Epilogue

36.5K 1K 158
                                    

Aria's POV

Halos mag-iisang buwan na pala noong naganap ang mga kagimbal-gimbal at nakakakulot ng bangs na mga happenings chorvaness sa Yoso Academy. Simula noon ay bumalik na kami dito sa Elemental Kingdoms. Jusko! Naloka ako sa kabaitan ng nanay ni Fire. Ibang-iba sa nanay ko.

Doon ko lang napagtanto na 'yong persian cat pala sa bahay ay walang iba kundi si Hera. Langya talaga ang rainbow na 'yon! Pasalamat siya at hindi ako ang nakapatay sa kaniya! Balak ko pa sana siyang gawing bocha e! Wow, Aria! Ang taray natin ah?

Sina Heiro? They are okay. Masaya na raw siya na malaman na ayos lang si Shebah at patay na si Valgemon.

Si Kai naman ay patuloy pa rin sa pagluluksa sa pagkamatay ni Ela. Napag-alaman kasi namin na kaya siya namatay ay dahil iniligtas niya si Kai kaya naman hindi namin masisisi si Kai kung bakit hanggang ngayon ay nagluluksa pa rin siya. Mabuti na lang at kasama niya si Thea sa mga ganitong pagkakataon.

Ako at si Fire? Ikinasal na kami at mayroon na kaming isang dosenang anak. Ang bongga ng isang dosena, Aria! Ano ka, baboy?! Siyempre joke lang!

"Hindi ka na naman nakikinig," sabi ng isang gwapong nilalang.

Ang totoo niyan, masipag akong mag-aral. As in. Kahit hindi halata ay masipag ako. Kahit mukhang hindi ako matalino ay talagang masipag akong mag-aral. Sadyang hindi lang talaga masipag ang neurons ko na umintindi ng lessons.

"Isa pa," sabi ni Fire. Nakakainis naman e! Kanina ko pa ginagawa ang sinasabi niya tapos isa pa ulit?! Hindi na ba matatapos 'to?! Unli lang ang peg?!

"Fire naman! Ayaw ko na! Pagod na ako!" I complained. Naloloka na kasi ako. Ang terror naman kasi niyang teacher. Feeling ko nga, isa akong estudyante na nag-aaral lang dahil gwapo este terror ang teacher ko. Susme, Aria! Kalma!

"Aria, isa pa." Sinamaan niya ako ng tingin na para bang sinasabi niyang sumunod ka na lang sa akin para matapos na tayo pero sinamaan ko rin siya ng tingin. Akala mo ikaw lang ang marunong niyan ha?! Ay hala sige, Aria. Maganda 'yan. Magtitigan kayo for life!

"Ayan ka na naman. Gawin mo na kasi ang sinasabi ko," he said. Nakaka-stress talaga ang isang 'to. Kanina pa niya ako pinapagawa ng fire balls chorva na 'yan. Nakakagawa naman ako kahit kasing laki lang ng bola ng jack stone pero at least, nakakagawa ako! Dapat matuwa na siya do'n kasi may magandang outcome ang pagtuturo niya. Balak niya raw kasing maging trainer sa Yoso kapag nakapagtapos na kami ng pag-aaral kaya sa akin niya raw uumpisahan ang pangarap niya. Kapag hindi raw ako natuto, hindi na niya itutuloy ang gusto niya. Okay na sana e. Ang sweet sanang pakinggan pero nakakaloka pala talaga kapag siya na ang trainer ko.

Hindi ako maka-concentrate. Mukha niya pa lang ay talagang nagwawala na ang lahat ng cells na meron ako pati baby bangs ko ay hindi nakaligtas sa pagtumbling. Lalo na kapag ngumingiti siya ay talagang kulang na lang ay tumigil ang oras. Tapos hindi man lang siya aware?! Kaya mabagal ang learning process ko ay dahil din naman sa kaniya 'yon! Kasalanan niya! Ay hala sige. Isisi mo pa sa gwapong nilalang na 'yan ang katamaran mo sa pag-aaral, Aria! Nakakaloka!

"Fire person ka na ngayon kaya dapat, pag-aralan mo na 'yan para pagbalik natin sa Yoso, okay ka na." Sus! Lagi na lang ganiyan ang sinasabi niya. Tse! 'Yan na lang ba ang motivation na alam niya? Wala na bang iba?

Ay oo nga pala, isa na akong fire person. Iyon ang hiniling ko kay Trifosa noong nakita ko siya sa Black Forest.

Siguro sasabihin ninyo na dapat ang hiniling ko na lang ay mawala na lang 'yong rule chuchu pero hindi iyon ang ginawa ko. Bakit?

Naisip ko kasi na para lang naman sa ikabubuti ng lahat ang pagpapatupad ng batas na 'yon. Bawal magkaroon ang isang elemental person ng higit pa sa isang elemental power. Tama naman e. Dahil hindi maiiwasan na maging gahaman pa lalo sa kapangyarihan kapag nangyari 'yon. Hindi maiiwasan na may mas aangat kapag gano'n. May ituturing na angat sa lahat at may maituturing na mahihina.

Elemental Kingdoms: The Rule Breakers (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon