Chapter 49

23.9K 793 65
                                    

Aria's POV

Mag-iisang linggo na rin kaming nandito sa mundo ng mga tao at ang nakakaloka sa lahat ay talagang nakakakulot ng bangs itong sina Fire.

Paano ba naman kasi, hindi sila aware sa TV. Jusko! Naalala ko na naman tuloy noong niyaya ko silang mag-movie marathon at pinanood namin ang Harry Potter ay talagang naglabas na naman ng apoy si Fire at kulang na lang ay liyaban niya ang TV namin. Chika niya na may halimaw sa loob na gumagamit ng kapangyarihan at baka raw kunin ako. Ang sakit lang sa kidney ng gano'ng eksena.

Isa pa 'yong cell phone ko na sa ngayon ay nag-rest in peace na dahil tinapakan ni Fire. May masamang elemento raw sa bagay na 'yon dahil sinasabi nito na Aria, you have a message. Kaya sinira niya. Halos umiyak ako noong naabutan kong wasak na ang cell phone ko. Jusko po! Simula no'n ay hindi ko na ninais na ipakita sa kanila ang mga bagay na meron dito sa mundo ng mga tao. Hindi ko na rin hinayaan na lumabas kami ng bahay dahil sigurado na ako sa mga mangyayari. Baka magunaw na ang mundo sa mga kaechosan nila kapag nagkataon.

Pahirapan pa nga ako sa pagpapagamit kay Fire ng contact lense sa tuwing bibisita dito sina Janna. Pero kapag wala na sila ay inaalis ko rin ang contact lense ni Fire dahil baka mairita siya at mag-apoy na lang bigla ang mata niya.

"Nasaan si Miss Shebah?" tanong sa akin ni Thea. Kasalukuyan kaming nandito sa kusina dahil pinapanood namin si Mama na nagluluto. Kadarating niya lang galing sa palengke at talagang bumili pa siya ng biko para sa aming lahat. Sabi ko nga dapat lumpia ang binili niya e pero ayun, kinuha niya ang biko at sinabing para kina Thea lang daw 'yon. Ang bait talaga ng nanay ko na 'to. Ramdam ng hypothalamus ko ang kaniyang pag-ibig sa akin. Ang taray ng pag-ibig!

"Gano'n ba talaga ang guro niyo na 'yon?" tanong naman ni Mama habang patuloy siya sa paghiwa sa gulay na binili niya. Biglang lumapit sa kaniya si Fire at kinuha ang hawak na kutsilyo ni Mama.

"Ako na po ang magluluto, Ginang Arianne. Maupo na lamang po kayo," sabi ni Fire. Jusko naman talaga oh! Dumadamubs ang Fire babes ko!

"Marunong ka bang magluto? Baka mamaya niyan ay masunog mo ang buong bahay namin!" sagot naman ni Mama. Itong nanay ko talaga na 'to, napaka-echoserang nilalang. Baka mamaya niyan ay siya pa ang maunang sunugin ni Fire dahil sa kadaldalan niyang 'yan e. Ngumiti na lang si Fire kay Mama at saka niya ipinagpatuloy ang paghiwa sa gulay. Ang gwapo talaga ng boyfriend ko na 'to. Tarush!

"Ma, alam niyo ba na nakita ko kung paano kayo nagkakilala ni Papa? Jusme! Ang arte mo no'ng panahon na 'yon, Ma. Seryoso." Bigla akong binato ni Mama ng isang talong. Aray naman. Napahawak tuloy ako sa noo ko na natamaan ng talong. Ang sakit, ha?

"Ma naman! Bakit ba kayo nambabato?" Sumimangot ako kay Mama kaya inambaan na naman niya ako ng isa pang talong na ibabato niya sa akin na siya namang dahilan ng pagtawa nina Fire, Kai at Thea. Wow naman! Galak na galak talaga sila sa nasasaksihan nilang pagmamahalan namin ni Mama! Nakakaloka na talaga ito!

"Tumahimik ka nga diyan. Alam mo ba na hindi ko naman talaga dapat sasagutin si Aire noon? Pinilit niya lang ako at sinabi na ako ang nakatakda para sa kaniya. Gusto ko ngang humagalpak sa tawa noong mga oras na 'yon e," sabi ni Mama. Aysows! Nag-iinarte na naman ang nanay ko! Akala naman niya ay nakalimutan ko na kung paano siya tumili dahil sa kagwapuhan ng tatay ko. Nako naman talaga!

"Talaga po, Ginang Arianne? Wala po kayong gusto kay Aire noon?" tanong naman ni Thea. Ay hala! Hindi niya ba napanood ang past ng Kaze Kingdom para tanungin pa talaga niya ng ganyan ang nanay ko? At talagang naniniwala siya sa kabaliwan ni Mama? Aba malupit!

"Oo naman! Jusme! Wala pa sa isip ko noon ang magboyfriend at magkaroon ng asawa. Ang ganda-ganda ko noon at talagang maraming nagkakandarapa na nanliligaw sa akin," sabi ulit ni Mama na siyang dahilan para umubo ako at pakiramdam ko ay naubusan ako ng hangin sa katawan. Talaga lang ha? Air person ka kaya! Sino'ng niloko mo, Aria?

Elemental Kingdoms: The Rule Breakers (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon