Chapter 43

24.1K 852 174
                                    

Aria's POV

Ako 'yong tipo ng tao na hindi makatulog kapag alam kong may galit sa akin. Pakiramdam ko ay inuusig ako ng konsensya ko dahil sa mga sinabi ni Thea. Ikaw naman kasi, Aria! Kasalanan mo naman kasi talaga e!

Simula noong sumalakay ang mga soul eater kagabi ay ramdam na ramdam na namin ni Fire ang pag-iwas sa amin ni Thea gano'n din ang hindi maikakailang galit sa amin ng elemental people dito sa Yoso Academy.

"Gale, ano na ang gagawin ko?" tanong ko kay Gale habang nandito kami sa pinakasulok ng hallway. Katatapos lang ng klase namin nina Fire kay Shebah at pati rin sa kanila ay nararamdaman ko ang galit at paninisi kahit hindi sila magsalita.

"Hindi ko alam, Aria. Ayaw kong magalit sa'yo. Alam mo kung gaano ka kahalaga sa akin. Ako ang naging Zana mo sa loob ng labing-walong taon at kahit na nadismaya ako sa mga desisyon mo ay hindi ko pa rin magawa ang magalit," sabi niya. Lalong bumigat ang loob ko. Hindi ko naisip na ganito pala kalala ang maaaring mangyari dahil sa pagmamahalan namin ni Fire. Hindi ko inakala na maraming tao ang madadamay.

"Aria, 'wag mong sisihin ang sarili mo. Kahit paano ay naiintindihan ko kayo ni Fire pero ang problema, hindi lahat ng nandito ay naiintindihan kayo. Para sa karamihan ay napakamakasarili ninyong tao," dagdag pa ni Gale. Bigla akong umiyak dahil sobrang bigat na talaga ng nararamdaman ko. I can't avoid to blame myself about what's happening now in Yoso Academy.

"I am sorry," I said. Niyakap ako ni Gale at hindi 'yon nakabawas sa bigat na nararamdaman ko. Lalo pa nga akong umiyak dahil sa pagkakayakap niya sa akin.

"Nangyari na ang nangyari, Aria. Kailangan niyo na lang harapin ito ni Fire," she said before she tighten her embrace to me. Tama si Gale. Hindi na namin maibabalik ni Fire ang nangyari. Ang dapat na lang naming gawin ngayon ay ang lumaban hanggang sa huli.

"Thea," I murmured when I saw Thea who's walking towards us. Hindi niya ako pinansin kaya naman kumalas ako sa pagkakayakap kay Gale at hinabol ko si Thea.

"Gale, sandali lang. Kakausapin ko lang si Thea," I said before I run after her.

"Thea, sandali!" sigaw ko pero hindi tumigil si Thea sa paglalakad. Nagteleport ako papunta sa harapan ni Thea at natigil siya sa paglalakad niya.

"Thea, please, mag-usap tayo," I said pero tiningnan niya lang ako. Wala akong makitang ibang emosyon sa mukha niya kundi galit at gusto ko na naman ang umiyak.

"Thea, 'wag mo naman kaming iwasan ni Fire. Please, 'wag kang maging ganito sa amin," I said before my tears started to fall from my eyes.

"Bakit? Nagsisisi ka na? Nagsisisi ka na sa pagiging makasarili ninyo ni Fire? May magbabago ba sa pagsisisi ninyo? Maibabalik ba ang buhay ng mga taong namatay dahil lang sa nagsisisi kayo?!" she shouted. Halos maputol ang ugat sa leeg niya dahil sa pagsigaw niya at kitang-kita ko ang pagkamuhi niya sa aming dalawa ni Fire.

"Thea---"

"Hindi naman kayo titigil, 'di ba?! Kaya bakit pa tayo mag-uusap?! Let's just wait for the death of everybody dahil doon naman ang pupuntahan ng selfish act ninyo! All of us will die where in fact, it should only be you and Fire who deserve to die!" she angrily muttered and even if I don't want to, I have slapped her face. Biglang napalitan ng pagkagulat ang mukha ni Thea dahil sa ginawa kong pagsampal sa kaniya pero agad din na bumalik ang galit sa mga mata niya.

"Nagagawa mong sabihin 'yan dahil wala ka sa sitwasyon namin ni Fire. Nagagawa mong isisi sa amin ang lahat dahil hindi mo alam kung gaano kami nahihirapan. Bakit, Thea? Tingin mo ba, sinadya namin na mangyari ang ganito?! Hindi! Walang may gusto nito! Hindi namin ginusto na may mamatay nang dahil sa ginawa naming paglabag sa batas. Hindi namin ginusto na masira ang balanse ng Elemental World. Hindi namin -----"

Elemental Kingdoms: The Rule Breakers (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon