Chapter 14

37.5K 1.3K 142
                                    

Aria's POV

I widened my eyes no'ng nakita kong nag-apoy ang kamay ni Fire. Putek na 'yan! Gumagana pala ang powers niya dito?! Buti na lang hindi niya alam kanina kundi, Rest in Peace na sana ang kagandahan ko sa mga oras na 'to.

"So, what's the meaning of this, Ciero? Can you explain it now?!" Fire said in his most serious tone. Bigla naman akong kinabahan. Manahimik ka diyan, Aria. 'Wag mong iinisin ang isang 'yan!

"Hindi ko alam na exempted pala kayong apat pagdating sa rules ng Yoso diyan sa maze. Sabagay, kayo palang naman sa history ng sons and daughters of Gods and Goddesses ang napunta diyan kaya hindi ko rin alam na pwede niyo pa rin palang gamitin ang kapangyarihan ninyo sa loob ng maze," Ciero said. Ay ang taray! Kami palang ni Fire ang napunta dito sa maze na anak ng Diyos at Diyosa ng Kaharian? Kaloka! Gumawa na agad kami ng history sa elemental world.

"You are being unreasonable, Ciero. Paanong hindi mo alam?! You are the head of the Sui Kingdom! You are supposed to know even the smallest detail that we have to know in elemental world!" Thea snapped. Kabog! Ang taray din pala ni Thea magalit? Akala ko kasi wala sa vocabulary niya ang salitang magalit e.

"We need to talk to Heiro. I'll call him and as of you, Ciero, you have to stay. Thea, you know what you are going to do, right?" Kai said. Kanina pa siya tahimik at napakaseryoso ng mukha niya. Medyo nakakatakot siya kasi hindi man lang siya ngumingiti. Teka? Ano'ng gagawin ni Thea?

"Sige, Kai. Ako na ang bahala dito." Lumabas si Kai at tinitigan lang ni Thea si Ciero. Ito namang isa sa tabi ko, tahimik lang habang pinapaapoy ang kamay niya.

"Hindi ka ba napapaso, Fire?" I asked out of curiousity or should I say, out of stupidity? Sinamaan niya ako ng tingin. Napalunok nalang ako no'ng tinitigan niya ako. Iniisip siguro niya na sa dinami ng pinag-usapan nila nina Thea, 'yong napakanonsense na tanong pa talaga ang tinanong ko. Minsan na lang nga ako sisingit sa usapan nila, epic fail pa. Natural hindi siya napapaso, Aria! Nakikita mo naman na galak na galak siya sa apoy sa kamay niya 'di ba?! 'Wag shunga, pwede?! I thought. Kaya pinili ko na lang ang tumahimik.

"Tell me, Ciero. May kinalaman ka ba sa nangyari kina Fire?" Thea asked. Sows! Paano mo naman mapapaamin 'yan, aber?! Buti sana kung may lie detector kayo diyan!

"Wala akong kinalaman sa nangyari sa kanila. Believe me." Tinitigan lang ni Thea si Ciero. Ilang minuto siyang natahimik and when she looked at us, she said,

"He's telling the truth." Eh? Paano niya nalaman? Hala!

"Paano mo naman nasigurado 'yan, Thea?!" I asked. Dahil lang sinabi ni Ciero na wala siyang alam, naniwala na agad siya? Imposible naman yata 'yon!

"Thea can determine whether someone is lying or not," Fire said. Ay ang bongga! May gano'n? Edi hindi pala ako pwedeng magsinungaling kay Thea? Nakakakulot naman ito ng bangs! I keep my mouth shut. Ayaw ko na'ng magreact.

"Ano'ng nangyari?" Asked by someone and his face appeared in the water. Si Heiro.

"Tell them what happened to us," utos ni Fire.

"Bakit ako? Ikaw na lang," I retorded pero sinamaan niya lang ako ng tingin. 'Yong tingin na para bang sinasabi niyang, ikaw ang magsasabi o gagawin kitang isaw na iihawin ko?

"Sabi ko nga ako na ang magsasabi," I said while having an awkward smile. Pasalamat kang tukmol ka at hindi ko alam gamitin ang kapangyarihan ko dito or else, hinangin ka na papunta sa kinaroroonan ni Valgemon!

"Okay. Tell us what happened to the two of you," said by Heiro. I let out a sigh before facing them.

"Well, no'ng una, I asked Fire kung paano at saan kami maliligo. He said na may ilog daw dito sa palibot ng maze at maririnig naman daw namin kung malapit na ang ilog sa amin and I have thought about something. Noong napunta kasi ako sa black road, I can still hear Thea and Ciero talking about the black road thingy. Kaya naisip ko na baka marinig ko rin 'yong agos ng ilog and I heard it. Unfortunately, no'ng malapit na kami sa ilog, Fire said na patibong daw 'yon ni Valgemon kaya tumakbo kami paalis sa lugar na 'yon." Tumigil muna ako sandali para tingnan sina Heiro.

Elemental Kingdoms: The Rule Breakers (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon