Chapter 60

26K 842 95
                                    

Aria's POV

Madali akong ma-curious at alam kong isa ito sa mga negative kong ugali dahil mukhang applicable na sa akin ngayon ang curiousity kills a cat.

Noong nakita ko ang imahe ng isang lalaki dito sa black forest na para bang hinihikayat niya akong sumunod sa kaniya ay 'yon nga ang ginawa ko. Sumunod ako sa kaniya at ang nakakaloka ay hindi man lang ako nakapagpaalam kay Fire.

Pero iba ang nararamdaman ko sa lalaking nakita ko. Kahit mukha lang ang nakikita ko sa kaniya at tila wala siyang katawan ay parang ang lakas ng kapangyarihang bumabalot sa kaniya.

Hanggang sa hindi ko na namalayan na sumusunod na pala ako sa kung saan ko nakikitang dumadaan ang itim na hangin. Para siyang soul eater. Ang pinagkaiba lang ay may mukha siya samantalang ang mga soul eater ay hugis mukha ng tao lang ang meron at bibig lang ang talagang meron sila. Pero iba ang isang 'to.

"Teka, sandali! Sino ka ba?! Saan ka ba pupunta?!" sigaw ko. Aba malay ko ba kung saang lupalop na pala siya pupunta. Jusko! Busy ako! Hahanapin ko pa si Valgemon o kaya naman si Trifosa!

Pero halos manigas ako noong ngumisi siya sa akin at unti-unting naging hugis ahas ang ibabang bahagi ng katawan niya. May kamay at braso siya at saka mukha pero ang katawan niya ay ahas na nakapulupot ngayon sa isang puno. Pucha naman! Sino 'to?! Si Uruchimaro ba 'to?! Langya ka talaga, Aria! Best friends talaga kayo ni Kapahamakan.

"Aria, ang anak ni Aire. Hindi ko akalain na isa ka palang... hangal." Aba hayop pala ang isang 'to! Ako? Hangal?! Gawin ko kayang isaw ang half-half na 'to?!

"Sino ka bang ahas ka?!" tanong ko sa kaniya. Nakakaloka lang talaga na makakita ng ganito. 'Yon bang napapanood ko lang sa TV tapos biglang makikita ko nang ganito? Totohanan?! Matindi ito!

"Hindi mo talaga alam kung sino ako?" he asked while having an evil smile. E tanga naman pala ang ahas na 'to e.

"'Yong totoo? Ako ba ang hangal o ikaw? Magtatanong ba ako kung sino ka kung kilala na kita?!" Naiinis kasi ako. Kahit pa sabihing nakakatakot ang itsurang ahas niya ay talagang nagagawa ko pa rin ang mainis sa mga oras na 'to. Ang totoo niyan, hindi siya pangit. Gwapo siya at sa tingin ko ay mga nasa 40's na ang edad niya pero gwapo pa rin. Mapupungay nga ang mga mata niya e. Matangos din ang ilong. Perfect ang jawline. Pero isa lang ang nakakapagtaka...

Sa gwapo niyang 'yan ay bakit ang sama ng aura na nararamdaman ko sa kaniya?

"Teka, ikaw ba ang taga-bantay dito sa Black Forest?! Akala ko ba si Trifosa?!" tanong ko ulit pero tumawa lang siya. Tawa na katulad ng sa demonyo. Feeling ko ay galing sa ilalim ng lupa ang boses niya habang tumatawa.

"Nakakaawa ka, Aria. Kusang-loob ka talagang pumunta sa kamatayan mo," he said. Aba gago naman pala ang isang 'to. Naglolokohan na yata kami e.

"Pucha naman! Sagutin mo nga ang mga tanong ko dahil naiinis na ako! Baka bigla ka na lang liparin diyan!" I angrily hissed. Bwisit kasi! Hindi na lang sumagot ang hayop na 'to!

Gumapang siya papunta sa akin. Ang inaasahan ko nga ay pati ulo niya ay gagapang sa lupa pero hindi pala. Kalahati lang ng katawan niya. Hanep! Parang ngayon yata ako binalot ng kaba lalo na noong may lumabas pang dalawang ahas mula sa katawan niya. Isa sa kanan at isa sa kaliwa. Ano ba 'to?! Bakit may ganitong kachorvahan?!

"Hindi ko na patatagalin pa ang paghihirap mo, Aria." Biglang naging kulay pula ang mga mata niya na kanina lang ay kulay abo. Teka, sino ba talaga ang isang 'to?!

"Paano mo ba gustong mamatay?" he asked. In an instant ay naramdaman ko na lang na may malamig na pumulupot sa akin at siya na pala 'yon! Halos hindi ako makahinga dahil talagang kinakabahan ako!

Elemental Kingdoms: The Rule Breakers (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon