Chapter 39

32.3K 1K 185
                                    

Nuraya's POV

Abala ako sa pagbabasa ng libro dito sa loob ng silid ko nang bigla na lang may kumatok sa pinto ko.

"Nuraya, may naghahanap sa iyo." Si Laydon pala ang kumakatok. Teka, may naghahanap sa akin? Gabi na ah. Sino naman kaya ang maghahanap sa akin sa ganitong oras?

"Sige, lalabas na ako." Itinabi ko ang hawak kong libro sa lamesa na nasa tabi ng kama ko. Agad akong lumabas sa silid ko para malaman kung sino ba ang naghahanap sa akin.

"Nasaan ang naghahanap sa'kin?" tanong ko kay Laydon na kasalukuyang kumakain kasama ni Ela.

"Sa labas ka na lang daw niya hihintayin," he replied. Sa labas? Bakit sa labas pa?

"Sino ba ang naghahanap sa akin, Laydon?" tanong ko ulit. Tatlo lang kasi kaming nandito. Si Tyrone ay alam kong nasa dorm house nina Aria. Sigurado ako sa bagay na 'yon dahil simula nang mawalan ng malay si Aria ay hindi na siya mapakali. Kulang na lang nga na doon na rin siya tumuloy kina Aria.

"Si Fire. Mukhang problemado e," sagot ni Laydon. Bigla naman akong nataranta. Si Fire? Siya ang naghahanap sa akin?

"Sana sinabi mo agad! Nakakainis ka talaga, Don!" I snapped. We used to call him as Don kapag pinapaikli namin ang pangalan niya.

"Ay hala. Ngayon mo lang tinanong kung sino ang naghahanap sa'yo tapos magagalit ka? Gutom lang 'yan Raya. Kumain ka na lang muna. Mukhang makakapaghintay naman si Fire e," he said pero inirapan ko lang siya. Nakakainis!

Agad akong lumabas ng dorm house namin. Nakita ko si Fire na nakasandal sa pader ng Dorm house habang nakapamulsa at nakapikit.

Ilang minuto akong napatitig sa kaniya. Napakagwapo niya talaga. Pakiramdam ko nga, matitigan ko lang siya nang ganito kalapit ay sapat na para sa akin.

Bigla akong natigil sa pagpapantasya ko kay Fire noong iminulat niya ang mga mata niya at tumingin siya sa direksyon ko.

He smiled at me so I smiled back. But the next thing that he did widened my eyes.

Umiyak siya.

"Fire, anong nang-" Hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil bigla niya akong niyakap.

"Nuraya," he said. The thick sound of his voice is very obvious. I don't know what to say or the right words to tell.

"Ang sakit," he muttered. Bigla ko nalang naramdaman ang bigat sa dibdib ko. Pakiramdam ko ay nakikihati ako sa sakit na nararamdaman niya.

"Ang hirap na. Ang sakit na. Sobrang sakit na." I can feel the breaking of his heart through his words. Hindi ko kayang makitang ganito kahina si Fire. I used to see his strong side kahit pa noong nasa Elemental Kingdoms kami. I've never seen him crying nor being hurt. Ngayon lang.

"What happened, Fire?" I asked while I am rubbing his back. I don't know if I am helping or not but the mere fact that he chose to tell me how hurt he is right now, pakiramdam ko ay ako lang ang makakatulong sa kaniya sa mga oras na 'to.

"Nagdesisyon na sila. Hayaan na lang daw na hindi ako maalala ni Aria. Hayaan na lang daw na nakalimutan na ni Aria ang pagmamahal niya sa akin," he said. Lalong humigpit ang pagkakayakap sa akin ni Fire while he's sobbing. Pakiramdam ko, nadudurog din ang puso ko sa nangyayari sa kaniya.

"Ayaw nilang may gawin ako para maibalik ang alaala ni Aria. Ayaw nila na gumawa ako nang paraan. At alam mo kung ano ang pinakamasakit bukod sa wala akong makuhang suporta mula sa ni isa sa kanila?" Hindi muna itinuloy ni Fire ang sasabihin niya. Dinig na dinig ko ang bawat paghagulgol niya. At hindi ko na rin maiwasan ang umiyak. This is not right anymore. Hindi na tama na sobra siyang nasasaktan.

Elemental Kingdoms: The Rule Breakers (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon