Chapter 15

39.4K 1.3K 131
                                    

Fire's POV

I am not new about girls who are making love confessions. Kaming dalawa ni Kai, noong nasa Elemental Kingdom kami, marami sa amin ang mga nagpapapansin na babae. Hindi sa nagyayabang ako or what, but I am just telling the truth. 'Yon nga lang, katulad namin ng elemento ang mga umaamin na may gusto sila sa amin. Kaya wala kaming problema ni Kai doon. Madalas nga, tumatawa na lang kami at si Thea ang savior namin sa gano'ng sitwasyon.

Now, let us talk about what this crazy girl had said before she sleeps. Nagulat ako, oo. Pero after that, ano'ng aasahan ninyo na gagawin ko? Sa mundo namin, may dalawang bagay lang akong madalas na iapply sa bawat sitwasyon.

Alamin mo kung kailan mo dapat pansinin o balewalain ang isang bagay.

And with this, I ignored what she said. Walang mangyayari kung papansinin ko 'yon. Maiilang lang ako sa kaniya or worst, I might really fall. At 'yon ang hindi ko hahayaang mangyari.

"Nako, iniisip mo ba 'yong sinabi ko?" she asked. Akala ko ba tulog na 'to? At paano niya nalaman na may iniisip ako?

"Ganyan ka ba talaga? Iba din pala ang sense of humor mo. Kung akala mo affected ako, asa ka," I told her. Pinipigilan ko ang inis ko sa kaniya. Baka kasi mag-away na naman kami at may masama na namang mangyari sa amin dito.

"E bakit ang defensive mo?" tanong niya ulit pero hindi ko siya pinansin. Ilang araw ko pa lang siyang nakakasama pero hindi ko na matagalan ang ugali niya.

Masyado siyang madaldal at doon ako mabilis mairita. Kakaiba ang mga biro niya. Siguro epekto 'yon na sa mundo siya ng mga tao ipinanganak kaya hindi talaga ako makarelate sa humor niya at hindi niya naman maintindihan 'yon kaya ang resulta, madalas kaming mag-away na dalawa.

"Hoy, Fire. Joke lang 'yong sinabi ko. Aware naman ako sa rule dito," she said. Umupo na siya sa tabi ko. Hindi ba siya makatulog?

"You can joke about other things but don't joke about you, falling in love with me and that I don't have any other choice but to catch you. Kasi kung totoong nandito si Valgemon sa paligid, that joke of yours will empower him. Got it?" Tumango naman siya sa sinabi ko. Hindi ko alam kung naintindihan niya ba talaga o tumango lang siya para matapos na ang usapan namin.

"Fire, kumain naman na muna tayo. Gutom na ako," Aria said while touching her tummy. Sabagay, buong araw din yata kaming hindi nakakain ng ayos. Inilabas ko 'yong baon namin na pagkain at para naman siyang bata na tuwang-tuwa sa nakita niya.

"Grabe! Kakalimutan ko muna ang kababalaghan today at lalamon ako ng bongga!" she happily exclaimed. Hindi na lang ako nagsalita at nag-umpisa na kaming kumain.

"Ay. Hindi na pala mainit 'yong ulam," she whispered. Ang ironic lang na bumulong siya pero rinig ko naman.

"Akin na." Kinuha ko sa kaniya 'yong pagkain then in an instant, ibinalik ko na sa kaniya pero hindi niya tinanggap. Problema nito?

"Pakilagay na lang diyan, Fire. Nadala na ako noong ginawa mong mainit 'yong gatas. Remember that incident? Ayaw ko nang maulit," she said. Ang daming arte. Inilapag ko 'yong stainless na plato niya sa harapan niya at nag-umpisa na ulit akong kumain.

"Paano ka nga pala natutong magluto?" This girl is really annoying! Masyadong madaldal!

"We can talk later. As of now, shut your mouth and eat," I snapped and glared at her.

"Whatever!" she retorded but I still heard her whisper, "para nagtatanong lang e. Sungit!" At hindi ko alam kung bakit lalo akong naiinis sa pabulong-bulong niya na 'yan.

"My mom taught me how to cook. Satisfied?" I told her then I focused to my food.

"Tss. Kfine," she said at hindi na siya nagsalita pa ulit. Thank God!

Elemental Kingdoms: The Rule Breakers (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon