Chapter 30

36.6K 1.2K 150
                                    


Aria's POV

Nako naman! Ano ba naman kasi ang iniisip ko para yayain si Tyrone na mag-date?! Sira ulo ka talaga, Aria! Anyare sa'yo?! Nababaliw ka na ba?!

Kasalukuyan akong pagulong-gulong dito sa kama ko dahil naloloka ako sa mga pinagsasabi ko kanina kay Tyrone. Okay, para makarelate kayo sa akin ngayon, sasabihin ko na kung ano ang sinabi ni Tyrone.

Sabi niya ayaw niya. Omygod! Seryoso?! Tinanggihan din ako ni Ty?! Dinedma niya rin ang beauty ko?! Grabe na talaga ito! Bakit parang laging rejected ang role ko?!

Pero instead na masaktan ako sa sinabi niya, natuwa pa ako. Buti na lang hindi siya pumayag. Nadala lang naman ako ng selos ko noong mga oras na 'yon. Siguro ay naisip niya rin na hindi naman talaga ako seryoso sa pagyaya ko sa kaniya. At kung sakali, saan naman kami magdedate?! Sa black forest? Aba matindi!

"Aria, kakain na tayo." It's Thea. Wow ha. Akala siguro ng mga ito, hindi ko napapansin ang ginagawa nila na pagsuporta sa namumuong pag-iibigan nina Fire at Nuraya. Tse! Wala akong pake kaya dapat kalma lang. Hindi dapat ako nagrereact ng ganito. Tama! Sa ngalan ng buwan, parurusahan kita! Ay teka sandali! Elemental person ka, Aria! Hindi ka si Sailor moon! Umayos ka!

"Sige Thea. Lalabas na ako." Inayos ko muna ang sarili ko na kani-kanina lang ay nagwawala baka kasi bumira na naman sa pag-aalala sina Kai kapag nakita na naman nila ang itsura ko.

"In fairness naman sa'yo, Aria. Maganda ka pa rin kahit bangag ka na. Ayos 'yan. Talagang pinatutunayan mo na element of beauty ang mga tulad mong Air person. Ipush mo lang 'yan. Pasasaan ba't maaakit mo rin si Fire." Ay putspa! Saan mo naman hinugot 'yong aakitin mo si Fire? Kalandian overload ka na naman, Aria! Hindi ka na lang kasi mag-move on! Kalimutan mo na ang ungas na 'yon. Hayaan mo na siya kay Maruyang Nuraya. Ang taray ko manlait. Sorry na po.

"Inhale, exhale. Then smile and smile pa. At isa pang smile. Labas ngipin at---"

"Ano'ng ginagawa mo?"

"Ay ngipin!" Jusko! Napatalon na lang ako bigla noong sumulpot na naman si Fire sa kwarto ko. Ano ka ba naman, Fire?! Paano naman daw ako makakamove on niyan kung ganyan ka. Sa bawat pagsabi ko na magmomove on ako ay bigla ka na lang susulpot!

"Bakit ka nandito?" Kalma lang Aria. 'Wag kang magpapa-apekto sa apoy na 'yan. Nakita ko na pinaningkitan niya ako at talagang titig na titig siya sa akin. Nakasandal siya sa pinto ng kwarto ko. Ano na naman ang problema ng bwisit na 'to?

"Kakain na tayo. Ang tagal mo kasing lumabas." Ay jusme! Ang tagal ko ba? Ilang minuto pa lang ang lumipas noong tinawag ako ni Thea ah. Ano'ng pinaglalaban ng isang 'to?

"Lalabas na ako. Nag-abala ka pa talagang magteleport e 'no? Tara na." Lumapit ako sa pinto ng kwarto ko kung saan siya nakasandal.

"Aria," Nako naman, Fire! 'Wag ka namang ganyan. Mahabag ka naman sa nagdadrama kong puso! Kaya mo 'yan Aria. Kunwari okay ka!

"Yes?" I said then I faced him and I smiled at him. Hinihintay ko siyang magsalita habang nakatitig ako sa mukha niya. Nakakamiss kang talipandas ka.

"Hoy Fire, anyare sa'yo diyan? Gutom na ako. Kung trip mo pa ang mag-space out ay sige lang. Hindi kita pipigilan pero pwede ba na umalis ka muna diyan sa pinto kasi lalabas na ako?" I muttered habang nakataas ang mga kilay ko para naman mafeel niya na seryoso ako sa pagpapalayas ko sa kaniya sa pintuan ng kwarto ko. Napabuntong-hininga pa siya bago siya umalis sa pinto ng kwarto ko.

"Sorry," he said. Bigla na namang gumana ang assuming gland ko. Anong sorry? Bakit? Para saan?! Sorry para sa pananakit niya sa akin? Sorry para sa pagpapaasa niya?! Sorry kasi nililigawan na niya si Nuraya habang ako ay heto at iyak nang iyak na pinaplastic ko pa ang sarili ko para lang gawin ang gusto niya?! Sorry kasi napakaselfish niya?!

Elemental Kingdoms: The Rule Breakers (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon