Chapter 10

39.5K 1.4K 160
                                    

Aria's POV

Gusto ko ang mga surprise. As in! Pero itong sinabi ni Ciero? Utang na loob lang. Hindi nakakatuwa.

"Ano'ng sinasabi mo, Ciero? Joke ba 'yan?" I asked. Langya! Kung si Fire lang siguro ang dadalhin sa sinasabi nilang maze na 'yon, baka kanina pa ako nag-victory dance dito.

"No, Aria. It's a rule in Yoso."

"What?! Rule? Bakit hindi naman ako na-inform?" Ay ang taray talaga. Hindi ko ba deserve na iinform? Kailangan lagi na lang akong magugulat sa mga ka-echosan escapade nila?

"As you know, ngayon pa lang ang umpisa ng regular class dito sa Yoso at ipinakita mo agad na hindi kayo magkasundo ni Fire."

"Pero----"

"Wala nang pero-pero, Aria." Hindi na ako nagsalita pa dahil nakakatakot ang itsura ni Ciero. Parang naging kamukha niya 'yong principal namin sa school noong nasa mundo pa ako ng mga tao. Nakakaloka.

Pagkatapos nang klase namin, agad akong umuwi sa silid namin at naabutan ko sina Fire, Thea at Kai na nag-uusap ng masinsinan.

"Anmeron?" I confusely asked. Sinamaan ako ng tingin ni Fire. Psh! Dukutin ko kaya ang mata nito?

"Aria, I'll help you to pack your things," Thea said. Teka, pack my things daw? Palalayasin na ako ni Thea?

"Bakit? I mean, bakit ako mag-iimpake? Pinapalayas niyo na ako?" Aba! Ang unfair naman yata nila. Saan ako titira kung paaalisin nila ako?

"Aria, hindi ka namin pinapalayas. Pero bukas, dadalhin na kayo ni Ciero sa Maze. You'll stay there for who knows until when. Kaya nga kailangan mo nang mag-impake."

"Teka, seryoso ba talaga si Ciero sa sinabi niya? Hindi ba 'yon joke?" Umiling si Thea. I looked at Fire and Kai.

"Pero----"

"Kasalanan mo 'to," sabi ni Fire.

"Sinabi ko na sa'yo kanina na 'wag mong ipapakita kay Ciero na hindi tayo okay pero ano'ng ginawa mo?!" he angrily mumbled before he went to his room.

"I'm sorry. Hindi ko alam na..." Bigla akong naiyak. Kasi kahit hindi magsalita sina Thea at Kai, ramdam ko na ako ang sinisisi nila kung bakit mapupunta kami ni Fire sa maze na 'yon.

"Aria, don't cry," Thea said.

"We are not blaming you, okay? Malungkot lang kami kasi mawawala kayo nang matagal ni Fire."

"Feeling ko kasi, kasalanan ko e." I know that I am such a kid to cry infront of them pero hindi ko lang talaga mapigilan.

"Aria, hindi lang ikaw ang may kasalanan. Pareho kayo ni Fire and we are hoping that after this, magiging okay na kayong dalawa," Kai said. Biglang gumana 'yong konsensya ko. Grabe. Dalawang araw pa lang ako dito tapos pinoproblema na nila ako.

"Promise. Magiging okay din kami ni Fire," I said. Tinulungan akong mag-impake ni Thea. Buong gabi akong hindi nakatulog. Nakakainis. Bakit ba kasi hindi ka nagpigil ng galit mo, Aria!

Hindi ko alam kung anong oras ako nakatulog o kung nakatulog nga ba ako pero ang isa pang nakapagtataka ay ang aga ko na namang nagising. In fairness, Aria! Effective pala ang pagpunta mo rito sa Elemental World para sa pagbabagong buhay mo!

Sigurado ako na hindi pa gising sina Thea kasi wala pa akong naririnig na ingay kaya lumabas ako ng kwato ko pero nagulat ako kasi nando'n si Fire sa kusina. Nagluluto.

"Good morning," I greeted him pero tiningnan niya lang ako tapos nagpatuloy na siya sa pagluluto niya. Ay? Deadma ang beauty ko?

Umupo ako sa dining table namin at nagtimpla ako ng kape. Hindi ko nga alam pero medyo nahihiya ako kay Fire. At ngayon ka pa nahiya, Aria? Matapos mong maglabas ng hinanakit sa kaniya kahapon, nahiya ka pa talaga?!

Elemental Kingdoms: The Rule Breakers (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon