuan na malapit sa kaniya.

"Alam ko, Kai. That's why I am planning to court Nuraya." Wait, what did he say?! Liligawan niya si Nuraya?!

"But why? I mean, ano 'yon? Rebound si Nuraya? Are you even thinking, Fire?" Susuportahan ko siya kung talagang gusto niya si Nuraya. Pero halata naman na hindi kaya bakit niya liligawan si Nuraya?

"Iyon ang sinabi ko kay Aria. Pero hindi ko naman talaga gagawin 'yon. Hindi kaya ng sikmura ko ang manggamit nang iba para lang sa sarili kong kapakanan. Sinabi ko lang 'yon kay Aria para naman mas magkaroon siya ng dahilan na layuan ako." He's hurt. Fire is hurt. Kitang-kita sa mukha at kilos niya na nasasaktan siya.

"This is the right thing to do. Hindi ko inamin sa kaniya ang nararamdaman ko kasi ayaw ko nang gawing komplikado ang sitwasyon namin. Ayaw kong magkaroon siya ng panghahawakan na pwedeng maging kaming dalawa. I have hurt her, Kai and that fact hurts me more. Kanina ko pa siya gustong yakapin pero ang pwede ko lang gawin sa kaniya ay saktan siya at layuan. Kanina ko pa gustong bawiin lahat ng sinabi ko sa kaniya at aminin na... ugh! This is frustrating! Bakit ba kasi bawal?!" he said before he left me and he went inside of his room while he is crying.

Aria's POV

Jusko! Pwede na yata akong magtayo ng water station dahil sa continuous supply ng tubig na nanggagaling sa mata ko. Langya! Ang sakit naman e. Gano'n ba talaga si Fire? Napakagaling niyang manakit ng damdamin. Bwisit! Hindi pa nga ako nakakamove- on sa pambabasted niya sa akin tapos may panibagong heartbreak na naman? Liligawan niya si Nuraya?! Ano 'yon?! Joke?! Kung joke 'yon, aba napakalaking waley! Kasi imbes na tumawa ako ay heto ako at nagpapakafeeling Vilma Santos sa pag-iyak. Naknanangtokwa!

Elemental Kingdoms: The Rule Breakers (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon